The Finale
.
.
.
LUMIPAS ang mga taon na nanatiling matatag ang pagsasama nila X at Jham bilang mag-asawa. After ng kasal nila noon ay agad din silang bumukod ng bahay. Kung saan kapitbahay lang nila ang mga kaibigan nila.“Mister, ano kaya ang nangyari kay Layla at bigla na lang siyang nawala?” Curious na tanong ni Jham kay X. “Hindi ko rin alam, ang sabi ni Alexandra ay iniblockmail daw siya ni Ale.” Sagot nito sa asawa. Napatango naman si Jham.
“Adam, saan ka na naman galing?” Tanong ni Jham sa panganay nila. Akala kasi nito ay hindi siya nakita ng ina dahil pasimple na sana itong aakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila. “Hey! Mom, dyan lang po sa labas.” Sagot nitong kakamot-kamot ng ulo.
“Tingnan mo nga yang sarili mo at basang-basa ka ng pawis. Umakyat ka doon sa kwarto mo at maligo. Pagkatapus ay sunduin mo ang kapatid mo.” Utos nito kay Adam.
“Okay! Mom.” Mabilis nitong sagot.
“I’m home.” Matinis na sigaw ng bunsong anak nila X at Jham. “Princess, sino ang kasama mong umuwi?” Tanong agad dito ni Jham ng makalapit ang bunso nila.
“Hinatid po ako ni kuya Leone gamit ang bike niya.” Mabilis nitong sagot. “Ganun ba.” Nakahinga naman ng maluwag si Jham ng marinig ang sagot nito.
“Adam, bakit hindi ka pa umaakyat sa taas. Go take a shower.” Sabay turo ni Jham ng itaas ng bahay nila kung saan ang ang kwarto ni Adam.
“Daddy, totoo po ba na doon tayo kakain ng dinner sa bahay nila tito Frank?” Inosenting tanong ng bunso nila kay X. “Um. Sino ang nagsabi sayo?” Anito sa anak.
“Si Lauren po Daddy.” Sagot nito.
“Princess, magpalit ka rin ng damit mo.” Utos naman ni Jham sa bunso nila. “Okay pa naman itong suot ko Mommy.” Mabilis nitong sagot.
“Kiara Andrea.” Ma autoridad nitong utos sa bunso nila. “Yes! Mommy.” Agad itong tumayo at patakbong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan ang kwarto nito.
“Yang mga anak mo e nagmana talaga sayo.” Iiling-iling na ani Jham kay X. “Hayaan muna, Misis. Mga bata pa naman. Magbabago rin ang mga yan kapag nagmatured na sila.” Sansala nito sa asawa. Napabuntong hininga na lamang si Jham dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya mananalo kapag ang asawa na niya ang nangatweran.
“Misis.” Paglalambing nito kay Jham. “Isa ka pa. Pasalamat ka at mahal kita. Kundi baka nakutusan na kita.” Anito sabay pinaningkitan niya ang kanyang asawa na napangiti. “And I love you more, Misis.” Sagot naman dito ni X sabay buhat niya kay Jham.
“Mister, ibaba mo nga ako.” Kunwaring sita nito sa asawa ngunit ang totoo ay kinikilig siya dito. Dahil kahit may binata na sila ay wala paring kupas ang pagiging sweet ni X sa kanya. Ika nga e ‘love never die’.
Tuloy-tuloy na naglakad si X habang buhat-buhat niya ang asawa paakyat kung saan ang silid nilang mag-asawa. Ng marating nila ang kanilang silid ay si Jham narin ang nagbukas at nagtulak ng pinto hanggang makapasok sila sa loob.
Maingat na inilapag ni X sa kama si Jham na agad niyang kinumbabawan. “Mister, wag kang maglandi.” May tunong pagbabanta dito ni Jham na tinawanan lang ni X.
“And why not?” Pilyo lang nitong tanong kay Jham. “Luko-luko ka. Pupupunta tayo sa bahay nila Murillo. Kaya pag-uwi na lang natin ikaw maglandi.” Saad niya dito. Natatawa namang umalis si X sa pagkakadagan niya kay Jham. Ngunit hindi ito umalis sa tabi ng asawa. Masuyo nitong hinaplos ang mukha ni Jham gamit ang isa niyang kamay.
“I love you, Misis.” Pabulong nitong aniya kay Jham. “Ano ang sabi mo, Mister?” kunwari ay hindi ito narinig ni Jham. “I said I love you.” Pag-uulit nito.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me(Completed)
Random"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(GSB-2)