Chapter 8

55 0 0
                                    

Pagkatapos non, tinukso-tukso ako nung mga nakakita. Nakakahiya pero okay lang naman.

*****

What day is it today? it’s SATURDAY! 8 am pa lang, naligo na agad ako, EXCITED MUCH? Hindi naman. Buti nga pinayagan ako nila mama at papa. Usual thing ng girls sa umaga, you know them all.

2:45 na, nakabihis na ako at nakaupo sa sofa. May nag-bell pero si papa na ang nagbukas ng gate. Pero ang tagal yata niyang papasukin, ah baka hindi naman importante.

"Gwenn, mag-ingat kayo ni Reggie ha. Ay, halika, pasok.”

“Salamat po. Hi, Gwenj.” Bakit nandito siya? Akala ko ba sa school?

“You look nice.” tapos nginitian niya ako.

“Ikaw din. Gusto mo ba ng tubig o kaya juice?”

“Hindi na. Ready ka na ba?”

“Oo, eh akala ko ba sa school tayo magkikita? At tsaka paano mo nalaman bahay ko?”

“Mauuna ko kasing dadaanan itong bahay niyo kesa sa school kaya dito na lang ako pumunta. At paano ko nalaman? Syempre for 4 years dito kita nakikita na umuuwi parati.” tapos tumawa siya.

“Sige, tawa ka lang.”

“Sorry na. Ito naman..”

“Hay mabuti nga at dito na siya dumiretso para nakita ko rin. Iingatan mo ang anak ko.” sabi ni papa. Nako, makaalis na nga.

“Ah..tara na? Ha, Reggie? Tara na?”

“Ah okay. Sige.” tapos humarap siya kay papa.”Sige po. Aalis na kami.”

“Bye PAPA!!!” hinila ko na agad itong si Reggie.

“Nagmamadali ka na yata ngayon?” medyo nagtataka tuloy ang mukha nitong si Reggie.

“Ah..excited lang siguro ako.”

Sumakay lang kami ng jeep. Sa mall lang yata kami pupunta eh. “Sa mall ba tayo? Anong  gagawin natin?”

“You’ll see.” Sa mall nga kami bumaba. Naglalakad kami, nag-escalator at nag-stop sa tapat ng Seafood Island.

"Reggie, dito ba tayo kakain?”

“Dito ko sana balak. Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Pero allergic kasi ako sa seafoods eh…” medyo nahiya naman ako sa kanya….ALLERGIES!!

“Ah ganun ba? Sorry, I didn’t ask. Where do you wanna eat?”

“Pwede bang sa….uhm sa ano—-”

“Kahit saan pwede.” nakangiti siya na medyo natatawa. Nakakahiya na talaga pero kesa naman mag-suffer pa ako sa allergies ko.

“Gusto ko sa KAMAYAN eh.” sana naman okay lang sa kanya na doon kami.

“Sure. Tara, saan ba yon?”

“TALAGA?! yehey! Dito! Dito!” hinila ko na naman siya tapos tumakbo na kami.

Nung makaupo kami, sinabi ko na sa kanya yung gusto kong kainin tsaka siya pumunta sa counter. Medyo matagal nga eh kasi maraming tao.

“Sabi nila wait daw ng 5-10 minutes. I said yes.”

“Ah, okay.”

“I like your eyes. They’re so BIG.” nang-aasar yata ito eh.

“Oo na. Sige na. Malaki na mata ko.” Medyo nainis ako dun ah.

“Hindi naman kita inaasar eh.” Hindi daw pero patawa-tawa pa siya. Buti na lang ang gusto kita!..wait, sinabi ko ba iyon sa isip ko? well, sa isip ko lang naman.

May tinitingnan si Reggie sa labas kaya napalingon tuloy ako sa tinitingnan niya. Wala naman akong makita, ano ba iyon?

Tatanungin ko na sana siya pero nakita ko na yung tinitingnan niya. Siya na naman. Si Angelica na naman. Ang daming dalang bags, nag-shopping na naman siguro. Akala ko hindi alam ni Angelica na nandun kami pero tumigil siya at tumingin kay Reggie tapos sa akin. Tumingin din tuloy yung dalawa niyang kasama. But after a few seconds, naglakad na ulit sila.

“Sir, Ma’am, your order’s here.” nagulat pa kaming dalawa ni Reggie. Sinabayan pa  kasi niya ng tingin si Angelica habang papalayo. Date pa ba itong maituturing? Sana.

“Sir, meron pa po bang kulang?”

Tininingnan niya lahat. “Wala na po. Sorry, baka nahirapan kayo ha. Matakaw kasi itong kasama ko eh.” Kanina lang seryoso ang tingin kay Angelica ngayon naman nang-aasar ulit. Nako.

“Sige po, kuya. Salamat!” ngumiti lang si kuya waiter sa amin tapos umalis na.

“Kain na.” at seryoso na naman ang expression ng mukha niya. Nag-usap pa rin naman kami habang kumakain pero hindi na masyadong madaldal si Reggie.

Pagkatapos namin kumain, dinala niya ako sa isang arcade. Sa totoo lang, gusto ko dito sa mga arcade eh. Favorite ko ito. At sana naman, maging totoong date na ito. Please naman.

“Is this your first date?”

“Oo. Bakit?”

“Sorry kanina. But I’ll make sure your first date will be great.”

Please lang, Reggie.

arcade Christian love kamayan puppy love saturday seafoods island tagalog tagalog love story True Love Waits

True Love WaitsWhere stories live. Discover now