JEON's POV
Nakita kung umalis yung kotse ni Jin at nakita ko ding kasama siya..
"Babe? Bakit? " tanong ni Daisy sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Pwede ba Daisy? Kahit anong paglalambing mo, di mo parin maibabalik yung tiwala ko sayo. For me, once is enough! " sabi ko sa kanya. Buti na lang at walang katao tao ngayon dito sa parking lot.
Pumunta ako dito kanina mag isa pero pagkalabas ko nakita ko naman siyang papasok na di ko inaasahan.
Sinusundan na naman niya ako at alam ko naman yun.
Oo, nagkabalikan kami ni Daisy dahil sa isang kasunduan. Isang pambloblockmail na nauwi sa di ko inaasahang pati si Tracy idadamay niya.
Ang sabi niya, kapag daw di ko hiniwalayan si Tracy ay papatayin niya ito. Alam ko si Daisy, kung ano ang pagbabanta niya sayo, seryoso siya dun. At ako lang ang nakakaalam na may mga tauhan na reapers ang pamilya nila Daisy. Okay sana kung ako lang, pero idadamay niya si Tracy at ang barkada kapag di kami nagkabalikan.
Oo, at ako na duwag.
Iniwan niya ako sa ere noon na kamuntikan na akong mabaliw tapos ngayon magpapakita siya na parang wala lang nangyari!? MATAPOS NIYA AKONG IWAN, BABALIK SIYA!? P*TA diba?
"Is this about her again Jeon!? " galit na sabi niya sa akin nang makapasok na siya sa kotse nung pumasok na ako sa drivers seat at sa kabila naman siya.
"No? " pagsisinunggaling ko sa kanya.
"Liar! " sabi niya.
"Edi alam mo pala? Bakit mo pa tinanong!? Alam mo bang nang dahil sa pinaggagawa mo nagkandalitsi litsi na ang buhay ko?? " sabi ko sa kanya at di pa pinapaandar ang kotse dahil ayaw kung magmaneho nang galit at kasama ang babaeng to.
Yeah right. Everything happen was just an act. Di ko sinasadyang sabihin yung mga salitang nabitawan ko kay Tracy last week dahil sa chanak na to na nakamasid sa aming dalawa nung nasa open field kami.
I even saw a reaper sa di kalayuan nang kinatatayuan namin nun, may hawak na parang mga karayom na kahit ako di ko makita dahil sa liit nito.
I know its kind of a weapon that can weaken your immune system.
This stupid explains that weapon. At blinockmail niya ako.
I saw Tracy in pain that time at hindi lang naman siya kundi pati din ako, PATI AKO NASAKTAN DIN NAMAN A!? MAHAL NA MAHAL KO SI TRACY! MAHAL NA MAHAL--
Gagawin ko lahat para mailigtas ko lang siya pero sa kasamaang palad, pati yung barkada, naaapektuhan na din dahil sa away naming dalawa ni Tracy at sa paghihiwalay.
I want to tell to those jerks what really is happening pero hindi pwede.. Dahil kapag nalaman nila, papatayin sila nung mga sugo ni Daisy.
B*llsh*t!
Kaya wala akong ibang magawa kundi sundin ang utos ng bruhildang to para mailigtas sila sa kapahamakan.
Everytime they're near at magkasama kami ni Daisy, we must act like we're the best couple in the world-- PWE! kahit labag sa kaloob looban ko, wala akong magagawa.
WALA TALAGA! TAE!
"I am doing this because I love you! Mahal na mahal kita Jeon! Mahal na mahal. " sabi niya sa akin.
"Nababaliw ka na. Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan sa ere? Huh? KUNG MAHAL MO AKO BAKIT MO AKO PINAASA!? KUNG MAHAL MO AKO, BAKIT INIWAN MO PA AKO NG WALANG PASABI!? Alam mo bang mabaliw na ako kakahanap sayo DAISY!? MUNTIK NA AKO MAGPAPAKAMATAY DAHIL SA LINTIK NA PAGMAMAHAL KO SAYO! And there, everything change when Tracy came.. She's my hope and my angel in disguise that time Daisy! NARIRINIG MO BA AKO!? NILIGTAS NIYA AKO SA MGA PANAHONG NAGLULUKSA AKO SA BIGLAANG PAGKAWALA MO! Tapos ano to!? Babalik ka lang para guluhin ang buhay ko!? GANUN BA YUN DAISY!? " sabi ko sa kanya at pinunasan na lang yung luhang pumatak sa pisngi ko dahil sa galit. Dahil di ko magawang saktan si Daisy dahil babae siya. Ayaw kung saktan ang mga babae. Hindi ko pambubuhatan ng kamay ang tulad niya.
BINABASA MO ANG
Say You Wont Let Go [ONGOING]
FanfictionA story based on author's imagination. They love each other until something bad happens..