5:00 am, Monday. Oras na pala para gumising. Masakit pa rin ang ulo ko. Dahil lang naman ito sa kaguluhan na dulot ng mga comments sa facebook. Sa totoo lang mas maaga akong gumising ngayon para makapasok din ako ng mas maaga. Iniiwasan ko lang na dumaan sa hallway na alam kong maraming estudyante ‘pag pumasok ako ng 7:20 am ngayon. Alam ko namang makikita ko rin sila pag flg ceremony pero at least, kasama ko mga kaibigan ko don.
“Oy, Gwenn, bakit ang aga mo naman ngayon?” tanong ni papa.
“Wala lang, papa. Gusto ko lang po pumaso ng maaga ngayon eh,” sagot ko na medyo inaantok pa. madaling araw na kaya ako nakatulog kagabi. Dahil din pala diyan kung bakit masakit ang ulo ko.
“Okay. Pero maligo ka na muna bago kumain at hindi pa ako nakakapagluto. ‘Di ka naman kasi nagsasabi,” tapos dumiretso na ako sa banyo. As usual, muni muni muna.
__________________
6:30 am na ako natapos. As in tapos na lahat at ready na akong pumasok. Hay buhay. Wala akong kagana-gana ngayong araw. Sana lang pumasok din ng maaga ang mga kaibigan ko. Para naman may kausap ako. Pakiramdam ko kasi may nakatago ditto sa dibdib ko na para bang gusto kong ilabas pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko naman gusto pang sabihin ito kay papa dahil marami na siyang iniisip.
Mga 5 minutes lang nandito na ako malapit sa high school building ng school. Buti na lang at wala pang mga estudyante.
“Good morning, Kuya Cris!” as usual, si kuya cris na naman ang una kong nakita. Driver namin
“Oy, Gwenn! Aga mo ngayon ah. Bagong buhay ka na?”
“Grabe naman. Porket lagi akong late eh. Pero minsan lang to. Sinipag ako eh,” natawa naman ako, at least ‘di ba.
‘Pag dating ko sa 4th floor, walang katao-tao as in. Pero syempre, good news yon for me. Pagkabukas ko ng pinto, hay grabe! Bakit ba ganito ang amoy ng room na ito ‘pag umaga? Hmf. Well, no choice naman ako kaya naupo na lang ako sa proper seat ko. Dahil wala naman akong makausap, nilabas ko na lang ang Physics book ko para magbasa. Ganito ang napapala ng mga taong walang magawa eh, basa lang ng kahit ano tapos wala namang pumapasok sa utak.
Naka-fifteen pages na ata ako pero wala akong naiintindihan maliban na lang dun sa mga na-discuss ka ni sir. Actually, nakatitig lang ako ng matagal tas lipat na ng page. Galling ko no?
“Wow Gwenn, ang aga mo! Sipag ah, aral agad at PHYSICS PA!” hindi talaga magandang pakinggan ang boses nito ‘pag umaga. Nakakainis lang.
“Manahimik ka nga, Jessa Mae! Ang sakit sa tenga ng boses! Alam mo yung taong may sipon tapos parang inipit pa yung boses tapos bulol, ganun ka!” nako nako nako.
“Weehh?! Taray mo!” pero umupo naman siya sa tabi ko. Nako, sana lang at hindi ito mangulit.
“Nakita ko pala yung picture niyo,” bigla na lang niyang sinabi. Napayuko tuloy ako. Parang bigla na lang akong nahiya. Hindi ko man lang alam ung bakit.
“oh bakit parang nalungkot ka? Sorry naman, ‘di ko alam eh,”
“Hindi naman ikaw eh. Naalala ko lang yung mga sinabi nung iba dun sa picture. Parang galit lahat ng tao sa akin tapos parang wala rin silang pakialam,” sabi ko sa kanya. Hindi ako naiiyak, talagang nakakalungkot lang.
“’Wag mo silang pansinin. Inggit lang yung mga yon. At tsaka mas bata rin sila.”
“Alam ko naman na mas bata sila. At ‘di naman nila kailangan na mainggit eh” …eh wala naman kasi talaga silang dapat na ikainggit dahil hindi naman ako girlfriend.
“Hay nako Gwenn, kahit na sabihin mo pang hindi ka niya girlfriend, maiinggit pa rin ‘yong mga ‘yon.” Eh bakit naman?? Tanong ko sa isip ko na parang nagets niya dahil binigyan ko siya ng isang questioning look.
“Kasi ganon ang tao. Walang may alam kung naging sila ni Agnes but everyone called you ‘mang-aagaw.’ They’re throwing insults at you because they don’t know you and also because that’s what they chose to see you as. Alam mo kasi, kung magrereact ka dahil galit ka rin sa kanila, pare-pareho kayong talo,” napabuntong-hininga na lang ako after sabihin ni Anna Mae ‘yon sa akin. Fair point. Actually, a good point.
“Natatakot pa rin ako eh”
“Bakit naman? Kasi baka laitin ka nila sa loob ng school?”
“oo naman.”
“Tumabi ka lang sa’kin. Ayaw naman siguro nila ng report sa principal ng bullying from the SSG President.” Sabay ngiti niya sa akin.
“Winner ka na talaga!” seryosong napagaan nun ang loob ko ah.
puppy love tagalog love story teenager love True Love Waits
YOU ARE READING
True Love Waits
RandomTrue Love Waits, ^.^ True love exists only to those people who are willing to commit to their vows. It is your love for each other that will get you through trials. Make your relationship well-equipped with trust, love, and effort.