Tama nga ako, naging masarap at mahimbing ang ang tulog ko nung gabing iyon. Pero sa totoo lang, ayaw ko lang talagang isipin ang isang bagay. Alam ko kasi na kapag inisip ko iyon, masisira ang buong araw ko. Hindi naman siguro magagawa ni Reggie iyon di ba? Hindi naman siguro ganoong klaseng lalaki di ba? Ano ba ito, sinabi nang hindi ko ito iisipin dahil baka maawa lang ako sa sarili ko.
“Hoy Gwenn, bakit nakatulala ka na naman dyan?” sabi ni ate Claire, kasambahay namin siya dito. Hindi kami mayaman pero kailangan lang para makatulong sa mga gawain sa bahay, pareho kasing may trabaho ang magulang ko.
“Sorry po, ate Claire. May iniisip lang.”
“Eh ano naman ang iniisip mo?”
“Sasabihin ko po pero i-promise niyo po na makikinig talaga kayo sa akin..”
“Oo naman. Oh dali, mag-kwento ka na.”
“Kasi po diba lumabasa po ako kahapon…kasama ko si Reggie.”
“Ah oo. Yung gwapo? Crush mo iyon di ba? Kinilig ka ba masyado?”
“Kasi naman, ate Claire eh! Nag-promise ka na makikinig ka.”
“Sorry na. Ito naman. Sige, hindi na ako magtatanong.”
“So ayon, sa mall lang naman po niya ako dinala. Una po naming ginawa ay kumain. Sa Seafood Island pa nga po niya balak kumain pero allergic ako sa seafoods kaya sabi ko sa Kamayan na lang. Siya po yung umorder at nagbayad. pero po nung wala pa yung mga pagkain, nakita ko siya na may tinitingnan. Sobrang seryoso nga ng mukha niya eh, kitang kita ko po iyon. Hindi ko pinansin nung una pero talagang tinitingnan niya pa rin kaya napatingin na rin ako. Nung nakita ko kung sino nagulat po ako at syempre…nalungkot.”
“Sabi ko hindi ako magtatanong pero sino ba iyon?”
“Si Angelica po.”
“Sino naman siya?”
“Ex-girlfriend po siya ni Reggie.”
“Tapos ano nang sumunod na nangyari?”
“Tiningnan din kami ni Angelica. Pero umiwas din ng tingin kaya lang sinundan siya ng tingin ni Reggie hanggang sa di na sila makita tapos dumating na yung order namin. Nag-uusap pa rin naman kami nung kumakain na pero parang hindi na siya interesado na makipag-usap sa akin. Buti na lang nung nag-arcade kami hindi na namin siya nakita. Pero nung pagpunta po namin sa isang shop ng accessories, nakita ko na naman siya. Binilihan kasi ako ni Reggie ng bracelet.” nung sinabi ko yon ipinakita ko kay ate Claire yung bracelet ko pero ngumiti lang siya.
“Bakit po? Hindi ba maganda?”
“Maganda. May tanong ang ako?”
“Ano po?”
“Si Reggie ba ang nagsuot sayo niyan?”
“Opo.”
“Nakita yon nung Angelica?”
“Opo. Teka, bakit ba?”
“Gwenn, siguraduhin mong hiwalay na talaga iyang dalawang iyan. Pero sa ngayon, huwag ka munang umasa sa kahit ano. Kilalanin mo muna ang lalaking iyan.”
“Apat na taon na po kaming magkasama sa school. Feeling ko naman po kilala ko na siya.”
“Hindi sapat yan. Ayaw lang kitang makita na malungkot. Sa tingin ko alam mo naman kung ano yung maari niyang ginagawa kasi iniisip mo rin yan kanina.”
“Sige po. Aakyat muna ako sa kwarto.”
Tama si ate Claire. Alam ko naman kung ano yung maari niyang ginagawa pero kung balak niyang pagselosin si Angelica, bakit ako pa? Ano namang laban ko doon? Ewan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kinuha ko yung phone ko at nagulat na lang ako dahil may 10 messages galing lang kay Jonaliza. Ano naman kaya ang dahilan ung bakit siya magtetext sa akin bigla bigla. Matingnan nga.
“Hoy! Gising! May sasabihin ako! dali!”
“Ano ba? Tulog ka pa ba?”
“Gwenn!”
“Gwenn!”
At lahat ng sumunod na text puro pangalan ko na ang nakalagay. Bakit kaya? Buti may extra load ako ngayon.
“Jonaliza, ano ba yon ha?”
“Gwenn, nagbukas ka na ba ng facebook?”
“Hindi pa bakit?”
“Magbukas ka na, dali!”
“Okay, sandali lang.” at ano naman ang meron sa FB? Sana naman importante ito.
Nang makapag-log in ako, nagulat ako kasi meron akong 25 friend requests tapos 52 notifications. Ano ito? Naging artista na ba ako agad? Ito na siguro ang dahilan ni Jonaliza kung bakit atat na atat siyang magbukas ako ng FB ko. Yung 25 na friend requests puro taong hindi ko kilala pero alam kong sa school sila nag-aaral. Wala naman masama kung i-add ko sila, we go to the same school naman. At yung notifications? IYON ANG NATAKOT AKO.
Puro picture nung kahapon, nung magkasama kami ni Reggie. Dahil sikat nga si Reggie sa school, pinagkaguluhan dahil iba yung kasama niya, ako at hindi si Angelica. Ang daming comments. Every minute yata ilan ang nadadagdag sa notifs ko. Hindi ko na sana babasahin pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Yung iba, puro panlalait lang, meron naman na okay lang daw at karamihan, mang-aagaw daw ako. Nakakaiyak, at oo, umiyak talaga ako. Sumakit pa talaga ang ulo dahil ayoko na may makarinig sa iyak ko. Naisip sana nila na tao rin ako.
Parang pang teleserye naman itong nangyayari ngayon sa akin. Ganito lang siguro dahil ang taong kasama ko kahapon ay ang taong gusto rin makasama ng halos lahat ng babae sa school. Yes, it’s a Christian school pero hindi mo maialis sa amin ang ganito, kabataan din kami.
Kailan ba ito matatapos? May pasok pa man din bukas.
entertainment facebook Love pagibig puppy love tagalog tagalog love story text message True waits
YOU ARE READING
True Love Waits
De TodoTrue Love Waits, ^.^ True love exists only to those people who are willing to commit to their vows. It is your love for each other that will get you through trials. Make your relationship well-equipped with trust, love, and effort.