NIEL's POV
"ANO!??? " Silang Tatlo
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo!? " Hopia
"Mukhang di magandang ideya ata yan? " Mike
"Sinabi mo pa! " Jerome
Napahilamos na lang ako sa mukha ng wala sa oras.
Sinabi ko kasi sa kanila kung ano yung napag usapan namin ni Jeon kanina.
Sabi kasi niya na si Tracy na lang daw yung gumamit sa Unit niya dahil di naman siya umuuwi dun. At hindi ko alam kung paano niya nalamang pinalayas si Tracy sa bahay nito. Nagtanong nga ako dun sa ilong na yun pero 'Basta.. ' lang yung tanging sinasagot niya.
"Si Jin ata dapat kausapin mo diyan, Niel. " Jerome
"Oo nga, asan ba siya? " Tanong ko.
"Pinambilhan niya ng mga damit si Tracy dun sa boutique tapos may pupuntahan daw sila." Hopia.
"Ganun ba? Papaano yung sa bahay nila? " Tanong ko ulit.
"Mauuna na lang daw tayo dun sabi niya, susunod daw sila dun. — O siya, magbibihis na ako. " sabi ni Mike saka tumayo at lumabas sa unit ko.
"Ako din. " sabi naman ni Hopia at lumabas ng unit.
"Niel.. " sabi ni Jerome
"O? " tanong ko namab
"S-si Kim.. Baka magalit yun pag nalaman niya. " sabi niya sa akin.
"Pag uusapan pa lang naman. Kaya pumunta ka na sa unit mo at magbihis dahil may pupuntahan pa tayo diba? Wag ka nang madrama diyang ulol ka. " sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa kwarto at narinig ko naman siyang lumabas na sa unit ko.
*sigh*
Pag ibig. . Nakakabaliw..
TRACY's POV
"Oemji! Andami na nito Jinny! Ayos na ako sa mga to. " sabi ko sa kanya habang may tiglilimang paperbag na dalawa sa dalawa kung kamay tapos siya naman may dala rin pero yung iba mga sapatos at personal na mga gamit na PARA SA AKIN LAHAT! yan ang sabi niya.
"Ano ka ba naman Trace, first time kung manlibre ng babae kaya wag kang mag alala." sabi niya saka siya lumapit dun sa isang saleslady at sumunid lang din ako.
"Miss, pakidala na lang lahat ng to sa unit ko." sabi niya dun sa salelady—
Wait.
Siya YUNG NAGDALA NG UNDIES SA UNIT KAHAPON A!!
"Masusunod po sir, *tingin sa akin* Hi there maam. Ako nga po pala si Cynthia Sanchez, ang personal assistant ni Sir dito sa boutique ng Mom—"
"Tumahimik ka na nga lang. Ihatid mo na lang to." sabi ni Jinny at binagsak lahat ng paper bags na dala niya saka niya naman ako tinignan.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Ibaba mo na yang mga dala mo. Siya nang bahala diyan." sabi ni Jinny sa akin sabay turo kay Cynthia.
"Ha? Kaya niya pa lahat to? Tutulungan ko na lang siya—"
"Hala! Wag na lang Maam. At tsaka po, may kasama naman po akong iba. " sabi ni Cynthia at tinignan ko lang siya.
"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.
"Opo! Sige na po maam, mag enjoy kuna kayo ni Sir, alam niyo bang bagay na bagay kayo—"
"Cynthia!" pagbabantang boses ni Jinny kaya natigilan si Cynthia at inirapan si Jinny na ikinagulat ko naman.
BINABASA MO ANG
Say You Wont Let Go [ONGOING]
FanfictionA story based on author's imagination. They love each other until something bad happens..