Chapter 9
Carlos POV
Sumakay ako ng LRT pauwi sa bahay pero bigla kong naalala ang boses na nagsabi sa akin na umuwi na daw ako dahil nanganganib ang buhay ko. I think nababaliw na talaga ako dahil sa stress sa buhay. Hindi kasi ako masyadong natutulog dahil sa pagtatrabaho. Nasa pintoan na ako ng bahay pero hindi ko pa rin alam kung bubuksan ko ito. Pero inisip ko na lang na baka mawawala itong nangyayari sa akin kapag nakatulog na ako.
Kaya nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para buksan ang pinto. Mabuti na lang at walang taong sumalubong sa akin. Natawa pa ako dahil sa mga naiisip ko. Na baka salubungin ako ng isang babae at bigla siyang magpapakilala sa akin na siya ang mama ko. Sa tingin ko ay stress lang talaga ang lahat ng iyon kaya dumiretso na ako ng kwarto para matulog. Ako na lang kasi ang nakatira dito sa bahay dahil nagbakasyon muna ang mga kumupkop sa akin. Malaki ang bahay nila at nasa second floor ang kwarto ko. Maswerte rin ako sa kanila dahil mababait sila kaya ginagawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para makaipon. Gusto ko kasing ako na mismo ang magbayad ng tuition fee ko sa college.
Umakyat na rin ako para matulog. Hindi na ako pumasok sa klase dahil parang nababaliw na ako at meron pang mga lalaking humahabol sa akin. Narating ko na rin ang kwarto pero nang binuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isang napakagandang babae na nakahiga sa kama ko.
“Teka lang!” pagtawag niya nang tumakbo ako pababa.
“Anak,” sabi ng boses na nakikilala ko.
Siya rin ang babaeng tumawag sa akin kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin pero kahit nasa baba na ako ay naririnig ko pa rin ang boses niya sa aking isipan. Kung siya nga ang mama ko bakit ngayon lang siya nagbalik. Ang dami ko pa sanang tanong sa kanya pero parang nakakatakot na ang nangyayari sa akin kasi naririnig ko siya sa isip ko.
“Anak, bumalik ka na dito dahil baka matunton ka pa ng mga humahabol sa ‘yo.”
Ano daw? Humahabol sa akin? Gusto ko nang umalis kaya lang ay nakasalubong ko ang mga lalaking humahabol sa akin kanina. Bakit sila nandito?
“Bumalik ka na dito, bilisan mo!” sabi ng boses. Kaya sinunod ko na siya agad at bumalik na sa taas.
Ngumiti siya sa akin pero hindi pa rin gumagalaw ang kanyang katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ganun pa man alam kong mabait siya at sigurado akong siya nga ang mama ko.
“Wag ka sanang matakot,” sabi niya pero hindi gumagalaw ang kanyang mga labi. Pero ganun pa man naririnig ko siya sa aking isip.
“Ikaw ba ang mama ko?” tanong ko sa kanya.
“Pasensya ka na kung kailangan nating magkakilala sa ganitong paraan. Gusto ka lang naming protektahan ng papa mo mula sa mga kalaban,” sagot niya.
Syempre may papa ako. Kaya lumapit ako sa kanya at tumabi sa higaan. Ngumiti lang ako sa kanya at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang mga kamay. Bakit parang ang bata pa ni mama… hindi kaya siya tumatanda? May lahi kaya kaming maligno?
“Papa ko?”
Naging tahimik siya ng ilang saglit pagkatapos ay biglang may isang madilim na lagusan ang nagbukas mula sa salamin. Dito ay lumabas ang isang lalaking halimaw. Mukha siyang tao pero meron siyang mga sungay at buntot. Malaki ang kanyang katawan at kulay kape naman ang kanyang mga balat. Nakakatakot ang kanyang itsura na biglang lumapit sa amin. Napahawak ako kay mama dahil papunta siya sa amin. Dahan-dahang lumapit ang halimaw sa amin kaya tumayo na ako para sugurin siya pero bigla na lang tumawa ito. Nakita ko pa ang kanyang mga pangil nang tumawa siya. Kailangan kong protektahan si mama.
“Siya ang papa mo,” sabi ng boses sa isipan ko.
“Ano?” hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni mama.
Lumapit ang halimaw at hinawakan niya ang ulo ko. Ang init ng kanyang mga kamay habang ginugulo niya ang buhok ko. Pagkatapos ay dumiretso na siya kay mama at binuhat niya ito.
“Kailangan na nating umalis dito!” sabi ni mama. Hindi pa rin ako makagalaw habang pinagmamasdan ko silang pumasok sa salamin sa may kwarto. “Dali-an mo na dyan,” sabi niya.
Hindi pa rin ako kumilos dahil nakakatakot pa rin ako sa mga pangyayari. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko talaga inasahang ganito ang magiging tagpo ng unang pagkikita namin ng mga magulang ko. Hindi gumagalawa ang mama ko at isa namang halimaw ang papa ko.
“Dali na! Marami pa akong sasabihin sa iyo pagdating natin sa tunay na bahay natin,” sabi ni Mama.
Hindi pa sana ako gagalaw pero biglang bumukas ang pinto sa likuran ko kaya agad akong tumakbo at sumunod sa kanila. Nakita ko pa ang mga lalaking humahabol sa amin hanggang sa tuluyang na kaming nakalayo. Di ko alam kung bakit pero hindi ako natatakot kahit puro kadiliman na ang dinaanan namin. Wala talaga akong makita kundi ang isang butas na nasa itaas namin at ang liwanag na nagmumula rito. Ito na kaya ang katapusan ko?
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart [Major Revisions]
HumorWhat if one day malaman mong totoo pala ang mga anghel at nandito lang sila sa lupa? What if you realized you have fallen to an angel? Pero bigla mong malaman na hindi pala kayo pwede... Hindi pwede dahil Anghel siya samantalang ikaw naman ay anak n...