Chapter 13

61 0 0
                                    

Maghihintay pa ba ako?

Pero ano naman ang dapat kong hintayin? Wala naman akong pangakong hawak.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. ‘Yun bang parang kapag hindi ko pinilit ang sarili ko na walang maramdaman, bubuhos na lang ang luha mula sa mga mata ko. Alam ko namang hindi ko matatakasan ‘to. Haharapin ko rin ito, pero saka na. Kapag kaya ko nang sabihin sa kanya. Matagal ko na rin namang tinatago ito. Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kong malaman niya kahit na kaunti lang sa totoo kong nararamdaman.

***

Oh, Gwen, nandito ka na pala,” si papa ang una kong nakita pagpasok ko sa bahay. Napakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. “Bakit ganyan ang mukha mo? Ano nangyari ha?” tanong ni papa. Masyado bang halata na tuluyan nang nawala ang maganda kong mood?

Wala po, papa. Nahirapan lang ako sa mga subject kanina tapos ang dami pang gagawin,” minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na magsinungaling sa magulang mo. Hindi ko naman gusto pero ayaw ko lang talaga pag-usapan. Nginitian ko na lang si papa tapos humalik na lang ako sa pisngi niya at papaakyat na ako sa hagdan.

Tapusin mo na agad ‘yang mga gagawin mo para makapagpahinga ka na. Tingnan mo sarili mo sa salimin,” pahabol pa ni papa. Parang ayaw ko tuloy tumingin sa salimin at baka sobrang pangit ng itsura ko.

Ang ending ng araw ko, ayon, humilato ako ng magdamag sa kama. May pasok pa bukas. Pero parang ayaw ko nang pumasok.

***

After my morning routine, diretso na ako ng school. I still can’t get myself to smile. Mukha siguro akong sobrang problemado. Nang makarating ako sa may gate ng school, nagulat ako, wala pang maraming estudyante. Maaga na naman yata akong nakapasok ngayon.

"Gwenn” may tumatawag sa akin? Hindi ako lumingon at diretso lang ako sa paglakad ko.

“Gwenn! Wait lang!” medyo mas malakas na yung boses tapos parang kilala ko. Teka, nasa loob na ako ng school, syempre naman siguro kung kilala niya ako, kilala ko rin siya. So I decided to turn around to see who it was. And it’s someone I was not expecting to utter a word to me.

True Love WaitsWhere stories live. Discover now