Chapter 15

664 26 4
                                    

Czyrhyn's POV:

"Arghhh bat kasi kailangan pang bumangon ng maaga. Ayaw ko ng mag-aral sa school na yon nakakaasar na.." himutok ko pag bangon ko.


Nag-ayos na ako upang pumasok. Pagkababa ko hindi ko makita si tricker buti naman, siguro naisipan nya ng bumalik sa mansion ni lolo.




Pagdating ko sa dining room nakita ko ang isang memo. Memo na galing kay tricker at katabi ang hinanda niyang pagkain. Hindi daw siya makakapasok dahil pinatawag siya ni lolo.



Bakit naman kaya si tricker lang ang pinatawag ni lolo. Bagamat nagtataka ako sa mga nangyayari itinuloy ko na lang ang pagkain ayaw kong malate terror ang teacher namin ng first subject haha ayaw kong maging apple of the eye ng lahat, ayaw kong dama ng lahat ang existence ko.




Pagkapark ko ng kotse ko naglakad na ako papunta sa room buti na lang wala muna ang clown squad sa dinaraanan ko. Pagpasok ko sa room nakita ko na nakayukyok yung ulo ng seat mate ko sa arm chair ng upuan ang aga aga natutulog tong bugnoy nato, never mind na lang sa mga reasons nya by the way wala naman akong balak na kausapin siya kaya nakinig na lang ako ng sounds sa phone ko.



30 mins. na wala parin yung teacher namin nakakainis naman, sa inis ko lumabas ako ng classroom at nagtungo ako sa paborito kong tambayan,syempre sa taas ng puno. Pero laking gulat ko ng may tumabi sa akin ugh kakainis talagang buhay to.





"Bat nag-iisa ka ngayon nasan yung prinsipe mo? Kung prinsesa kita di ko hahayaang mawaglit ka sa paningin ko.."
narinig kong sabi ng katabi ko, bakit kasi sumunod pa sa akin tong lalaking ito hindi na lang manahimik sa kinauupuan niya kanina.





"Pwede ba wala akong panahon sa mga makesong bagay, ginagambala mo ang pamamahinga ko." Sagot ko sa lalaking ito sya nga pala yung seatmate ko hindi ko matandaan ang pangalan nya.. at wala akong panahon na alalahanin pa.. masasayang lang ang oras ko.




"Ganyan ka ba talaga hindi normal ang mga ikinikilos mo sa mga dapat ikinikilos ng mga normal na babaeng katulad mo."





"Napakaingay mo hindi din normal sa isang lalaking tulad mo ang mag-ingay na parang babae. Kung wala kang magandang sasabihin umalis ka dito gusto ko ng katahimikan."
Pagkasabi ko ay pumikit na lang ako buti naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin. Tuluyan na akong nilamon ng antok.





Xanders POV:





Ibang klase talaga ang babaeng to, nakakatakot siyang lapitan pero hindi ako natatakot na lapitan siya para bang kampante ang loob ko sa kanya. Nakakaramdam din ako ng kakaibang seguridad kapag malapit siya sa akin haha nababaliw na yata ako baligtad na yata talaga ang takbo ng mundo..



Tinitigan ko sya habang natutulog sya ngayon isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Napaka amo pala ng mukha niya pag natutulog kabaligtaran ng nakikita mo kapag gising sya na para bang isa siyang haligi ng yelo sa lamig ng titig niya. Napakaganda ng mukha niya.





Unti-unting nakaramdam na din ako ng antok. Sumandal ako sa puno at niyakap siya ng mahigpit delikado ang kinalalagyan namin nasa taas kasi kami ng puno at anumang oras ay maaari kaming malaglag.





"Gusto kitang makilala ng lubusan. Masyado kang misteryosa, gusto kong makita ang mga pagkataong alam kong tago sa mga mata namin...umaaasa ako na magiging malapit tayo sa isa't isa..." mahina kong bulong bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko.






Czyrhyn's POV:





Napakaweird naman ng panaginip ko parang totoo yung mga narinig ko arrrghhh nababaliw na yata ako. Sinubukan kong gumalaw ngunit parang may nakatali sa akin na kung ano nahihirapan akong kumilos, bigla akong naging alerto at dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Laking gulat ko ng malaman kong nakayakap pala ng mahigpit tong kumag nato kaya hindi ako makagalaw.






Nakakabadtrip naman wala pang nagtangkang yumakap sa akin ng walang permiso kahit tricker pa yan o si Shiro na sobrang malapit sa akin. Malilintikan talaga sa akin tong kumag nato..







Unti unti kong tinggal yung bisig niyang nakakapit sa akin at akmang uumbagin ko na sya ngunit nagulat ako ng masalo niya ang kamay ko argh mas lalo akong nainis tumalon ako pababa at perfect landing. Naglakad na ako palayo sa kanya habang napipigilan ko pa ang killing spree mode ko.






"Pwede ba tigil tigilan mo ang pagsunod sa akin para kang aso." malamig na sabi ko sa kanya.





"Gusto ko lang namang makilala ka ng lubusan." sagot ng nakakainis na lalaking to.





"Bahala ka sa buhay mo alam ko na hindi magtatagal masasawa ka rin sa kakasunod sa akin."





Nakaka aning na lalaki to. Bahala sya sa buhay nya masasawa din sya kakasunod sa akin ayaw ko na makipagusap pa sa kanya nasasayang ang effort ko magsalita. Sinuot ko ang headphone ko at patuloy na naglakad papunta sa parking lot at matindi talaga ang lalaking to ayaw pa rin akong lubayan.







Pagkadating ko sa parking lot sumakay ako kaagad sa kotse ko. Laking gulat ko ng makita kong prenteng nakaupo na sa shutgun seat ang kumag na lalaki. Sinamaan ko sya ng tingin upang iparating ang mensahe ko na umalis na sya sa loob ng kotse ko, pero anu nga ba ang aasahan ko sa abnormal na to hindi natatakot sa titig ko eh.



Sa inis ko pagkastart ko ng makina pinahaharot ko kaagad papunta sa bus stop sa di kalayuan at muling titinitigan sya, bakas sa mukha nya ang gulat sa pagpapatakbo ko.

follow, Vote and Comment
Thank you readers

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon