KIM's POV
Nakita ko siyang pasimpleng pinupunasan yung mga luha niya.
Kaya bago pa niya ulit punasan yung pisngi niya ay kinuha ko yung kamay niya at iniharap ko ang mukha niya sa akin..
"A-ano ba K-Kim *sobs*" sabi niya at aalisin na sana yung kamay ko na nasa magkabilang pisngi niya pero sinuway ko siya.
"Stop crying, PG." sabi ko sa kanya at nagiba naman yung tingin niya sa akin. Oo, Patay gutom ang isang to kaya wag kayong paloko. Hahaha
"W-walangya ka! " sabi niya tapos ningitian ko siya sabay pahid nung mga luha niya sa pisngi gamit yung mga kamay ko saka ko inalis yung kamay ko sa mukha niya.
"Sabay tayong maglunch mamaya ah?. " sabi ko sa kanya at umiwas naman siya ng tingin.
".. Wag kang mag alala. Di ko isasama yung barkada at siya.. Tayong dalawa lang. " sabi ko at napatingin naman siya sa akin.
She still loved that jerk. Ang swerte niya kay Tracy pero ginago lang niya. Litsi talaga yun. Tsk.
"A-ayaw kung kumain ng Lunch. " sabi niya saka siya umiwas ulit ng tingin na ikinakunot naman ng noo ko.
"Tss. Sa ayaw at gusto mo, kakain ka. Libre ko—"
"ANO BA KIM!? PWEDENG KAHIT ISANG BESES MAN LANG IWAN MO MUNA AKO!? ALAM MO NAMAN ANG SALITANG PRIVACY DIBA!? " sabi niya sa akin na hindi ko na ikinagulat kasi ganyan nman talaga kami maguusap.
Dinaig pa naming may karelasyon pero hindi nung sila pa ng gagong yun. Simula lang nung Monday dahil nung Monday ko lang nalaman anong nangyari.
"Malamang.. Nag aaral nga ako diba? Basta. Kakain tayong dalawa. " sabi ko sa kanya.
"Bakit ba ang kulit kulit mo ha!? Naiirita na ako sayo pramis! " sabi niya sa akin.
"Ah? Compliment ba yun o hindi? " sabi ko sa kanya at nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin.
"AKALA MO BA NAGJOJOKE AKO!?" sigaw niya ulit
"Aish. Pwedeng pakihinaan boses mo? Nakakahiya sa mga kaklase natin. At tsaka magkatabi lang tayo—ARAY! " sabi ko sa kanya nang hinampas niya ako ng librong nasa mesa niya.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! " Siya
Napatingin naman ako sa ibang mga kaklase niya na parang gulat na gulat sa pagtawa ni Tracy.
"SHEEEYT— YUNG MUKHA MO— AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! " Siya.
Napatingin naman ako kay Lalaine at nagthumbs up naman siya na ipinagtaka ko naman.
Sinenyasan niya ako na parang 'ngayon lang yan tumawa ng ganyan, kaya salamat sayo. '.
Doon na din ako nagulat at may halong tagumpay din.
Alam ko namang mahal mo pa yun kaya ayos lang.. Titiisin ko ang nararamdaman ko sayo Tracy.
LUNCH.
"EEEEEEEEE!! AYAW KO NGANG LUMABAS DITO EEEE.... please naman Kim.. " sabi niya sa akin habang hinihila ko siya palabas ng room niya at siya naman nakahawak pa sa silya niya.
Aish. Para siyang batang ayaw kumain ng gulay.
"Then fine. Dito na lang din ako. " sabi ko sa kanya at umupo ulit dun sa upuan noon ni Jeon.
BINABASA MO ANG
Say You Wont Let Go [ONGOING]
FanfictionA story based on author's imagination. They love each other until something bad happens..