KINABUKASAN ay maagang nagising si Jham. Maingat siyang bumangon sa kama at agad na pumasok sa banyo. Pagkapasok niya sa banyo ay agad niyang binuksan ang shower para magshower. At habang nasa tapat siya ng shower ay bigla niyang napansin ang nasa palasingsingan niyang white diamond ring. Bigla siyang napangiti habang pinagmamasdan iyon.
“Mister.” Naisatinig nito habang tinitingnan ang suot niyang singsing. Dali-dali niyang tinapos ang pagshower at ng matapos siya ay agad niyang sinuot ang robe na nasa loob ng banyo bago siya lumabas.
Paglabas niya ng banyo ay tulog parin ang nobyo. Kaya nakangiti siyang lumapit dito at hinalikan niya ito sa noo. Naramdaman naman ni X ang presensya ng nobya kaya maingat siyang nagmulat ng mga mata.
“Uhhhhh! Mister.” Tili ni Jham ng hilain siya ni X. “Nanggugulat ka.” Nakapuot nitong turan sa nobyo sabay pulupot niya ng kamay sa batok ni X.
Maya’t maya ay inangat ni Jham ang isa niyang kamay at ipinakita iyon kay X. “Do you like it?” Tanong ng binata kay Jham. “Of course, I love it. Pero bakit mo ako binigyan nito?” Curious nitong tanong sa binata.
“Wala lang, gusto ko lang isuot mo yan. Tanda na you are mine. Yesterday, tomorrow and the future your only mine. Walang pweding umagaw sayo sa akin. You belong with me and that’s final. I love you so much, Misis. Kung mawawala ka buhay ko ay baka sa mental hospital ako mapupunta. Mababaliw siguro ako sa kakaisip na may ibang lalaking hahawak sayo kahit dulo ng buhok mo. I love you. Kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay ikaw parin ang laman at sinisigaw ng puso ko.” Madamdamin nitong saad sa nobya.
“Mahal na mahal din kita. Kaya hindi ko hahayaang makapitan ka ng mga linta sa tabi-tabi. Dahil ang mga Char Shuka ay nababagay lang na lapain ng mga buwaya.” Anito sa nobyo na natawa ng lihim. “Saan na naman kaya natotonan ni Misis ang salitang Char Shuka?” Tanong nito sa isip na natatawa ng lihim.
“No worries, walang makakalapit sa akin na Char Shuka. Dahil ang mga matang ito ay ikaw lang ang nakikita. At ang puso ko ay ikaw lang tinitibok.” Ani X na kinatawa ni Jham. “Teka! Ano pala ang Char Shuka, Misis?” Curious nitong tanong.
“Yun ba. Insted na malalandi, linta, ipis etc. Ang itatawag ko sa kanila ay tatawagin ko na lang silang Char Shuka. Para maging sosyal naman ang pangalan nila.” Sagot nitong kinailing ni X.
“Silly.” Ani X sabay pingot ng mahina sa ilong ng nobya. “Kumusta ang pakiramdam mo. Masakit pa ba?” Tanong nito kay Jham na ang tinutukoy ay ang nasa baging paanan ng hita ng dalaga.
“Hindi na masyado, kunti na lang.” Anito. “That’s good.” Pilyo namang naisatinig ng binata.
“Mister, alam ko yang nasa isip mo. Maghunusdili ka. Hanggat may nafefeel pa akong kirot dito ay hindi ka makakaisa.” Pinandilatan nito ang nobyo na natatawa. “Baka sakali lang naman na makahirit ako.” Katweran nito sabay kabig sa nobya.
Ilang minuto rin silang magkayakap bago nagpasyang maligo si X. Kailangan din kasi nilang makita ang mga kapatid ng binata. Kaya naman ng pumasok sa loob ng banyo si X ay dali-dali namang nagbihis si Jham. Pati ang kama ay inayos niya at nakita niya ang pulang mantsa doon, tanda ng virginity niyang nawala. Pero napangiti rin naman siya ng makita ang suot niyang singsing. Alam niyang kahit mawala lang siya siguro ng isang araw sa paningin ng nobyo ay hindi ito makakapayag.
Matapos maligo ni X at makapagbihis ay magkahawak kamay sila ng nobyang lumabas ng kwarto nila. Nang marating nila ang elevetor ay agad iyon pinindot ni X hanggang sa bumukas iyon.
“X it’s that you?” Natatawang anang lalaki sa loob ng elevetor. “Spade, bro where the hell are you from?” Tanong din niya dito.
“You know me bro.” Sagot lang nito kay X. “And she is your wife?” Maya ay anito ng makita niya si Jham.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me(Completed)
Rastgele"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(GSB-2)