SYWLG.

29 1 0
                                    

"Tracy, ayos ka lang? May problema ka ba?" napatingin naman ako sa nagsalita.

"Lalaine.." sabi ko naman sa kanya.

"You okay?" tanong niya ulit.

"I am- maybe?" sabi ko sa kanya sabay nagkibit balikat na lng.

Andito ako sa loob ng room at hinihintay yung teacher namin at di ko namalayang napatulala na lang ako at napansin siguro yun ni Lalaine kaya nilapitan niya ako at umupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ko..

*sigh*

"You want to share? Para kasing ang lalim ng problema mo e. I am worried lalo na nung Monday ka pang ganyan, tapos anong araw na? Friday na oy! " paalala niya sa akin na parang binibiro niya pa ako.

"Well, thanks for the offer Lalaine. Pero ayaw ko munang pag usapan. H-hindi ko pa ata kaya ." sabi ko sa kanya at madaling umiwas ng tingin dahil parang may namumuong luha na sa lintik kung mga mata.

Nakita ko naman sa mga mata ni Lalaine na nag aalala siya bago siya bumalik dun sa upuan niya at kausap yung mga iba yung kaklase.

Alam ko namang may alam na sila sa nangyayari. Alam kung alam nila...

Yeah right *roll eyes*

By the way, I am Tracy Lopez and that's Lalaine Gomez. Isa sa mga kaibigan ko dito sa Room. Mabait yan- sila naman lahat dito mababait.

Hindi ko alam pero napatingin ako sa bakanteng upuan na to saka ako kumuha ng libro at ipinagtakip ko sa mukha ko at pasimpleng pinunasan yung kumuwalang luha sa mata ko.

Kainis.

May sariling buhay na ata tong mga mata ko e. Litsi.

Pero ano bang karapatan ko para magdrama? Ano lang naman ako sa kanya diba?

"Bwisit. Wala naman talaga. Tsk." bulong ko sa sarili ko saka ko binaba yung librong pinagtakip ko sa mukha ko pero muntik na akong atakihin sa puso nang may makita akong mukha sa harap ko.

"Bwisit naman Kim! Sasakit puso ko sayo sa gulat e. " sabi ko sa kanya at nagpeace sign naman at sabay natawa pa.

"Sorry naman. Nagtaka lang ako kung bakit baliktad yung pagkakabasa mo nang librong dala mo. Bakit nga ba?" sabi niya sa akin at tinignan ko lang siya.

"Umalis ka na nga lang dito Kim, di ka naman nakakatulong e. " sabi ko sa kanya at tinignan niya lang ako sabay tingin dun sa bakanteng silya na katabi ko lang.

By the way, siya naman si Terrence Kim. Nasa kabilang section yan at di ko kaklase to. At pumupunta yan dito araw araw para kulitin ako ng kulitin.

Oo, nagcucutting yan kaya nga nagagalit ako sa litsing to e. And hello? Kilala kaya tong mokong na to dito sa school namin kaya di talaga maiiwasan yung insecurities sa ibang students dito sa school. Ayos lang naman sa mga kaklase ko kaya sanay na silang pumupunta yan dito since kaklase naman namin yung kaibigan nito..

"Napakiusapan ko na yung Dean na dito na ako papasok simula ngayon since pareho naman tayo ng subject, yun nga lang iba ang teacher natin. Pero ayos lang naman daw. Kaya dito na ako papasok!" biglang sabi niya sa akin at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Napansin ko namang nagulat din yung mga kaklase ko sa sinabi niya. Oo, malamang sa malamang narinig nila yun.

"At bakit mo naman ginawa yun?" sabi ko naman sa kanya na may halong pagkairita.

Alam ko naman yung dahilan pero tinanong ko lang dahil .. Ewan? *sigh*

".. I can't be so happy if my bestfriend is sad about what happen last week ." sabi niya saka siya tumayo at umupo dun sa katabing silya.. Yung bakanteng katabi ko.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko, alam kung narinig nila yun pero umaacting silang di nila narinig dahil alam nila gaano ako nasaktan sa nangyari...

At oo nga pala, magbestfriend kami ni Kim simula nung ipakilala niya ako sa kanila bilang girlfriend niya- o mas madaling sabihing rebound lang pala.

"Bwisit!" bulong ko nang maramdaman ko na namang may tumulong luha sa pisngi ko at pinunasan ito kaagad.

Nagtataka kayo sino ang tinutukoy ko?

Siya lang naman si Jester Jeon. Ang akala ko ka forever ko na pero nung bumalik yung taong mahal niya pa daw. Bigla niya lang ako iniwan na parang wla lang ako sa kanya. Na parang walang kami. Ganern. Tsk.

"Akala ko ba mahal mo ako? Huh? AKALA KO BA AKO LANG!? BAKIT SIYA PA ANG PINILI MO AT HINDI AKO NA NANDITO NA NGA, MINAHAL KA PA! ANO PA BANG KULANG JEON!? *sobs*" sabi ko sa kanya ngayon sa open field dito sa school namin.

Last last week ko pa siyang di nakakausap ng matino simula nung kunin niya sa airport yung ex niya daw. HINDI KO NGA ALAM YUN kaya nagalit ako sa kanya at inaway siya.

Masakit e.

Ako na mahal niya, di man lang niya sinabing kukunin niya pala yung ex niya sa airport At ANONG MAS MASAKLAP!?

NAKATIRA ANG BABAENG YUN SA BAHAY NIYA! AKO NGA NA GIRLFRIEND NIYA DI AKO NAKAPASOK DIYAN! Kahit sa gate man lang, hindi talaga..

Ganun ba niya kamahal ang ex niya? Akala ko ba magmomove on na siya? Akala ko ba AKO LANG!?

"Im sorry Tracy. Pero hindi na kita mahal." sabi niya sa akin.

"ANO!? NARIRINIG MO BA YANG PINAGSASABI MO JEON!? " sabi ko sa kanya at may namumuo nang mga luha sa mata ko.

"Im sorry.. Im sorry kung ginawa lang kitang rebound for Daisy. Sorry Tracy-"

*PAK*!

SINAMPAL ko siya for the first time at doon na bumuhos ang luha ko habang tinitignan siya.

"A-akala ko ba di mo ako iiwan? *sobs* akala ko ba di mo din g-gagawin sa akin ang ganito? *sobs* sana man lang diba? *sobs* sana man lang s-sinabi mo sa akin na rebound lang pala ako*sobs* para kahit papaano.. Kahit paano di na ako umasa pa sa mga matatamis mong salita. " sabi ko sa kanya.

Tinignan ko siya habang di siya nakatingin sa akin dahil sa ibang direksyon siya tumingin...

"Tracy-" Siya

".. Wala na akong kilalang Jeon simula ngayon. Wag na wag ka nang magpapakita sa aking hayup ka! K-kahit yun man lang.. K-kahit yun lang ang hihilingin ko.. " sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad paalis pero tumigil ulit ako at nilingon siya at nakita ko siyang naglakad na din paalis at nakatalikod sa akin..

"Pero kahit ganun ... Mahal na mahal parin kita .. Jester Jeon. " bulong ko sa sarili ko at tumakbo na talaga ako paalis.

Hindi ko alam saan ako papunta sa araw na yun pero isa lang ang naalala ko sa mga oras na yun.

"Kim.."

Say You Wont Let Go [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon