After non, lumabas na kami. Mga 4:45 na ng hapon kaya naglibot na lang kami dito sa school. Mga 5 kasi, awarding na.
Pumunta muna ako sa 2nd floor ng High School Building, kasi may fountain doon, libreng tubig nga pala iyon. Pero narinig ko na naman silang nag-uusap.
“Hey, you were great a while ago,” si Reggie na naman.
“Ah, thanks. Ikaw din naman,” at si Angelica na naman ang kausap nya. Teka, akala ko break na sila? Ano ba ito, hindi naman ako dapat nanghihimasok pero..pero..bakit pa ako niyaya ni Reggie sa Sabado?
“Thanks. I guess, see you around.”
“Bye.” nagtago ako para ‘di nila ako makita. Nung ‘di ko na sila nakikita, pumunta na ako sa fountain para gawin yung ipinunta ko doon, ang kumuha ng tubig.
“Oh, baka akalain mo baak kong mag-two time,” wait, may tao pa dito?
“H-ha?”
“I know na narinig mo rin kami when we broke up.”
“Sorry ha. Hindi ko naman sinasadya. Nagkakataon lang talaga na nandoon ako.”
“It’s fine. Basta pumunta ka sa Saturday ha.”
“Ah. Magpapaalam muna ako.”
“Okay.” tumalikod na siya at umalis. Bakit ba pati likod niya gwapo? Nako, Gwenn! tama na yan!
***
Bumalik na ako sa Dome. 5 na at awarding na. Gulat ang lahat sa mga winners ngayon, know why?
“3rd place, BLUE family!” lahat tahimik at nakanganga. Lagi kasing Blue Famiy ang champion, 3 consecutive years na tapos biglang sila ang over-all losers ngayon…woah.
“2nd place, RED family!” iyan naman hindi na nagbago.
“1st place is…….the GREEn family!” NO WAY.
“And this year’s Intramurals Champion is the YELLOW FAMILY!” ano raw? Pakiulit?!
“YES! Thank You, Lord!” sigaw ni Jonaliza at halos lahat na rin kami syempre. Sabi ni Ms. Montes we won dahil sa lahat ng minor games, kami ang winner at isama mo pa ang Girls’ Basketball. Grabe, akalain mo yon, nanalo kami.
“Congrats, you all deserved it.” sabi ni Reggie habang nakangiti at……..nakahawak pa sa kamay ko. HUWAAAT??!
“And wag ka aabsent sa Saturday. Baka ma-miss mo ako for some time.” bumitiw na siya sa kamay and then ngumiti sa akin tapos umalis na.
At bakit naman kita mami-miss ha?
champion Christian love story Filipino love story high school love tagalog tagalog love story True Love Waits winners
YOU ARE READING
True Love Waits
RandomTrue Love Waits, ^.^ True love exists only to those people who are willing to commit to their vows. It is your love for each other that will get you through trials. Make your relationship well-equipped with trust, love, and effort.