Chapter 6

86 2 0
                                    

Pagdating namin sa Dome, nagpeperform na ang Green team. Grabe, ang gagaling din ng mga taong ito. Ang lalambot ng katawan at walang takot magpahagis ng ganun kataas. Sumunod naman ang Red team, kumpara sa Green team, mas kaunti ang exhibitions nila at puro sayaw lang halos.

“Yellow Family na. Sana maganda to,” sabi ko.

“Sana. Pero nasa BLUEmings si Angelica eh. Alam mo naman yun, cheering na yata ang buhay niya,” nagulat ako sa boses na sumagot. si Reggie pala.

“Ahh…oo nga,” ngumiti na lang ako. Tapos umupo siya sa tabi ko.

“Oi Reggie, may balak ka bang mag-contacts na lang at wag na magsalamin?” tanong ni Jonaliza.

“I tried once. But it’s uncomfortable kaya nag-glasses na lang ako. Eh ikaw, bakit ang taba mo pa rin?” patawa-tawa pa tong si Reggie.

Ang sama bigla ng tingin ni Jonaliza. “Shut up.”

“But seriously, she’s really short and really cute too.”

“Ah oo nga,” medyo nalungkot naman ako. Bakit ako, ‘di ba ako cute?

“Ba’t ganyan mukha mo? You’re prettier when you’re smiling, you know,” at for the 2nd time this day, he smiled to me. I just smiled back.

Wow ha, nag-improve ang cheering ng Yellow team this year. Papatapos na nga eh at ending nila ay isang man-made letter ‘Y’. Biglang naghiyawan kaya nagtaka ako.

“Aaahh…. Kaya naman pala eh. Nandyan na si Angelica,” sabi ko.

“Yeah.” sagot ni Reggie. Naririnig ko pa nga yung mga lalaki sa likuran na nag-uusap eh.

“Tol, ang sexy talaga!”

“Onga eh. Tingnan mo naman yung legs, sobrang kinis!”

“Tol, syempre tingnan mo rin yung mukha. Sarap halikan eh.”

“Kaso nga lang hindi maputi eh, pero ayos lang,” nako tiong mga lalaking ito! Mga manyak!

“Pwede bang hinaan ninyo ang pag-uusap niyo. May ibang mga babae rin kasi dito,” nainis na talaga ako kaya sinabi ko yon. Totoo namang maganda at makinis yang si Angelica. Nung first year kami maganda na siya at mas gumanda pa ngayong mga dalaga na kami.

Teka, yung cheer muna nila ang ikwento ko. Yikes! Feeling ko wala na kaming pag-asa manalo. Ang galing kasi ng ginawa ng Blue team eh. Hayss..but it’s okay.

“We will now announce the winners! 3rd runner up…..the Red Family! and our 2nd runner is the…..Green Family!” wow! Mananalo kaya kami?

“And the winner for this years Cheering Competition is…………the Blue Family! Please come up on stage to receive your trophy. And let us not forget the 1st runner up, the Yellow Family. Congratulations winners.” akala ko panalo na kami. But it’s okay, at least 1st runner up ‘di ba?

Pero habang sobra ang palakpak ko dahil 1st runner up kami, i saw that made my heart skip a beat, in a not-so-good way.

i saw Reggie……………looking and smiling at Aangelica.

cheering competition fictional Filipino story love story ng high school postaday tagalog love story True love waits

True Love WaitsWhere stories live. Discover now