NANG makabalik sina X sa Manila ay balik trabaho ulit sila. Kaya naging puspusan ulit ang pagtratrabaho ni X.
"Sir, dumating po ang email para sa inyo galing Italy. Kailangan niyo pong makipagkita sa JEM company doon." emporma ng secretary ni X sa kanya. "Okay! Pakihanda ang papers namin ng ma'am Jham mo. Dahil isasama ko siya." Utos niya dito.
"Sige po, Sir." Pagtalima nito.
Pagkaalis ng secretary ni X ay tinawagan naman niya ang nobya. "Mister?" Bungad sa kanya ni Jham ng sagutin nito ang tawag. "Misis, be ready. Pupunta ako ng Italy at isasama kita." Saad niya sa nobya.
"Anong kukunin mo doon?" Takang tanong sa kanya ng nobya. "Meron akong business appoitment doon." Sagot naman nito.
"I see. Pero bakit kailangan mo pa akong isama doon?" Takang tanong sa kanya ni Jham. "Dahil hindi ako makakatulog kung nandoon ako at nandito ka." Anitong kinangiti ni Jham.
"Oo, na po." Pilyang sagot sa kanya ng dalaga. "Misis, makakain talaga kita mamaya." May pagbabantang saad dito ni X.
"Luko-luko ka talaga." Naisatinig naman ng nobya.
Matapus mag-usap nila Jham at X ay muling bumalik sa trabaho niya ang binata. Hanggang sa hindi niya namalayang tanghali na pala.
"tok tok tok"
Katok mula sa labas ng pinto. "Come in." Utos niya dito at hindi rin niya ito pinagkaabalahan pa ng oras tingnan kung sino sa pag-aakalang ang secretary niya ito.
Napailing naman si Jham ng makita niya ang nobyo na busy sa ginagawa nito. Kaya maingat niyang inilapag ang mga dala niya at saka siya lumapit dito. "Alexander, anong oras na?" Tanong niya dito. Agad naman itong napaangat ng mukha sabay lapag niya ng ginagawa.
"Misis." Tawag niya dito. "Anong oras na oh! Your still working. Lunch time na." Anito sa binata na agad siyang hinila kaya napaupo siya sa kandungan nito.
"Ayaw kung nagpapagutom ka. Dahil ayaw kung magkasakit ka." Anito kay X na agad siyang dinampian ng halik sa labi. "As you said, Misis." Sagot na lang niya sa nobya.
"Let's eat lunch." Aya nito sa nobya. "Saan?" Tanong naman nito. "Sa MAV restaurant." Sagot nito.
"Nhaaaaa.....wag na," anitong kinakunot ng noo ni X. "Kasi may dala na akong pagkain galing doon." Saad nito sa nobyo.
Agad na tumayo si Jham at inayos niya ang dalang pagkain. Nakangiti namang sumunod dito si X. Kung tutuosin ay para na silang mag-asawang dalawa. Tangin pagbasbas na lang ang kulang para maging mag-asawa na silang legal.
"Nagpaalam na nga pala ako kay Dad na isasama mo ako sa Italy." Maya ay anito kay X. "Ano ang sabi ni tito?" Tanong nito sa nobya.
"Ang sabi niya ay wag na wag mo daw ako mabuntis-buntis na hindi napapakasalan." Natatawang ani Jham ng maalala ang tinuran ng kanyang ama kanina. Maging si X ay natatawang nailing.
"Si tito talaga oh!" Anitong natatawa.
Matapus nilang kumain ay agad din iniligpit ni Jham ang pinagkainan nila habang nakamata sa kanya ang nobyo. "Misis, halika ka nga dito." Tawag ni X sa nobya matapus nitong iligpit ang pinagkainan nila.
"Bakit?"
"Nothing, I just want to hug you." Sagot nito ng makaupo si Jham sa tabi niya. "Baliw, e araw-araw mo naman ako niyayakap ah! At hindi lang yun, kinakain mo pa ako sa gabi." Pilyang ani Jham na kinatawa ng binata.
"I love you." Paglalambing nito kay Jham. "I love you, too." Tugon naman nito sa nobyo sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa batok ni X.
"Ano kaya ang feeling na magkaroon ng little Alexander and Jhamaicah?" Nangingiting ani Jham. "Beautiful. I'm sure lalaki silang like you and me." Sagot dito ni X. "And I'm excited na maging daddy." Dagdag pa nito na agad tinampal ni Jham sa balikat.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me(Completed)
Random"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(GSB-2)