Carlos POV
Nagising ako sa mesa ng ni Mrs. Dean… Tinignan ko ang wall clock kung anong oras na. Patay! Late na naman ako nito.
“Ano bang sinusulat mo diyan ha?” tanong niya. Parang nangyari na ito sa akin dati ah! Dejavu? Ito
“Bye po maam dean,” sabi ko at kumaway pa ako sa kanya.
“Hoy Carlos… huwag mong masyadong papagurin ang sarili mo ha!”
Kinabahan ako dahil parang alam na alam ko ang susunod na mangyayari. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa akin eh. Lumabas na ako sa office niya at pumunta agad sa cafeteria… Ito kasi ang routine ko araw-araw kaya kahit hindi ko na isipin ay nakakarating ako sa cafeteria dahil ito ang susunod kong trabaho.
Ano bang nangyayari sa akin? Wala talaga akong maalala kung anong nangyari kagabi. Paano ako nakarating sa school?
“Late ka na naman!” ito ang sabi ni Aling Maria nang pumasok ako sa likod ng kitchen.
“Tumatanda na kasi,” narinig kong bulong ni Adi na nakatawa sa isang gilid at busy sa panghuhugas ng pinggan.
“May sinasabi kayo? Tigil-tigilan nyo na nga ang pagbubulungan dyan at marami na tayong customers na nag-aantay sa labas!” pagkatapos ay umalis na rin siya.
“Halatang puyat ka na naman ah! Saan ka ba pumupunta tuwing Linggo?”
Talagang nangyari na talaga ‘to dati pero hindi ko alam kung kelan. Pilit kong inisip kung anong nangyari kagabi pero wala talaga akong naaalala.
“Hoy!” panggugulat ni Adi.
“Ha?”
“Ang sabi ko saan ka ba pumupunta tuwing Linggo?”
“Ako? Eh nagtatrabaho ako. Bakit?”
“Ang sipag mo naman. Ang swerte siguro ng mapapangasawa mo.”
Ano ba ang nangyayari sa akin? Nahulaan ko kasi na iyon ang sasabihin ni Adi kahit hindi pa niya ito sinasabi.
“Hoy!” at binatukan pa niya ako.
“Ha?”
“Nag-iimagine ka na naman eh! Ano ba iniisip mo? Babae? Baka matulungan kita? Sige na bes… ang dami-dami kayang gustong hingin ang number mo sa akin… kaya lang hindi ko binibigay sa kanila.”
Parang alam ko na naman ang mangyayari… kinuha ko na ang bag ko at umalis para makapag-isip.
“Hoy, minsan naiisip kong bakla ka kasi naman wala ka pang girlfriend,” pagpapatuloy ni Adi pero tuluyan na akong umalis.
“Teka…” narinig kong pagtawag niya kaya tumakbo nalang ako papalabas. Hindi ko alam pero parang meron akong hinahanap na tao.
Tumakbo nalang ako papalayo sa cafeteria dahil nahihiwagaan na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ako maaaring magkamali. Nangyari na ang lahat ng ito noong isang linggo. Naalala ko pa noong sabihin ni Adi kay Aling Maria na bakla ako. Pagkatapos noon ay niyakap ako ni Aling Maria nang pagkahigpit-higpit.
Sa kakatakbo ko ay nakarating ako sa gubat. Parang meron akong hinahanap sa lugar na ito pero hindi ko rin naman alam kung ano o kung sino. Naglakadlakad muna ako sa mini-forest ng school at nag-iisip kung anong nangyayari sa akin.
Nanikip ang dibdib ko kaya agad akong naghanap ng mauupuan. Naupo ako sa isang putol na sanga nga kahoy na nasa tapat ng isang matandang puno.
Ano kayang nangyayari sa akin. Nahihirapan akong huminga pero ilang sandali lang ay nawala naman ito. Sa tingin ko ay kaya ko nang tumayo pero may narinig akong mga kaluskos na papalapit sa akin.
Kaya agad akong umakyat sa matandang punong iyon para hindi nila ako makita. Bawal kasing pumunta sa lugar na ito lalo na kapag oras ng klase.
“Tama nga ang hinala ko. May isang anghel ang nanggaling sa lugar na ito at malamang ay matagal na silang nakatakas,” sabi ng isang lalaking nakasalamin na may hawak ng isang gadget. Mukha itong maliit na cellphone pero tumutunog ito at pabilis ng pabilis nang itinuon ito ng lalaki sa isang lugar. Nasa baba lang sila ng punong inakyat ko kaya kitang-kita ko sila mula dito. Tatlong tao ang nakita ko, dalawang lalaki at isang babae. Ano kaya ang ginagawa nila sa lugar na ito? Napansin ko ring may hawak silang baril pero hindi naman sila security guard dito sa school.
“Malas naman,” sabi ng isa pang lalaki. “Matagal na siguro silang nakaalis sa lugar na ito.”
Nagtago nalang ako at nanatiling tahimik dahil baka masasamang tao sila at mayroon silang balak na masama sa school. Agad kong kinapa ang cellphone ko pero wala ito sa bag ko. Naiwan ko pa ata ito sa office ni maam dean. Tatawag na sana ako ng pulis para i-report ang pangyayaring ito.
Naalala ko noong isang linggo nandito ako at meron akong tinulungang isang babae. Nalala ko na ngayon, may isang babaeng naliligaw dito at tinulungan kong makalabas sa gubat na ito. Siya kaya ang tinutukoy ng mga lalaking iyon? Pilit kong iniisip kong sino ang babae pero wala talaga akong maalala. Kahit na ang mukha nito.
“Carlos!” parang may bumulong at tinatawag ako. “Carlos,” tumingin ako sa paligid pero wala naman akong makita. Tumindig ang balahibo ko at mabilis akong nagtatatakbo papalayo sa gubat. Naiwan ko pa nga ang bag ko doon sa itaas ng puno.
Ano kaya ang boses na iyon? Nababaliw na kaya ako? At sino naman kaya ang mga lalaking nakita ko. Nababaliw na yata ako dahil ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Isang anghel? At natawa nalang ako nang maalala ko ang sinabi ng mga lalaki. Nababaliw na nga yata ako!
“Carlos,” at narinig ko na naman ang boses. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Mababaliw na yata ako dahil meron na naman akong naririnig. Naisip ko na baka namaligno ako dahil umakyat ako sa matandang punong iyon. Naku!
“Carlos anak,” ito ang sabi ng boses. Anak? “Umuwi ka sa bahay dahil nanganganib ang buhay mo dito,” ito ang sabi ng boses. Nababaliw na ba ako? Parang ganun na nga siguro dahil may tumatawag na sa aking anak. Dahill nga siguro ito sa sobrang pagtatrabaho ko.
“Ayon siya!” sabi ng lalaki kanina.
Ako ba ang sinasabi nila? Parang ako nga dahil tumatakbo na sila papunta sa akin. Wala naman akong ginawa sa kanila ah! Tumakbo na lang din ako dahil nakita kong itinutok na nila ang baril nila sa direksyon ko.
“Bilis!” sabi naman ng babae na may hawak pang handgun. Kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanila at palabas ng campus. Sino ba ang mga taong iyon?
“Carlos anak,” sabi na naman ng boses. Hindi ko alam kung saan iyon galing. Sa tingin ko ay sa utak ko lang ito. Sa tingin ko ay nananaginip lang ako pero sobra naman yatang makatotohanan ang lahat ng ito. Pagkalabas ko ng campus ay pumunta agad ako sa lugar kung saan maraming tao. Sigurado naman akong hindi lang ito isang panaginip dahil totoong nabubunggo ko ang mga tao sa daan. Takot na takot ako sa mga pangyayaring iyon.
Hindi rin ako umuwi sa bahay dahil baka nga nandoon si mama. Si mama? Ni hindi ko pa talaga nakita ang mama ko. Sabi kasi ng kumupkop sa akin ay iniwan lang ako sa labas ng pinto ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart [Major Revisions]
MizahWhat if one day malaman mong totoo pala ang mga anghel at nandito lang sila sa lupa? What if you realized you have fallen to an angel? Pero bigla mong malaman na hindi pala kayo pwede... Hindi pwede dahil Anghel siya samantalang ikaw naman ay anak n...