Chapter 6

5.5K 77 3
                                    

BORING ngayong araw. Wala akong ginawa kundi magbantay ng shop ko. Nagtitinda kasi ako ng mga pambabaeng damit.

Ang nakakainis pa matumal ang benta ko ngayon. At isa pang nakakainis fuck buddies daw kami ni Tyrell pero hanggang ngayon 'di pa kami nagpa fuck.

At teka bakit nga ba iniisip ko s'ya? Dapat libangin ko na muna ang sarili ko.

"Ola, Virgin!" bigla na lamang sumulpot ang mahaderang si Magica na naka tube na violet at pekpek short as usual.

"Ano nanaman ba 'yon, Magie?" tanong ko.

"Eto naman oh, ako na nga lang 'yung bumibili sa shop mo ganyan ka pa!" malandi itong naglakad papunta sa mga damit.

"Alam mo kasi, friend, dapat nag hahang out hang out ka! O kaya makipag sex ka o kaya kahit finger lang nang malibang ka naman. Ang boring tuloy ng life mo!" madaldal na sabi nito.

"Magie, kilala mo naman ako. 'Di ko trip 'yung mga ganong buhay ano. 'Di naman ako katulad mo." sinipat ko s'ya ng tingin.

Napaka gandang babae ni Magica. Nanghihinayang ako bakit n'ya pinasok ang buhay ng pag popokpok? Naiinggit rin ako kasi ang revealing ng mga suot n'ya,  ang sexy tignan. Eh ako? wala akong confidence para magsuot n'yan.

"Kita mo 'yang suot mo. Magmamadre ka ba?" sarkastikong sabi n'ya.

"Hindi naman kasi bagay sakin ang mga ganyan eh." malungkot ang tono ng pananalita ko bigla s'yang tumingin sa akin.

Nakatitig s'ya ngunit bigla ring ngumiti. "Bitch! Ke-ganda ganda mong babae ayaw mo ilabas!" sabi nito.

"Totoo naman, Magie ah. Kita mo ko. Ganito lang ako."

"Pwede namang subukan mo diba?" nakangiting sabi n'ya.

"Paano?" takang tanong ko.

"Ako. Tutulungan kita. It's time to change, virgin!" hinila n'ya ko.

"Tutal saiyo naman 'tong shop, madaming pang sexy na damit dito! Tapos ipaparlor kita kay tsong bakla ko." excited s'yang pumili pili.

Sandali lang ay may dalawang dress na sobrang iksi at hapit. Ipinilit n'yang ipasuot saakin. Ayaw ko pa sana kaso, sinabunutan n'ya ko.

NAPANGANGA ko sa nakita, hindi ko lubos maisip na makakapag suot ako ng knitted dress at mag mamakeup ng ganito. Medyo nakakahiya rin at hindi ako sanay.

"Bongga!" umalog ang malulusog na dibdib ni Magica nang tumalon ito sa tuwa.

"Magica, okay na ba? Papalit na ko!" nahihiya akong tumakbo papuntang kwarto n'ya. Nasa bahay nila kami ngayon. Tumakbo rin s'ya papunta sakin at hinablot ang buhok ko.

"Arayyy!" napatili ako nang hablotin n'ya.

"Wag na wag mong aalisin 'yan o buhok mo iyang aalisin ko!" pagbabanta n'ya.

"Oo na! Tama na!" sigaw ko. Saka lang niya binitawan.

Inayos n'ya naman agad ang aking buhok. Agad itong bumalik sa pagkakaayos.

"Ayan!" natutuwang napapalakpak ang loka. Napatawa nalang ako.

"Alam mo, isa sa tinitignan sa babae ay ang pananamit nito." inilabas n'ya ang Cherry Mobile niyang cellphone.

"Smileeee!" nag sefie kaming dalawa. Ngumiti naman ako.

"Hindi rin? Siguro kaya nababastos ang mga babae dahil sa pananamit?" nag aalangan na wika ko.

Nangasim ang kanyang mukha. "Bakla, hinding hinding hinding hindi excuse ang pananamit ng isang babae para bastusin. Maiksi, Mahaba,  parehas lang , dapat paring nirerespeto ano mang isuot o ano mang itsura at trabaho."

Napahanga ako sa sinabi n'ya. May pagkabobo si Magica pero..

"Saka isa pa, ang mga utak ng mga walang galang na lalaki 'yung may problema. Damit lang 'yan." ngumiti s'ya. "Kaya ikaw, ayos lang na magsuot kang ganyan 'no. Kung mabastos ka, wala ka nang kasalanan don."

"Ewan ba, try ko minsan." nagkibit balikat nalang ako.

"Oy, penge palang damit sa shop mo ah." tumango nalang ako sa sinabi n'ya.

Nakarinig kami ng tili sa labas ng bahay. Napatakbo kaming dalawa ni Magica. Natagpuan naming nakalupasay ang baklang tiyuhin ni Magica.

Ah, kaya pala. Si— Si Tyrell nandito???? 

Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit ka nandito?!" gulat na tanong ko. Sa akin lamang siya nakatitig. Sinisipat n'ya ang aking katawan.

"What..the fuck?" usal n'ya.

"Bes,  sino 'yan?" tanong ni Magica.

"Wala, k-kaibigan ko." naguguluhang sagot ko.

"Ha? May kaibigan ka pala?" gulat na tanong nito. Hindi na ko nakapag salita.

"Come with me." hinawakan ako sa braso nito at hinila ko paalis.

"Hoy! Saan mo ipupunta 'yang kaibigan ko?!" aawat pa sana si Magica kaso umiling nalang ako sakanya. Ni hindi siya tinapunan ni Tyrell ng tingin.

"Get in the car." isinuot n'ya ang kanyang jacket. Mmm.. Ang bango.

Teka? Paano n'ya kong nahanap?

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko.

Pagkapasok palang n'ya ng sasakyan pinaharurot niya na agad ito. Sobra kong kinabahan nang makitang namumula ang kanyang mukha, mata at ang kanyang leeg.

"Hoy! Ano ba?!" napakapit ako sa upuan.

"Bakit ganyan 'yang suot mo?" tanong n'ya.

"Ano ba sayo?!" inis na sigaw ko. Nakakainis.

"I'm gonna fuck you." saka siya ngumisi.


A/N: Hi guys 😊 Can I get some comments and 20 votes before I upload the next chapter? Thank uuu,  Love uuuuu 💖

StupidiciousPink

A Deal With The PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon