Prologue

762 25 19
                                    

Prologue

Ako na ang matakaw...

Ako na ang walang kwenta...

Ako na ang tanga...

Ako pa ang taya...

Ako na nga lahat! Grabe namang buhay to ako nalang palagi ang walang alam! Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako ngayon sa gubat... Nakakatakot! Huhuhuh T____T

Marami akong naririnig na kaluskos sa paligid. Hindi ko na rin alam kung saan ang daan palabas dito. *gulp* paano kung may bear dito? Mama... please help!

Wala namang bear dito kasi nasa Pilipinas lang ako! Oo na tanga ng kung tanga! Kung kayo kaya ang nasa sitwasyon ko! Makukuha nyo pa kayang tumawa? Walang bear dito sa Pilipinas pero merong Aswang! Huhuhu...

Bakit ba kasi ako nalang palagi ang taya kung magtatago-taguan kami. Haaaaaaaayyyyy...

"Marie? Karen? Irene? Hoy asan na kayo!!! Lumabas na kayo oh! Bakit ba kasi dito kayo nagtatago eh sa classroom lang ang usapan! Ang daya nyo!"

"Walang Karen dito!" sabi ng isang lalaking lumabas mula sa damohan.

"Ha? Eh dito sila tumakbo eh!" - ako

"Pare ang swerte natin oh! Isang chikababes na naliligaw dito sa gubat," sabi naman ng isa pa. Nagtataguan rin kaya sila? Hala... Sinuswerte daw... Sino naman kayang tanga na naliligaw dito sa gubat? Ako kaya ang tinutukoy nila? Parang hindi eh, chikababes daw... kaya hindi ako 'yon...

Tatlo silang lahat at papalapit na sa akin.

"Ms. pwede ka ba naming ayain na sumama sa amin," sabi ng isa pang lalaki na mahaba ang buhok.

"Ako? Saan naman papunta?"

"Kahit saan mo gusto! Basta mag-eenjoy ka sa amin," at nakatawa pa talaga silang tatlo.

Kahit saan daw... gusto ko sa Disneyland tama... sa Disneyland kaya? Papayag kaya sila?

"Ahm pwede ko bang isama ang isa ko pang kaibigan?"

"Hindi pwede eh! Gusto ko tayo lang."

"Naku! Hindi pwede baka magalit sila." sabi ko sa kanya at tumalikod na para umalis.

Magagalit naman talaga sina Marie, Irene, at Karen... Kasi hindi ko pa sila nahahanap eh.

"Naku manong sa susunod nalang... Naglalaro pa kasi kami ng mga kaibigan ko."

"Tayo nalang ang maglalaro Miss," pakiusap ng isa pang lalaki.

"Hehe... Boss medyo tanga," bulong ng isa. Siya kaya ang tanga dahil bubulong pa siya eh naririnig ko rin naman.

"Eh di mas madali siyang mauuto. Mas madali ang gagawin natin." sabi ng Boss nila. Ang tinutukoy niya ay ang lalaking kasama niya. Haaaay... sino pa nga ba

"Wala nang susunod Miss...

"Tulong!" napasigaw ako pero biglang tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko.

Huhuhu... tumutulo na talaga ang luha ko... Paano pag hindi ko mahanap sina Marie at mamatay na ako... Pagkatapos ay magmumulto ako dahil hindi matahimik ang kaluluwa ko. Pagkatapos ay magiging multo ako dito sa gubat at patuloy pa rin ako sa paghahanap ng mga kaibigan ko. Magiging ligaw na kaluluwa ako... Huhuhuhu..

Cupid's Heart [Major Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon