Kabanata 15 (Last Chapter)

1.2K 50 13
                                    

Written by: Purplecutegirl

------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 15

Mabilis dumaan ang panahon. Naipanganak ko na ang aming bunso na si Lila nakuha ko ang pangalan niya sa bulaklak na Lilac. Nagandahan lang kasi ako sa bulaklak na yun kaya dun ko sinunuod ang pangalan ni Lila. Ang nakakapanibago lang nang dumating samin si Lila, bigla na lang nagbago si Daniel. Tatlong araw pa lang akong nakakapanganak eh umalis siya sa pilipinas. At pagbalik niya dun na nagbago ang pakikitungo niya samin ni Lila. Oo kami lang ni Lila kasi sa kambal ay ganun pa rin siya maalaga at mapagmahal. Kami ni Lila kulang na lang eh paalisin na niya kami ng  bahay dahil sa pakikitungo niya. Andun kami pero parang hindi kami nageexist sa paningin niya. Kapag umiiyak naman si Lila sobrang maiinis na yan.

“Mommy where’s daddy?” tanong ni Janica.

“Nasa work siya baby.” Sagot ko naman

“Mommy galit ba sayo si Daddy?” tanong niya ulit.

“No baby! Panu mo naman nasabi na galit sakin si Daddy?”

“Eh kasi Mommy hindi na kayo nagkikiss saka hindi na rin kayo nagtatawagan ng babe. Akala namin ni Niel magkaaway kayo.” Naiiyak na sabi nito. Kahit ako naiiyak na din sa sinabi ni Janica kahit pala siya ay nahahalata ang malamig na pagtrato sakin ng Daddy niya.

“Mommy kahit ganun po si Daddy sayo. Always remember andito na lang kami we will never leave you mommy. We love you!” sabi naman ni Niel. Niyakap ako ng kambal at dun ay napaiyak na talaga ako. Five years old pa lang sila pero kung makapag isip ay parang matatanda na.

“And you also Baby Lila we also love you we will never leave you” sabi ni Janica at hinalikan niya ang noo ni Lila. Nag-iiyakan kaming mag-iina ng dumating si Daniel.

“Anong nangyayare dito?” galit na sabi niya. Nilapitan niya ang kambal at nilayo sakin. Nilagay ko muna sa crib si Lila.

“Anong ginawa mo sa mga anak ko ha?” pagalit na naman na tanong niya.

“Wala akong ginagawa….” Hindi niya ako pinatapos dahil sinampal niya na ako. Napadapa ako sa sahig sa lakas ng sampal niya sakin. Napaiyak na ako dahil sa halos limang taon naming pagsasama hindi niya pa ako napagbuhatan ng kamay ngayon palang.

“Wag mong sasaktan ang mga anak ko! Wala kang karapatang paiyakin sila!” sigaw niya sakin. Naririnig ko ang iyak nila Janica at Niel. Hindi dapat nila nakikita ito.

“Janica, Niel go to you room now.” Sabi ko sa kanila. Nung una ay ayaw nilang umalis.

“Please babies go to your room I don’t want you to see this” sabi ko sa kanila. Kahit ayaw umalis ni Janica ay hinila na siya ni Niel karga din ni Janica si Lila. Kaya kaming dalawa lang ni Daniel ang natira sa kwarto.

“Ano bang problema mo Daniel?” tanong ko sa kanya. Hindi siya kumibo kaya hinawakan ko ang braso niya at lumapit ako sa kanya.

 Amoy alak siya.

“Lasing ka na naman?” tanong ko sa kanya. Oo na naman kasi halos gabi-gabi siyang umuuwi ng amoy alak at minsan amoy babae.

“Wala kang paki alam!” cold na sabi niya.

“Asawa mo ako kaya may pakialam ako! Nangbababe ka noh?!” sigaw ko sa kanya. Sa sinabi kong yun nakatikim na naman ako ng sampal sa kanya.

“Wag mo akong itulad sayo malandi ka! At wala kang pakialam kong nambababae at umiinom ako! Pera ko ang ginagastos ko hindi sayo!” sabi niya sakin. Napaiyak na naman ako.

“Ano ba talagang problema Daniel? Sabihin mo naman sakin oh!” pagmamakaawa ko sa kanya. Pero na natili lang siyang tahimik.

“Ano bang gusto mong mangyare satin Daniel?” tanong ko sa kanya.

“Let’s get Divorce.” Walang emosyong sabi niya. Ang iyak ko ay napunta na sa hagulhol.

Yan ang salitang pinaka huli kong gustong marinig na sasabihin niya sakin.

“A-ano?” tanong ko sa kanya.

“Maghiwalay na tayo” wala paring emosyong sabi niya. Sa malayo siya nakatingin at hindi sakin.

“B-bakit? P-paano ang mga b-bata” paputol putol sa sabi ko.

“Iwan mo sila Janica at Niel dito. You can take Lila with you.” Sabi niya.

“Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Lila? Anak mo siya for god sake Daniel!” sigaw ko sa kanya.

“Hindi ko siya anak!” sigaw niya sakin.

“A-anong s-sinasabi mo?”  

“Just pack your things Chloe and umalis ka na baka hindi na ako pakapagpigil at ano pa ang magawa ko sayo!” mahinahon pero galit na sabi niya. Pagkasabi niya nun ay umalis na ulit siya.

Hindi ko siya anak

Hindi ko siya anak

Hindi ko siya anak

Hindi ko siya anak

Hindi ko siya anak

Alam niya na ba na may nangyare samin ni Drake noon. At iniisip niya na ito ang ama ni Lila? Pero magkamukang magkamuka sila ni Lila eh. Wala man lang ngang nakuha sakin eh kaya imposibleng si Drake ang ama ni Lila. Dahil kamuka niya si Lila.

Kinabukasan. Nagising ako sa iyak ni Lila. Nandito pa rin ako sa bahay ni Daniel hindi ako umalis. Lasing lang siya kagabe kaya niya nasabi ang mga yun. Pagkatapos din niyang magwalk out kagabi ay agad kong pinuntahan ang mga bata sa kwarto nila. Nadatnan ko silang umiiyak. Kaya pinatahan at pinatulog ko na din sila. Sa kwarto kami ni Janica natulog lahat. Kaya hindi ko alam kong umuwi ba kagabi si Daniel o hindi.

Tot…tot…

May narecieve akong dalawang message. Binuksan ko eto may naka attach na video. Nang makita ko ang video parang gumuho na  ang mundo ko.

Ang unang video ay si Daniel na nasa isang bar may kasayaw siyang mga babae tapos naghalikan pa sila. Ang pangalawang video naman ay si Daniel may kasamang babae sa kama. At gumagawa sila ng milagro. Parang sinadya ang mga video na ito kasi malinaw talaga ang mga muka nila kitang kita ko ang muka ni Daniel at nung babae pero hindi ko ito kilala.

“I love you baby!” yan ang huli kong narinig na sinabi ni Daniel sa video bago ito matapos.

“Janica! Niel! Pack your things now!” sigaw ko sa kambal. At nagmadali akong pumunta sa kwarto. Pero nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

LAST CHAPTER NA pero binitin ko pa rin kau? hahaha that's life :D

Yeah! Last Chapter na po ito PERO MAY EPILOGUE PA!!! 

NAKAPRIVATE ANG EPILOGUE kaya Follow niyo muna ako para mabasa niyo. Kung hindi niyo mahanap click niyo yung  external link :D

May Special Chapter pa ako para sa mga tanong and information about sa book 2 nito :)

BTW dedicated po ito sa bestfriend ko. Na matagal ng nagcocomplain dahil sa matagal daw ito matapos hahaha.

{{PURPLECUTEGIRL}

CHLOE (she's a gold digger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon