Kabanata 14

986 51 12
                                    

Written By Purplecutegirl

Enjoy Reading :D

---------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 14

May dumating na bwisita! Ay bisita pala. Walang iba kundi sila Ella, A, Rex at Josh.

“Ninang! Ninong!” sigaw ng kambal at lumapit sa kanila. Kinintilan naman ng halik nila Ella at A ang kambal.

 “Aba! Bat ang daming pagkain?!” tanong ni  A. napatingin ako kay Drake kaya napatingin din sila sa kanya.

O_O reaction nilang dalawa.

“Oy Drake! Kailan ka pa nakauwi?” sabi ni Josh at nakipag bro hug pa.

“2 weeks na akong andito.” Sabi naman ni Drake.

Nagkatinginan kaming tatlo. Nasa mata nila Ella at A ang pagkakagulat.

“Hello Ella and Ashley! Long time no see!” bati ni Drake sa kanila.

“Ah.. eh.. hello din S-sir!” sabi ni A.

“Sir? Long time no see? Magkakakilala kayo?” tanong ni Josh.

“Ah.. O-oo siya yung boss namin sa restaurant na pinagtatrabahuan namin nung college.” Paliwanag naman ni Ella na medyo na stammer pa.

“Bat nga pala andito kayo?” tanong ko pang change topic.

“Wala naisipan lang namin dumaan dito galing kami sa Company. Yung mga boss kasi dyan todo pahinga lang sarap ng buhay noh?” sarcastic na sabi ni A. Natawa na lang kami ni Daniel sa kanya.

“Hmm. I smell something. May good news ba kayo dyan?” tanong ni Ella. Nagkatinginan kami ni Daniel magsassalita na sana kami ng biglang may sumingit.

“MOMMY IS PREGNANT!!!!!!” sigaw ng kambal.

Sa una ay parang hindi ma sink in sa isip nila ang sinabi ng kambal pero nung na gets na nila. ayun nagtatatalon din sila sa tuwa. Ninang at ninong daw ulit sila.

Nang matapos ang pagkain nila ay natulog ang kambal. Sila Daniel, Drake at Josh naman ay nagkayayaan uminom. Yung mga babae naman ay may seryosong pag-uusap nasa music room sila. Doon sila nag-usap para hindi rinig sa labas kasi soundproof ito.

 “You have a lot of explaining to do!” sabay na sani ni Ella at A.

Wala ng nagawa si Chloe kundi ang magexplain. Sinabi niya lahat ng nangyare, pati ang pagsisiping ulit nila ni Drake at ang pagbabanta nito sa kanya. Sa buong pagkwento ni Chloe ay hindi niya na din naiwasan na maiyak.

“Malaking problema na naman toh Chloe!” sermon sa kanya ni A.

“Panu kung si Drake nga ang magiging ama niyan? Sa tingin mo ba tatangapin ka pa ni Daniel? Mabait si Daniel sayo Chloe pero ano ginagawa mo sa kanya? Wag mong I take for granted si Daniel Chloe!” sabi naman ni Ella. Minsan lang eto magsermon at kapag nanermon niya tagos hanggang buto.

“Ginawa ko lang naman yun para matahimik na siya eh. Ginawa niya naman yun. Kaso inaangking niya ang bata sa sinapupunan ko!” umiiyak na sabi ni Chloe

“Sana sinabi mo na lang kay Daniel ang totoo na nagkaroon kayo ng relasyon dati ni Drake.

Wala namang masama dun eh, past na yun pero ang ginawa mong pagpayag sa kalokohan ni Drake ay talagang masama.” Sabi ulit ni Ella.

“Ngayon hindi mo na yun maaamin, kasi ang tagal nyo ng magkasama tapos sabi mo ang turingan niyo eh magkapatid ano na lang ang sasabihin ni Daniel? Ano na lang ang iisipin niya? Syempre magtataka yun bakit hindi mo agad sinabi!” sabi ni A.

“At the same time maghihinala siya. Magkasama ang mag-ex sa iisang bubong at magkalapit lang ang mga kwarto nila. talagang maghihinala yun Chloe!” dagdag ni Ella.

Wala nang masabi pa si Chloe,  umiyak na lang siya ng  umiyak. Hindi niya na alam ang gagawin niya sa buhay niya. Masaya na siya kasama si Daniel at ang kambal. Kaso nagulo sila ng dumating si Drake at kapatid pa ito ni Daniel.

“Let’s just pray na kay Daniel yang dinadala mo.” Mahinahong sabi ni Ella. Pinatahan na nila si Chloe dahil makakasama ito sa magiging anak niya.

Sa kabilang banda.  Lasing na agad si Drake dahil halos lahat ng alak ay siya na ang uminom.

“Bat ka nga pala bumalik sa pilipinas Drake?” tanong ni Josh.

“Bumalik ako sa babaeng mahal ko kashoo may ashawa na pala sha at may anak!” sabi nito. Napa ‘Ooooh’ naman si Daniel at Josh.

“Saklap pala ng love life mo kuya hahaha!” asar sa kanya ni Daniel. Gusto na sana ni Drake na suntukin si Daniel pero nasa tamang pag-iisip pa naman siya kaya nacontrol niya eto.

“Hay ewan! Ikaw Daniel ingatan mo ang ashawa mo baka makuha sha shayo ng iba.  Shige masusulog na ako!” sabi ni Drake na talagang malalaman mo na lasing na dahil sa pagsasalita niya.

“Ingatan mo daw asawa mo!”

pang-asar naman ni Josh. Minura niya na lang si Josh. Pero napaisip siya sa sinabi ng kanyang kuya bakit niya iingatan ang asawa niya? Sino ang may gustong umagaw sa kanya?

 Pero sa pag-iisip niyang iyon ay binalewala na lang niya. Naisip niya na lasing lang ang kanyang kuya kaya kung anu-ano na ang sinasabi.

Hindi din nagtagal ay umuwi na sila Ella, A, Rex at Josh. Nagpahinga na din sila Daniel at Chloe.

“Good night babe! I love you!” sabi ni Daniel.

“Good night din babe! Mahal din kita!” sabi naman ni Chloe. Hinalikan ni Daniel ang noo ni Chloe at saka natulog.

---------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na wattpadmate 2 updates for today ah :D Wag ng demanding ^_^

Saka Tnx po sa pagpapanatiling rank #30 sa Short Stories for 5 days!!! Well nag rank 20 din pero isang araw lang :D 

BTW yung last part ay nakaprivate kaya kailangan i follow niyo muna ako bago niyo mabasa yun :) Gusto ko kasi malaman kung sino talaga ang nagbabasa ng SAGD eh :)

{Purplecutegirl}

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon