DUMAAN ang araw at kahit gaano kabusy si X at Jham sa trabaho ay hindi sila nagkulang ng oras para sa isa't isa. Magkaiba man ang opisina nila ay hindi iyon naging hadlang para sa kanila. At syempre nakasanayan narin ni X matulog sa bahay nila Jham.
"Misis, lahat ba ng gamit natin ay nandito na?" Tanong ni X kay Jham habang nilalagay niya sa back seat ng sasakyan ang mga bag nila ng nobya.
Dahil sa magandang feed back ng kumpanya mula nang si X ang mamahala nito ay nagpasya siyang bigyan ng break ang mga employees nila. At dahil narin sa maganda't maayos ang pagtratrabaho ng mga ito sa kumpanya.
Kaya ang lahat ng mga empleadong nagtratrabaho sa kumpanya ni X ay magkakaroon ng break para magrelax sa Batanggas.
"Drive safety." Seryusong habilin ni X kay Ale ng makita niya itong kampanting nakansandal sa kotse niya. Kasama kasi nila ang nobya at dalawa niyang kapatid sa pagpunta ng Batanggas.
"Yes! Brother, no worries." Sagot lang nito. "Nagpatattoo ka?" Kunot nuong tanong ni X sa kapatid niya ng makita nito ang tattoo sa braso ni Ale.
“Yeah! Sa braso lang naman.” Sagot nito.
“Wala na ba tayong naiwan na gamit?” Tanong sa kanila ni Jham. “I think, wala na.” Sagot naman ni Alexandra.
“Okay! Misis, get in the car.” Utos nito kay Jham. Agad naman pumasok sa sasakyan ang dalaga. Maging si Ale at Alexandra ay pumasok rin sa sasakyang nila at si Ale ang magmamaniho nito.
“Malayo ba ang ibibyahe natin?” Tanong ni Jham kay X ng makasakay ito sa loob ng sasakyan. “Mga ilang oras lang ay nandoon na tayo.” Sagot nito sa nobya bago niya inistart ang sasakyan.
GAYA ng sabi ni X ay mga ilang oras din ang naging byahe nila bago nila narating ang resort kung saan nakareserve ang buong team ng kumpanya ni X.
“Mister, maglilibot-libot muna kami dito bago kami papasok. Hintayin muna lang kami sa looby.” Ani Jham kay X. Agad silang naglakad ni Alexandra para tingnan ang lugar. Naiiling namang nakasunod sa dalawa si Ale.
“Ale, come on. Walk faster.” Pasigaw na ani Alexandra kay Ale.
“Mayroon ka namang paa, kaya maglakad ka kung gusto mo ng mabilis.” Anitong sinimangutan naman ng kapatid niya.
Samantala dahil sa naglibot-libot muna si Jham kasama ang mga kapatid ni X ay nagpatiuna na lang siya sa loob ng hotel kung saan sila magcheck-in kasama ang mga empleado ng kumpanya niya.
“Sir, ito po ang susi ng room niyo ni ma’am Jham at ito naman po ang sa mga kapatid mo.” Anang secretary ni X sabay abot nito ng susi kay X. “Ang buong team po ay nakuha narin po nila ang kani-kanilang mga susi.” Dagdag pa nito.
“Great. Enjoy your weekend while everyone.” Anito sa mga empleado niya.
“Thank you, Sir.” Halos panabay ng mga ito.
Ng magkanya-kanya ng punta sa magiging kwarto niya ang mga empleado ni X ay naiwan siyang nakaupo sa looby ng hotel para hintayin doon ang mga kapatid at si Jham. At habang hinihintay niya ang mga ito ay mayroon biglang lumapit sa kanya. Hindi niya alam na nandoon din pala ito.
“Oh! Mr. Javier, you are here too.” Ani Mr. Katigbak ng makita niya si X kung saan sila nakacheck-in na hotel. “Uhh! Yes! Binigyan ko ng break ang mga employee ng Javier’s branch na hawak ko. That’s why I’m here.” Nakapamulsa nitong sagot.
“I see.” Tatango-tango nitong aniya.
“Kuya, nasaan ang susi ng room namin?” Bigla naman napalingon si X sa pinagmulan ng tinig.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me(Completed)
Random"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(GSB-2)