VII.

9 0 0
                                    

K I N A B U K A S A N

TRACY's POV 

Nagising ako ng maaga dahil di ako sanay na di nagigisng ng maaga.

Tapos na akong maligo at nagbihis na rin nung tshirt at pajama na pinahiram ni Jinny sa akin kagabi.

Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina at binuksan yung ref dun.

O____O!

A-ANDAMING PAGKAIN—

"Trace??" rinig kung boses ni Jinny.

"Andito ako sa kusina Jinny. " sabi ko at naglakad papunta sa kung saan siya.

Nakita ko naman siyang bihis na bihis na.

"Ang aga mo atang nagising?" tanong ko naman.

"Maaga naman talaga akong nagigising dahil nagluluto ako ng almusal. " sabi niya sa akin saka siya pumunta sa kusina at binuksan yung ref niya saka siya kumuha ng limang itlog at sinara niya agad to.

"Eh ikaw? Bakit ka maagang nagising?  Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? " tanong niya sa akin. 

"Oo,  nakatulog ako salamat.  At tsaka,  gaya mo Jinny,  nagluluto ako ng breakfast sa bahay para kay Tita. " sabi ko naman sa kanya at natigilan naman siya sa pagbiyak sa itlog at tinignan niya ako. 

"Inaalila ka ba nun?  " sabi niya sa akin. 

"H-ha?  Hindi a.  " sabi ko naman sa kanya.

"Tss. Nagsisinunggaling ka.  Tsk.  Bayaan mo,  ipapaampon kita kina Mom at Dad—"

"HALA!  Wag naman ganyan Jinny. " sabi ko sa kanya. 

Grabe din to e.

"Hahahaha.  Seryoso ako dun.  Matagal na nilang gustong magkaroon ng anak na babae.  Menopausal baby ako Tracy kaya mahirap na kay Mom ang magkaanak ulit. " sabi niya sa akin na ikinagulat ko naman. 

"Seryoso? " sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. 

"Pero syempre di naman kita ipipilit kung ayaw mo.  Di naman ako desperado na magkapatid.  Kaya ayos lang. " sabi niya at naghanda ng frying pan. 

"Ganun ba?  Teka,  kumakain ba kayo ng kanin? " sabi ko sa kanya at nakita ko namang nagtaka siya sa tanong ko. 

".. i mean,  kumakain ba kayo ng kanina kapag almusal. " sabi ko sa kanya. 

"Hindi. " sabi niya at niluto na yung itlog na hinalo halo niya kanina. 

Pero si Jeo— haish.  

"May problema ba? "biglang tanong niya at umiling naman ako. 

"Wala. Uhm ano kasi,  pupunta ako sa bahay para kunin yung ibang damit ko—" Ako

"No,  wag ka nang bumalik dun.  Pagkatapos nating kumain dito,  pumunta tayo sa baba para bilhan ka nabg bagong damit. " biglang sabi niya at pinatay na niya yung stove at nilagay sa plato yung itlog na niluto niya. 

"Yan lang ang kakainin niyo? " tanong ko naman

"Oo,  at slicebread.  Di kami sanay kumain ng kain kapag almusal pero kapag gabi naman,  kumakain kami nun. " sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako. 

"Mauuna na tayo kumain dahil pagkatapos nating bumili,  may pupuntahan tayo. " sabi niya sa akin at may kinuha dun sa cabinet ng kusina at nilabas dun yung slicebread. 

Binigyan naman niya ako ng slicebread at kinain ko naman to. 

Maya maya ay biglang nagdoorbell at si Jinny na yung tumayo at siya yung nagbukas ng pinto. 

Say You Wont Let Go [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon