Chapter 4

22.2K 690 21
                                    

KINATANGHALIAN matapus ang pag-uusap nila X at ang mga kaibigan nito ay muli siyang bumalik sa university para sunduin si Jham.

"Tst! Kunwari pa noon na ayaw niya kay X yun pala e makikipagtukaan din dito." Dinig ni X na usap-usapan ng mga kapwa nila studyante sa university na pinapasukan nila.

"Ang landi mo kasing babae ka, nilandi mo siguro X." Dining na naman ni X. Inabutan kasi nito ang kumpolan ng mga kapwa niya studyante. At dahil nakatalikod ang mga ito kaya hindi nila nakikita si X.

"Mang-aagaw ka, malandi." Sigaw ng isa na namang babae. Dahil sa naging malinaw na kay X kung ano ang nangyayari ay dali-dali nitong hinawi ang kumpulan ng mga kapwa niya studyanting naroon.

"What the hell is going on here?" Galit nitong tanong.

"A-alexander."

"Sinong may sabi na nilandi ako ni Jham at sino ang nagsabi na malandi siya. At higit sa lahat sino yung nagsabi na mang-aagaw siya?" Dumadagundong nitong tanong sa mga ito. Walang pakialam si X kung mga babae ang mga ito. Sumusubra na kasi sila. At once na meron nanakit sa babaeng mahal niya ay pagsisihan ng taong may gawa na pinanganak siya sa mundong ito.

"Itaga niyo dyan sa mga utak niyong parang walang laman na hindi ako nilandi ni Jham. Hindi rin siya malandi, ipinapasa niyo lang sa kanya ang pag-uugali niyo. At hindi niyo naman ako pag-aari kahit kailan para sabihin niyong mang-aagaw siya. I'm belong with her and she is belong with me. Tandaan niyo iyan. Kapag may narinig pa akong ibully o inaaway ang girlfriend ko ay wala akong pakialam kung hindi kayo makapagtapus ng college. Dahil ipakick out ko kayo sa university na ito at ipablock list sa lahat ng university." Anitong kinagulat ng lahat nang nandoon ang pagbantaan niya mga ito.

"Misis, are you okay?" May pag-aalala nitong tanong kay Jham. Dahil nanginginig na ito sa takot ay agad niya itong niyakap. "Ssshhhh. I'm here, walang mangyayaring masama sayo." Anito. Dahil kanina pa pinipigilan ni Jham na wag umiyak ay ng yakapin na siya ni X ay saka niya ito pinakawalan. Napahagulgol siya sa dibdib ni X dahil sa takot ng pinagtulungan siya ng mga kapwa nila studyante.

Dahil sa umiiyak si Jham ay agad itong binuhat ni X. Ng buhatin ng binata si Jham ay isiniksik na lang niya ang mukha sa leeg ni X.

Ng marating nila ang kotse ni X ay saka nito ibinaba si Jham. Agad na sinapo ni X ang mukha nito. "Alexander. I was so scared with them. Thanks God you came." Sumisigok nitong aniya sa binata. "Please, wag mo na ulit akong iwan dito sa loob ng university. Baka mapatay nila ako." Dagdag pa nitong kinangiti ni X.

"Silly, hindi ka nila mapapatay. Dahil uubusin ko rin sila. And don't worry, kung saan man ako pupunta ay isasama na kita. At kung saan ka rin pupunta ay sasamahan na kita." Anitong kinatango ni Jham. Kaya mabilis na tinawid ni X ang pagitan ng mga labi nila. Sa pagkakataong iyon ay ninamnam ni Jham ang bawat galaw ng labi ng binata. At bahagya niyang ibinuka ang labi upang bigyang laya ang binata na tila pinahintulutan niya ang panauhin na pumasok.

Ng pakawalan ni X ang kanyang labi ay bagya nitong pinakatitigan ang maamong mukha ni Jham. Segundo lang ang lumipas ng muling tinawid ni X ang pagitan ng labi nila. Sa pagkakataong iyon ay napakapit na si Jham sa damit ni X. Tila maraming paru-parong nagliparan sa loob niya dahil sa ginagawa ng binata. Hindi namalayan ni Jham na unti-unti na pala niyang tinutugon ang bawat galaw ng labi ni X.

Napangiti si X ng tugunin ni Jham ang halik niya dito. Kaya mas lalo nitong pinag-igihan ang paghalik dito. Agad nitong hinapit sa baywang si Jham. Kaya ipinulupot agad ng dalaga ang dalawang kamay niya sa batok ni X. Ng maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa nila habol ang hangin.

You Belong With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon