TRACY's POV
"Aray! Dahan dahan naman oy! —Waaaah. " sabi ni Kim sa akin. Sinadya ko talagang diinan yung gamot para naman matauhan ang bwisit na to.
"Yan kasi. " Jerome
"Tumahimik kang pandak ka kundi Ihuhulog kita sa labas!. " Kim
"Tsk. Makatsansing lang— Ahehehe joke lang naman. " sabi ni Jerome dahil sinamaan siya agad ng tingin ni Kim na ipinagtaka ko naman.
"Tracy, tapos na ba yan? Bebendahan ko na. " sabi ni Mike na nasa tabi ni Kim, pinagitnaan kasi namin ang litsing to since marunong naman akong manggamot kaya tinutulungan ko si Mike
"Tapos na. " sabi ko tapos bumaling ang atensyon ni Kim kay Mike na benebendahan na ngayon.
"Nga pala Trace.. " tawag sa akin ni Jinny na nasa tabi nung driver.
May personal driver sila e.
"Susunduin kita sa bahay niyo bukas. " sabi niya sa akin.
"Ha!? Hala bakit? Wala namang pasok bukas a? " sabi ko naman sa kanya.
"Oo nga naman Jin! Oy ikaw a. " Hopia
"Loko! Gusto ko lang ipakilala si Trace kay Mom at Dad. " sabi ni Jin—
"ANO!??? " Kami
Hala! Ano to? Kasalanan na—
"Kung ano man yan iniisip niyo, wala diyan yung sagot. Ipapakilala ko lang si Trace sa mga magulang ko , alam niyo namang gusto kung magkaroon ng kapatid na babae diba? Kaya si Trace na lang ipapakilala ko. " sabi ni Jinny sa amin.
"H-ha? B-bakit ako? N-nakakahiya naman Jinny! Wag na lang please.. Baka di ako magustuhan ng mga parents—" Ako
"Ano ka ba, di mangyayari yan. Ang limang kasama mo pinakilala ko nga, ikaw pa kaya? " paliwanag niya sa akin at napatingin naman ako sa kanilang lima.
"Tama siya Tracy. Tao yung mga magulang niya pero magugulat ka na lang pagdating mo sa bahay nila. " bulong na sabi ni Kim sa akin.
"HOY LALAKI! ANO YANG BINUBULONG MO KAY TRACE A! MALILINTIKAN KA TALAGA SA AKIN! " Biglang sigaw ni Jinny at narinig ko namang nagtawanan yung iba.
Luh?
May nakakatwa ba?
"May nagjoke ba? Bakit kayo tumatawa? " sabi ko sa kanila.
"Malalaman mo yan bukas, Trace. Basta, dont worry. Kasama mo naman kami bukas—" Niel
"ANONG SASAMA KAYO!? SINONG NAGSABI!? " sabi ni Jinny.
Luh? Sigawan na ba itech?
"ABA! Namimiss ko na kaya si Tita at Tito! " Hopia
"Ako rin naman a! Ikaw lang ba? " Jerome
"Oo nga naman, nakakamiss sila. Kailan kaya tayo makakabalik dun? " Niel
"Ako, ayos lang kapag hindi— Ah oo, kailan kaya? " sabi naman agad ni Mike na sinamaan ng tingin nung apat.
Pinariringgan ba nila si Jinny?
Hahahahaha.
"Tsk. Namimiss kaya kami ni Tita? Baka magtampo yun Jin kapag di mo kami isasama bukas—" Kim
BINABASA MO ANG
Say You Wont Let Go [ONGOING]
FanfictieA story based on author's imagination. They love each other until something bad happens..