Kabanata 2

1.7K 62 2
                                    

Written by: Purplecutegirl

Enjoy reading :)

Si Chloe po ang nasa Multimedia

--------------------------------------------

Kabanata 2

“Ella! Hindi ko na talaga ang gagawin ko ngayon.” Kinuwento ko na kay Ella ang lahat. Napansin niya kasing namamaga ang mata ko kaya pinilit niya akong sabihin ang problema ko. at yun nga sinabi ko na din. Mapagkakatiwalaan naan si Ella eh.

“Mahal mo ba talaga siya?” tanong niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

“Hindi ka naman ata nakinig sa pinag sasabi ko kanina eh. Oo mahaal ko siya. Sobra!” sagot ko.

“Dalawa lang naman kasi pagpipilian dyan Chloe eh. Una, sasama ka sa kanya at iiwan yang mga lalaki mo. Pangalawa, hahayaan mo siyang umalis at taposin ang lahat sa inyo. Pero may mga consequences din yan. Sa una sasama ka sa kanya pero dapat handa ka sa mga mangyayari. Tandaan mo Chloe madami ng lalaki ang na perahan mo. Malamang sa malamang, marami sa kanila ay kakilala si Drake at Malaki din ang posibilidad na magkross ang mga landas nyo. Sa pangalawa hahayaan mo siyang umalis at taposin ang lahat sa inyo pero dapat tanggap mong masasaktan ka ng todo. Tandaan mo masakit ang mag let go ng taong mahal mo.” Lintanya sakin ni Ella.

“Pero Chloe bata ka pa. At marami ka pang pangarap sa buhay. Marami ka pang gustong patunayan di ba? Marami ka na din napag daanan. Marami ka nang sinakripisyo para lang matupad ang mga pangarap mo. Isusuko mo lang ba lahat ng yun sa pag-ibg? Mag-isip ka Chloe wag puro puso ang pinapakinggan” lintanya ulit ni Ella at saka iniwan ako sa kwarto. Tinignan ko ang orasan sa may gilid ng kama ko. 4:55 na.

“Sorry Drake! Sorry!” paulit-ulit kong wika hanggang sa mag alasingko na ng hapon. Oo tinapos ko na lang ang lahat samin. Tama si Ella madami na akong nasakripisyo para sa pangarap ko. Siguro kailangan ko din isakripisyo ang pagmamahal ko para kay Drake.

*Kinabukasan*

“Chloe! Kumain ka na. Kahapon ka pa hindi kumakain eh. Baka magkasakit ka na niyan.” Sabi sakin ni Ella.

“Wala akong gana!” sabi ko ng mahina. Narinig kong huminga ng malalim si Ella.

“Hayy! Sige pumunta ka na lang sa kusina pagnagugutom ka na.” sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Nagugutom na ako pero wala talaga akong gana kumain.

Masakit talagang e let go ang taong mahal mo. It hurts big time!

Maya-maya, pumasok ulit si Ella sa kwarto ko.

“Chloe! Pupunta na akong resto ah. Sasabihin ko na lang may sakit ka. Kumain ka na maya maya. Sige alis na ko. Wag ka nga palang aalis ng apartment ah” sabi niya at umalis na. Dahil wala naman akong maka-usap at magawa dito maglalakad lakad  na lang muna ako.

.
.
.
.
.
.

Mahigit isang oras na din akong naglalakad ng walang direksyon. Huminto ako sa may mini park. At umupo sa may isa sa mga bench dun. Kahit maliit lang ang park na ito. Marami pa rin bata na naglalaro at mga couples na nagka cuddle. Nakatitig lang ako sa mag syota sa harap ko. Drake and I supposed to be like that, yung naglalambingan at naghaharutan kahit sa public place.

Kahit secret on kami. Nagdedate din naman kami. Pero hindi sa mataong lugar.

Ang madalas lang namin puntahan ay park, playground at sa bahay nila. Nung naramdaman kong malapit na naman tumulo ang luha ko. Tumayo na ako at naglakad pabalik s apartment namin.

 

“Ay sorry!” sabi ko sa taong nakabangga ko. Lutang na naman kasi ako. Hay ang hirap maging broken hearted. Nakakawala sa wisyo. Daig ko pa ang naka doobe eh. Tinignan ko yung taong nakabangga ko.

Hala natapunan pala ng chocolate shake ang damit niya.

“Hala sorry talaga, hindi ko naman sinasadya eh.” Paghingi ko ulit ng despensa. Tinignan ako ni Kuya tapos nginitian.

“It’s ok. Kasalanan ko din naman kasi nagmamadali ako. Sige I gotta go.” Sabi niya at umalis na. maglalakd n asana ulit ako ng may napansin akong wallet sa sahig. Kinuha ko ito saka tinignan. Bumungad sakin ang isang babae at lalaki na magkasama sa picture.

Yung lalaking nakabangga ko siya yung andun sa  picture. Infairness gwapo yung lalaki. Hawig din siya kay Drake.tinignan ko pa yung laman ng wallet niya may nakita akong callin g card. Hmm matawagan nga. Gold digger ako pero hindi magnanakaw.

“Daniel Dolleton.” basa ko ng mahina. Pamilyar yung apilyedo niya sakin. San ko ba yun narinig? Ida dial ko n asana yung number niya. Pero bigla naman tumawag si A

“Hello.”

“Hoy Chloe! Nasan ka? Wag kang papakamatay! Marami pang nagmamahal sayo! Marami ka pang pangarap sa buhay! Marami ka pang papabols hindi lang si Drake. Please Chloe wag kang magpapakamatay!” mabilis na sabi ni A ~_~ eto na naman po siya, OA na naman po si A. Alam na din kasi ni A yung samin ni Drake.

“Hoy Chloe! Sumagot ka nga! Naku kukutasan talaga kita pag nagpakamatay ka.” =_= ansabeh niya kukutasan daw ako pag nagpakamatay ako? Baliw ata tong si A eh.

“Umayos ka nga! Nag-iisip ka ba? Sana sumama na lang ako kay Drake kung tatapusin o din ang buhay ko pagnawala siya! Loka ka talaga. Saka ni minsan hindi sumanggi sa utak ko ang magpakamatay. Nasa park lang ako. Pauwi na din ako. Sige bye!” sabi ko at binabaan ko na siya. Pinasok ko na yung wallet sa may bag ko mamaya ko na lang tatawagan yung may-ari nito. Naglakad na ako pabalik ng apartment namin. Pagdating ko andito na din si Ella.

 “Anyare sa muhka nyo? Daig nyo pa ang namatayan eh!” tanong ko sa kanila.

“Ok straight to the point. Wala ka ng trabaho.” Malungkot na sabi ni Ella.

“Ahh. Ok! Sige punta na ako sa kwarto ko.”

Daniel POV

Kamalasan nga naman Oo! Natapunan yung T-shirt ko ng chocolate shake. Hindi ko macontact yung bestfriend kong si Diane. Nawawala pa yung wallet ko! Argh! Kailangan ko ilabas ang sama ng loob ko. Maka pag bar na nga lang!

-------------------------------------------------------

Yan lang muna ngayon :)

Vote and Comment po kayo ah.

Hello kay zhell_princess912 ^_^

[PURPLE]

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon