Kabanata 13

970 53 5
                                    

Written By: Purplecutegirl

Enjoy Reading

------------------------------------------------------------------------

Kabanata 13

Dalawang lingo na ang nakakalipas simula ng dumating di Drake. At laking tuwa naman ni Chloe dahil hindi na nga siya ulit ginulo nito. Magkapatid na lang ang turingin ng dalawa. Si Janica naman ay lalong nag-aasal lalaki lalo na ng makaclose niya si Drake. Ayaw nitong maglaro ng Barbie at ng mga laruang pangbabae. Inaagaw pa nito ang laruan ni Niel kaya madalas itong umiiyak.

At ngayon kakagaling niya lang sa ospital. Malaking ngiti ang nakaguhit sa muka niya. Pagdating  niya ng bahay  ay agad niyang hinanp ang kanyang asawa’t anak. Nakita niya ito na nasa garden ulit naghahabulan silang apat.

“Babe/Mommy!” sabay na bati ni Daniel at ng Kambal. Lumapit ang kambal sa kanya at nhinalikan ito sa pisngi.

“Wow! Sarap naman ng halik ng mga baby ko!” saad ni Chloe. Lumapit naman sa kanya si Daniel at hinalikan siya sa labi. Hinampas niya ito.

“Loko ka talaga alam mong may mga bata!” pagalit niya dito. Tumawa na lanng ito.

 “San ka nga pala galing!” tanong ni Daniel.

“S-s-s-a-sa O-os-ospital.” Sinadya talaga ni Chloe na mag stammer at gawing malungkot ang kanyang boses. Rumihistro naman kay Daniel ang pag-aalala.

“Anong ginawa mo sa ospital may  sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito.

“I’m pregnant!” mahinang sabi nito.

“Pregant lang pala eh!” sabi  nito. Nagkatinginan sila ni Chloe at nanlaki ang mata ni Daniel nang mag sink in talaga ang sinabi ni Chloe.

“BUNTIS KA?!” tanong ulit ni Daniel. Tumango naman si Chloe at ngumiti. Nagtatatalon naman sa tuwa si Daniel.

 “Janica! Niel! your mother is pregnant! Magkakababy na ulit tayo sa bahay!” masayang sabi ni Daniel sa kambal yung kambal naman ay nakisali sa saya ng kanyang Ama. Binuhat pa nito si Chloe at inikot ikot.

Dahil  sa saya ni Daniel ay magluluto daw siya ng mga paboritong pagkain ni Chloe. Nasa kusina si Daniel at busy sa pagluluto samantalan si Janica naman ay nagdradrawing si Niel, Drake at Chloe naman ay nanunuod ng TV. Nasa gitna ni Drake at Chloe si Niel. Ngunit tinwag ito ng kanyang kapatid kaya magkatabi na ngayon ang dalawa.

“Congrats” sabi ni Drake. Ngumiti naman si Chloe.

“Salamat!” pagkatapos nun ay mahaba ng katahimikan. Tanging sounds lang ng TV ang maririinig dahil tahimik din na nagdradrawing ang kambal.

“I wonder sino kaya ang Ama niyan? Si Daniel o Ako?” naka ngising tanong ni Drake.

“Shut up Drake! Kay Daniel ang batang dinadala ko at  hindi sayo. At di ba napag-usapan na natin toh?” galit na sabi ni Chloe pero pabulong lang.

“Chill sweetie! I’m just asking ok! Pero pagnapatunayan kong akin yang nasa sinapupunan mo. Whether you like it or not, kukunin ko yan! And you also!” banta ni Drake bago pumuntang kusina. Kinabahan naman si Chloe sa banta ni Drake.

Pagdating ni Drake sa kusina. Nakita niya si Daniel na busy sa pagluluto.

“Bro congrats nga pala!” sabi ni Drake kay Daniel. Tinignan naman siya ni  Daniel saka ngumiti.

“Thanks Kuya. Ninong ka ah!” masayang pahayag nito.

“Sige bah!” kung tutuosin ay talaganng malapit si Drake at Daniel sa isa’t isa. Kahit magkapatid lang sila sa ina, minahal nila ang isa’t isa bilang tunay na magkapatid pero ngayon. Mukang magkakasira sila dahil lang sa iisang babae ang minahal nila.

Tapos ng magluto si Daniel at Drake. Oo tinulungan ni Drake si Daniel sa pagluluto. Pinapahain na lang nila ang mga pagkain sa mga katulong nila. Pumunta sila sa sala para makita ang mag-iina. Ang kambal ay busy pa rin sa pag dradrawing si Chloe naman ay nakatulog na.

“Babe! Kakain na!” gising ni Daniel kay Chloe. Nagising naman ito agad. Lumapit naman yung kambal sa kanila  dala ang mga drinuruwing nila. Nakadrawing dun ay isang stick na pamilya.

 “Eto ka daddy, eto si mommy, eto kami ni kambal, eto si baby at eto naman si Tito Drake” sabi ni Niel habang tinuturo ang mga drawing niya.

“Eto naman sakin mommy daddy!” sabi naman ni Janica at pinakita ang drawing niya na heart tapos mas nakalakay pa dun na I LOVE MY FAMILY.

“Mangiyak-ngiyak na si Chloe sa kasweetan ng mga anak nila.” bago pa tuluyang maiyak si Chloe ay inaya na ni Daniel itong kumain ng biglang……

 

“SURPRISE!!!!!”

may dumating na bwisita! Ay bisita pala

----------------------------------------------------

Alam kong Sabaw at Bitin ang Chapter na 'to kaya dalawang Update ang gagawin kong ngayon araw :D

Vote!!! Vote!! Comment!! Comment!!

{PURPLECUTEGIRL}

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon