Kabanata 1

2.3K 66 1
                                    

All Rights Reserved :D

Written by: Purplecutegirl

Enjoy reading :)

Si Drake po yung nasa multimedia 

-------------------------------------------------------------------------

Kabanata 1

“Hon bayad na ang tuition mo para sa sem na toh. Wala ka ng poproblemahin” sabi sakin ng boyfriend ko ngayon.

Teka papakilala muna ako. Ako si Chloe Ramos 17 years old. BSBM ang coarse.

“Salamat Hon, sige mauna na ako may dadaanan pa ako.” Sabi ko at umalis na sa bahay ng boyfriend kong 75 years old. Kung tutuosin para ko na siyang lolo. Bakit ako pumatol sa kanya? Simple lang dahil sa pera. Wala na akong magulang, wala na akong pamilya na pwede sumuporta sakin. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para matupad ang mga pangarap ko sa buhay. Pero dahil sa kapos ako sa pera. Kailangan kong maging ganto. Kailangan kong maging GOLD DIGGER. Oo nakokonsensya ako sa mga pinaggagagawa ko pero, walang matutulong ang konsensya ko sa pagtatapos ko ng pag-aaral.

“Hoy! Chloe late ka na naman. Naku lagot ka na kay Ma’am niyan eh.” Sabi sakin ni Ella, isa sa matalik kong kaibigan.

“Hala! Pasensya na may dinaanan pa kasi ako!”

Andito ako ngayon sa restaurant na pinag tatrabahuan ko. Oo, kahit na gold digger ako nagtatrabahu pa rin naman ako.

“Chloe! Late ka na naman! Baka gusto mong mapatalsik ka na sa trabaho mo!” bulyaw sakin ng Manager namin. Mataray talaga siya, kala mo laging may dalaw.

“Ma’am sorry po hindi na po talaga mauulit.” Paghingi ko ng despensa.

“Hala! Sige trabaho na marami tayong customer ngayon!” utos niya.

“Pasalamat ka malakas ka kay Boos” bulong pa ng Manager namin. Yung boss kasi namin ay may gusto sakin. Kaya mainit ang dugo sakin ng Manager namin kasi kahit anong mali at kasalanan ko, hindi pa rin ako natatanggal sa trabaho.

“Can I get your order Ma’am? Sir?” tanong ko.

“We’ll have the special menu for the night. And the most expensive wine.” Sabi nung lalaki ng hindi nakatingin sakin. Nakatingin lang siya

sa babaeng costumer. Aysuss! In love si Kuya sa girl, pero imperness  gwapo si kuya ah. Sinulat ko naman ang order nila saka inulit ko.

“2 special menu for the night and 1 bottle of the most expensive wine. It’s that all Sir?” tanong ko. tumingin naman sakin yung lalaki at mukang na stars track  sa ganda ko kasi natulala pa siya sakin.

“A-ahm. Y-yes t-that’s all” sabi niya. Umalis na ako dun at pumunta sa counter para ibigay ang order nila.

“Grabe talaga yang ganda mo Chloe. Nakakapag stammer ng lalaki. Pusta ko marami na namang calling card ang matatanggap mo ngayon.” Sabi sakin ni A, isa din siya sa matalik kong kaibigan. Ako, si  A at si Ella ay magkakasama sa iisang apartment.

“Oy Chloe! Sabi ni boss pumunta ka daw sa office niya bago ka umuwi.” Sabi ni Ella na bigla na lang sumulpot.

“Bakit na naman daw?” naiinis na tanong ko.

“Aba malay ko! Baka alokin ka ng bahay at lupa, maging girlfriend ka lang niya. Haba kasi ng hair mo daig mo pa si Rapunzel sa haba.” Sagot niya.

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon