TRACY's POV
"O heto a, suotin mo yan.. Tapos eto naman at eto." sabi ni Jinny sa akin habang may binibigay niya sa akin yung mga damit.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko yung pag alalang na parang kuya ko talaga.
"Bakit? " sabi niya.
"S-salamat." sabi ko naman sa kanya at ngumiti naman siya saks niya ginulo yung buhok ko.
"Tss. Walang anuman. O siya, pupunta na ako sa unit ni Niel. Kung may kailangan ka, pindutin mo lang yang red button diyan tapos pupuntahan kita dito, okay?" sabi niya sa akin lalabas na sana siya sa kwarto— Oo, kwarto niya to. Andami ngang Mario stufftoys e. Nakakainggit.
"Teka lang. " sabi ko sa kanya at nilapitan ko siya at niyakap ko siya saglit. Tapos ginulo ko naman yung buhok niya.
"Yah~ guluhin mo na buhay ko wag yang buhok ko! Hahahaha. O siya, sleeptight at feel at home ka lang. Okay? Sige goodnight." sabi niya sa akin saka ko naramdamang kiniss niya yung noo ko kaya nagulat ako at tinignan siya.
"Hahahaha. Pambawi ko lang smsa pagpitik ko diyan sa noo mo! Hahahaha. Aalis na talaga ako . Hahaha" sabi niya at lumabas na siya sa kwarto at naakita ko din siya lumabas na sa unit niya dala yung paborito niyang unan at extrang kumot.
Hindi ko alam pero naiiyak ako sa saya.
Im glad at nakilala ko sila ...kahit na may something kami ng isa sa kabarkada niya.
JIN's POV
"Ano? Ayos lang ba siya dun?" sabi naman ni Niel sa akin.
"Babantayan ko siya sa labas ng unit para sakali diba?" sabi naman ni Jerome.
Nandito ang lahat sa unit ni Niel maliban kay Jeon dahil simula nung dumating ang ex niya,nasa bahay niya na yun nakatira kasama yung ahas na yun. Anu pa nga ba?
"Sinabi ko sa kanya yung dapat at hindi dapat sa loob— teka may pupuntahan pa pala ako. Saglit lang ." sabi ko sa kanila at iniwan yung unan at kumot sa sala at lumabas ng unit ni Niel.
Pumunta ako sa elevator at pinindot yung second floor kung saan nadun yung mga convenience at kung ano ano pa.
Pagdating ko dun,binati naman ako ng isang crew at pumasok ako sa isang boutique at dumiretso sa section ng mga undies.
Oo,bibihan ko ng underwear si Tracy baka naman walang maisuot yun bukas. Walang dalang gamit yun e kaya walang wala talaga yun.
Napansin ko namang may lumapit na salelady sa akin.
"Yes Sir Jin? May maitutulong po ba ako sayo?" sabi niya sa akin.
"uhmm. Pakibalot yang mga yan. Tapos ihatid mo sa unit ko sa taas. Alam mo naman saan yun diba?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.
"Good. Pakibilisan lang dahil naghihintay nayung susuot niyan dun." sabi ko sa kanya at umalis na nakapamulsa.
Hindi ko na kailangan pang magbayad dito dahil pagmamay ari naman to ni Mom kaya ayos lang. At wag na kayong magtaka pa kung bakit kilala ako ng mga staff at crews dito.
Lumabas na ako sa boutique na yun at naglakad papunta sa isang coffee shop dito.
Pagpasok ko ay pumila ako.
Nang ako na yung mag oorder.
"Dalawa nung frapp tapos anim na cream." sabi ko sa kanya at tumango naman siya sabay sabi nung babayaran ko.
I handed her my credit card at isinauli naman niya ito agad sabay namang dumating yung mga order ko.
Naglakad na ako paalis habang dala tong mga order ko at pumunta sa VIP na elevator at sakto namang sa kabilang elevator ang paglabas ng isang saleslady.
BINABASA MO ANG
Say You Wont Let Go [ONGOING]
Fiksi PenggemarA story based on author's imagination. They love each other until something bad happens..