IV.

9 0 0
                                    

TRACY's POV 

[ U W I A N ]

"Ako nang magdadala ng gamit mo. " sabi sa akin ni Kim pero di ko binigay sa kanya yung gamit ko.

"FYI lang po Kim, hindi ako lumpo para pagsilbihan mo. May kamay at paa pa ako hello??" sabi ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko.

Nagsialisan na pala yung mga kaklase ko at kami na lang dalawa yung natira.

"Fine. Tara na nga ." sabi ni Kim saka siya naunang maglakad at nakasunod lang ako sa kanya.

Nakalabas na kaming dalawa at nasa likod lang ako nang napatigil siya kaya napatigil din ako at sisilipin ko na sana kung anong nangyayari pero bigla siyang tunalikod na ikinagulat ko saka niya ako pinasuot ng earphone sa mga tenga ko at aalisin ko na sana nang sinamaan niya ako ng tingin at sinenyasan niya akong pumikit.

"ANONG—" sabi ko pero tinakpan niya yung bibig ko saka niya ako piniringan.

Wala akong marinig dahil pangheadbang at Metals tong nasa kanta niya.

Naramdaman ko namang may pinahawak siyaa akin at mukhang celpon niya yun tapos may naramdaman akong magkabilang balikat ko at nagsimula na ding maglakad paalis.

Hindi ko alam pero bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

Kaya naman pala.. 

Nandito siya . At ginagawa lahat to ni Kim dahil ayaw niyang makita akong masaktan kapag nakita ko siya ulit.

Paano ko ba nalaman? Syempre yung pabango niya naamoy ko pa. Kahit di na kami nagkikita. Naaamoy ko parin yung pabango niya sa paligid ko.

Tss. Kadramahan na naman. 

KIM's POV 

Nakita ko namang umalis na si SeokJin at Tracy dito sa kinatatayuan ko kaharap ang squidward na to.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang sana siyang makausap—"

*BOGSH!* 

"TANGA KA BA!? SINAKTAN MO NA NGA YUNG TAO, MAKIKIPAG USAP KA PA!? SA TINGIN MO MAKIKINIG YUN SAYO!? OO, MAKIKINIG PERO HINDI NIYA MAIINTINDIHAN! SINAKTAN MO SIYA JEON! SINAKTAN MO ANG BABAENG MALAPIT SA BUHAY KO!! SINAKTAN MO ANG TRACY NA AKALA KO DI MO SASAKTANG TUKMOL KA!" sigaw ko sa kanya habang nasa sahig siya dahil sa pagsuntok ko.

"Anong nangyayari dito? Babe? Anong nangyari?" sabi nung kakadating lang na ahas sa buhay na to.

"Ahas ." sabi ko at napalingon naman siya sa akin.

Waw, inaamin na ba niya?

"Wag na wag mo nang saktan si Jeon! Dahil ako ang makakalaban mo Terrence!" sigaw ni Daisy.

Ha ha ha. Natakot ako sobra -_- 

"Babe.. Wag, bayaan mo na. I just deserve this." sabi ni ilong sabay tayo hababg inaalalayan siya nung Ahas.

Landi pang ahas ka. Bagay yan sayo. Bagay kayong dalawa.

"Oo, at di pa yan sapat dahil sa ginawa mong stupido ka! " sabi ko saka ako umalis dun.

Narinig ko namang naiinis si Daisy sa nangyari.

I even heard her she's gonna kill Tracy kapag may nangyaring masama kay Ilong.

Baliktad na ba mundo ngayon at ang babae na yung nagtatanggol? Wew~ -_-#

Pero di ko hahayaang mahawakan niya si Tracy dahil kahit babae siya, para kay Tracy, papatulan ko yan. Ha ha ha.

Say You Wont Let Go [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon