LUMIPAS ang araw na hinayaan ni Jham si X sa gusto nito. Hindi na niya tinangka pa ulit itong ipagtabuyan. Dahil alam naman niyang gagawa at gawa ito ng paraan makalapit lang sa kanya.
Kaya habang naglalakad si Jham sa loob ng university na pinapasukan niya ay namataan nito si X na tila diring-diri sa mga babaeng sumasabay sa kanya. Siguro kung babae lang ito ay baka nasabunutan na niya ang mga ito. At habang nakamata siya sa mga ito ay bigla siyang nakaisip ng kapilyahan.
"Masubukan ka nga X kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo sa akin." Ani Jham sa isip. Kaya agad siyang naglakad patungo sa gawi nila X na seryoso ang mukha niya. Hindi siya nagpahalata ng ano mang emosyon kundi ang panlalamig sa binata.
"J-jham."
Biglang naibulalas ni X.
"Misis, let me explain." Mabilis na ani X kay Jham sabay hawak nito ng kamay ng dalaga. Ngunit tinabig lang ni Jham ang kamay ni X.
"Monkey, pakihatid ako sa bahay." Mabilis na ani Jham sa pinsan niyang si TJ ng makita niya ito. Kunot noo naman itong nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa.
"Anong meron? At pwede ba cousin wag mo akong tawaging unggoy dahil ang gwapo ko para magmukhang unggoy." Saad dito ni TJ.
"Tst! ihahatid mo ba ako o dos por dosen kita dito?" May tunong pagbabanta kay TJ.
"Anak ng.....ano ba ang ginawa mo dito bro, e pati tuloy ako dito ay pinag-iinitan niya. May date pa naman ako?" Ang kakamot-kamot na ani TJ.
"Misis, come on. Let me explain." Makaawa nito kay Jham ngunit agad hinawakan ni Jham ang kamay ni TJ at hinila niya ito paalis. Kaya laglag ang balikat ni X na nakatingin sa likod ni Jham na kasama ang pinsan nitong si TJ.
"Ugh! Bullshet."
Galit na si X. Nahintakutan naman ang mga babaeng sumabay sa kanya ng makita nila ang nanlilisik na mata ni X.
PAGKATALIKOD nila Jham at TJ ay natatawa ng lihim ang dalaga na kinakunot ng gwapong mukha ng pinsan niyang si TJ.
"Hey! ilabas mo yang pinipigilan mong tawa. Baka mautot ka niyan e ayaw kung himatayin dito." Ani TJ kay Jham na binuksan ang pinto ng kotse niya at agad naman pumasok doon si Jham. Ng makapasok si Jham sa loob ng sasakyan ay saka niya inilabas ang pinipigilang tawa.
"Oh! But ka natatawa, di ba dapat e umiiyak ka o nagagalit dahil may ginawang kalukuhan ang boyfriend mo?" Takang tanong ni TJ dito.
"I'm not mad with him. Sinusubukan ko lang kung ano ang gagawin niya after ng nangyari. Kung totoo ang feeling niya for me ay gagawa siya ng way para suyuin ako or way para magsorry sa akin." Anitong kinailing ni TJ.
"Mga babae nga naman, maraming arte." Nakasimangot nitong aniya sa pinsan na pinanlakihan lang siya ng mata.
Agad ngang inihatid ni TJ pauwi si Jham. At dahil meron daw itong date ay hindi na siya tumuloy sa loob ng bahay nila Jham. Dahil agad din siyang umalis.
SAMANTALA dahil sa nangyari ay litong-lito si X kung ano ang gagawin niya paniwalaan lang siya ni Jham na wala siyang ginawa. Na hindi lang niya kayang ipagtabuyan ang mga babaeng sumabay sa kanya kanina. Kung alam lang niya iba ang iisipin ni Jham dahil sa nangyari ay sana pinagsabihan na lang niya ang babaeng sumabay sa kanya na wag silang sumabay sa kanya. Dahil ayaw niyang iba ang iisipin ni Jham kapag nakita sila. Pero anong magagawa niya e nangyari na ang dapat na hindi mangyari.
Sinubukang tawagan ni X si Jham ngunit hindi niya ito makuntak. Kaya gustong-gusto na niyang ibato ang cellphone niya sa pagkairita.
Hanggang makauwi si X sa bahay nila ay gulong-gulo ang isip niya. Tinawagan din niya si TJ para alamin ang pinsan nito. Pero minura lang siya nito sabay patay ng tawagan.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me(Completed)
Random"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(GSB-2)