Chapter 4

43 0 0
                                    

“Good afternoon po, Mrs. Corpuz.”

“Halika dito, Gwenn. I just wanted to talk to about the school’s Got Talent on February next year. Ikaw kasi ang naisip kong isali.”

“Ma’am? Ako po? Bakit naman po ako?”

“Well, you’re talented. So, mag-isip ka na ng pwede mong talent.”

“uhm, okay po. Gusto kopo sanang kumanta. Pwede po ba iyon?”

“pwede. Pero to make it more exciting and original, I think you should compose your own song.”

“Compose? I’ll try, ma’am. Mahaba pa naman ang panahon.”

“Right. So I think it’s settled. At gusto ko lang ipaalala, you’ll be reporting to me about your composition every Thursday after class, okay?”

“Okay po. Sige po, ma’am, babalik nap o ako sa Dome.”

Tumango na lang siya. Lumabas naman ako sa library.

“Gwenn! Gwenn!” may tumatawag na naman sa kin?!

“Ano?! Ay, sorry po, sir. Bakit po?”

“Dalhin mo itong mga papers na ito sa principal at dalhin mo sa akin agad yung ibibigay niya sa iyo.”

“Yes, sir” wrong timing naman ang pagpapatawag sa akin ng mga teacher ngayon. Bumaba ako agad at pumunta sa kabilang building. Doon kasi ang office ng principal eh.

Kumatok na ako. “Good afternoon po. Pinabibigay po.”

“Thank you” tapos tinuro niya yung upuan sa harap ng table niya kaya umupo ako. “Sandali lang ha. Pagkatapos ko, you can leave.” Tumango na lang ako. After 48 billion years, saka lang natapos ang lahat.

Tumakbo ako pabalik sa Dome. Tumabi ako kina Kia at Jonaliza. Sabi nila 4th quarter na at nag-break sandali kaya lahat ng players ay nasa benches pa rin nila.

“Malapita nab a itong amag-start?” tanong ko.

“Oo. Tingnan mo, nagtatayuan na silang lahat.” Sagot ni Kia.

“excited na ako! Makikita ko na siyang mag-laro”

“Ayana, start na.”

**************

Si Roey John ang nagdidribble ng bola. Bakit ba may sigawan kapag nagbabasketball? Yon kasi ang nangyayari ngayon eh. Shocks! Naka-three points itong si Roey John. Ang galing naman. Lamang ang Red Dragons ng 10 points sa Green Konoha.

Si Raymund naman ngayon ang may hawak ng bola, Green Ball. Then pinasa niya kay Reggir.

“Oh my! Reggie, galingan mo!” sigaw nung katabi ni Angelica.

“Aren’t you gonna cheer for him?” tanong nung isa pa.

“What for? He doesn’t even need it. You can hear the crowd.”

“BITTER!”

“Shut up. You know nothing.”

Ouch. Break na nga pala sila and no one knows about it.

“Three points for the Green Konoha!” wait, what?

“Go, Reggie!” sigaw ko. Napatingin tuloy siya sa akin pero nagulat ako nung nginitian niya ako. It felt like…..HEAVEN.

Ano nang score? Three points na lang ang lamang ng Red Dragons. May balak atang mag third consecutive win ng mga Green Konoha eh.

“3rd foul by Chad Aquino.” kaya mag 2 free throws ang kanyang katapat, si Reggie. “You can do it!” may sumigaw.

At yun nga, na-shoot niya yung dalawa. Naagaw agad ni Reggie ang bola, and another 2 points. Lahat nga sila sobrang pawisan na eh. At 3 minutes na lang ang natitira.

“91-89, in favor of the Green Konoha.” YEHEY!

Yung isang Red Dragon ang may hawak ng bola. At parang kidlat na naagaw na naman ni Reggie ang bola. Dire-diretso nga siya ng takbo papunta sa court nila ang of course, another 2 points. Wala talaga akong alam sa basketball pero dahil finals ngayon, I must witness it.

35 seconds na lang ang remaining. 101-99, Green Konoha pa rin ang leading. One-on-one si Reggie at si Roey John. Ibang-iba ang tingin nila sa isa’t isa, parang mangangain. Dribble then takbo at ayon, nag-shoot siya pero missed shot. Agad namang na-rebound nung ka-team niya. 10 seconds remaining. Pinasa kay Roey John, 4 seconds remaining. Dribble, then nag-attempt mag-three point shot, 2 seconds, then napahiyaw lahat.

“Whoah! Lightning talaga!” bakit? Nilampaso lang naman kasi ni Reggie ang attempt ng Captain Ball ng school. And so it is, Green Konoha is the Basketball Champion for the third time. Ang lakas ng hiyawan grabe. Nagsitalunan  ang lahat from the bleachers para i-congratulate ang winners. Dahil hindi naman naming sila ka-close, lumabas na lang kami.

“pwede bang kumain muna tayo?” sabi ni Kia.

“oo nga! Gutom na ako. Nakakapagod sumigaw”

“Kasalanan mo! Loser!” asaw ko.

“whatever. I’m a winner!”

True Love WaitsWhere stories live. Discover now