Kabanata 6

1.4K 60 3
                                    

All Rights Reserved :D

Written by: Purplecutegirl

Enjoy reading :)

------------------------------------------------------------------------

Kabanata 6

Chloe’s POV

“Babe wag mo nga kainin yan. Mangga, ketchup, bagoong at toyo? Seriously anong kalalabasan ng anak ko dyan?” iritadong sabi ni Daniel.

3 months na ang nakakalipas ng sabihin ko sa kanya na buntis ako. Nung una akala ko itatakwil niya yung bata, yung hindi tatanggapin. Pero nagulat ako sa naging reaksyon niya.

 “Flashback*

“Buntis ako.” Sabi ko.

Ilang minute din kami nagkatitigan, nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

“Hindi ka ba galit?” tanong ko

“Ako? Magagalit? Bakit naman?” balik tanong niya.

“Eh di ba… Kasi.. Ahh.. Amm anu nga ba?” may gusto akong sabihin pero hindi ko alam kung panu. Hinawakan niya yung baba(Chin) ko.

“Hindi ako katulad ng inaakala mo. Anak ko ang dinadala mo. At ikaw ang nanay ng anak ko. Bakit ako magagalit?” sabi niya. Ako? SPEECHLESS!

*Chup*

Napabalik ako sa realidad ng ninakawan na naman ako ng halik ni Daniel.

“Lagi mo na lang ako ninanakawan ng halik!” saway ko sa kanya.

“Sorry! Ibabalik ko na.” sabi niya at bago pa ako maka-angal hinalikan na naman niya ako.

“Loko ka talaga!” sabi ko sa kanya sabay batok.

“Aray sadista ka talaga!” sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at pinag patuloy ang pagkain ko ng mangga.

“Sabing tigilan mo na yung pagkain niyan eh! Hindi ka ba nasusuka sa kinakain mo?” nandidiring tanong niya.

“Manahimik ka na lang! ikaw kaya maglihi gusto mo?” wika ko. Hindi na siya umimik at pinanuod na lang niya akong kumain. Sa bawat subo ko ng mangga napapangiwi siya. Kaya may naisip ako *evil grin*

“Babe say aaahhhh” sabi ko at nilalagay sa bibig niya yung manggang kinakain ko. Tinignan niya ako ng ‘You-got-to-be-kidding-me’ look. Napangiti ako ng lihim.

“Babe say ahhhh” sabi ko tapos nagteary eye ako. Tinignan niya ako tapos bumuntong hininga. Isusubo na niya sana kaso nilayo ko sa kanya.

“Ayaw mo naman eh” sabi ko teary eye tapos naka pout.

“H-hindi ah kakainin ko na nga eh” sabi niya tapos kinuha yung mangga sa plato tapos kinain niya. This time ako naman napangiwi. Nandiri ako bigla sa kinakain ko.

“Yuck!!!!” sabi ko “Wag kang hahalik sakin bad breath ka!!’’ parang batang sabi ko tapos iniwan ko siya sa may kusina.

Daniel POV

Hayy mga buntis nga naman! Ang bilis ng mood swings :3 Niiligpit ko na lang yung pinagkaininan ni Chloe. At pagkatapos ay naghanda ako papuntang opisina. Mabuti na lang at ako may ari ng companya kaya  walang sisita  sakin dahil sa late ako.

“Babe alis na ako ah. Uwi din ako ng maaga.” Paalam ko kay Chloe, pero hindi niya ako pinansin. Napabuntong hininga na lang ako, hinalikan ko siyan sa pisngi at saka pumunta na sa opisina. Hirap talaga suyuin ni Chloe pasalamat siya MAHAL KO NA SIYA.

3rd Person POV

Nang makaalis ng bahay si Daniel. Bigla namang na guilty si Chloe dahil hindi niya ito pinansin. Kaya naisip niya na ipag luto na lang si Daniel at puntahan sa opisina nito.

Niluto niya ang paboritong ulam ni Daniel. Pork Steak na walang sibuyas. Pagkatapos ng ilang oras natapos na siya sa pagluluto. Nagpahinga muna siya saka naligo at nagbihis. 11am ng umalis siya ng condo. Sumkay siya ng taxi dahil wala naman siyang sasakyan. At ayaw din siyang bigyan ni Daniel dahil ayaw nito na magdrive si Chloe. Ng makarating siya sa Dolleton’s Company. Pinapasok na siya ng guard, kilala na din kasi si Chloe ng mga empleyado doon dahil ilang beses na din siyang sinasama ni Daniel sa opisina. Sumakay siya sa elevator na pinindot ang floor ng opisina ni Daniel. Pagkabukas ng pinto sumalobong kaagad sa kanya ang secretary ni Daniel na si Marj.

“Goodmorning Mrs. Dolleton” bati nito sa kanya.

“Mrs. Dolleton? Luh? Ms. Ramos pa ako hindi naman kami kasal eh. Pero Chloe na lanag tawag mo sakin.” nakangiiting sabi ni Chloe kay Marj.

“Hehe sorry. Ms. Ramos na lang po tawag ko sayo baka magalit si  Sir eh. Nga pala lumalaki na tyan mo ah.” Sabi ni Marj. May pagkamadaldal din kasi ‘to.

“Oo nga eh. Andyan ba si Daniel?” tanong nito.

“Ay oo andun sa opisina niya. Punta ka na lang may inuutos pa kasi sakin e sige una na ko” sa ni Marj at umalis na pumunta naman si Chloe sa opisina ni Daniel. Hindi na siya kumatok basta pasok na lang siya. Halatang nagulat si Daniel sa pagpasok ni Chloe.

“Babe ano ginagawa mo dito?” tanong ni Daniel.

“Wala namiss lang kita. Nagluto ako ng Pork steak” bigla namang ngumiti si Daniel. Masayang kumakain si Daniel at Chloe. Sa kabilang banda naman….

May nakatitig sa kanilang isang magandang babae mula sa pinto ng opisina ni Daniel.

“I Love You Babe. Love You din Baby.” Sabi ni Daniel at hinalikan niya si Chloe at ang tiyan nito.

Bigla namang tumulo ang luha ng babaeng naka masid sa kanilang dalawa. At umalis ng D’s Company.

----------------------------------

Hmm sino kaya yung babaeng NAKAMASID sa kanila??? 

Short UD muna sa ngayon hehe salamat sa mga nagbabasa nito :D

Hello kay Shariensheen ^_^

{Purple}

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon