Chapter 8

875 30 1
                                    

Someone's POV:

Nakarating ako sa parte kung saan tahimik at maraming puno. Napakasarap talaga sa pakiramdam kung lalayo ka muna sa environment na masyadong nagpapataas ng stress level mo. 'Yan ang mga katagang pumapasok sa utak ko ngayon.

Sanay naman akong mag-isa hahaha pinapatawa ko na naman ang sarili ko. Lately nagiging hubby ko na ito malapit na yata itong mauwi sa insanity. Of course I'm bound to be alone nga pala, feeling ko yata bago lang ang ganito sa buhay ko. I can't accept the fact that I am alone, Ugh iniisip ko kung ano ang nagawa kong mali para danasin ang ganito. Minsan hinihiling ko na sana nandito pa si mommy sa tabi ko. I can do nothing right now but to cry out all the pain and misery that I have.

Parang walang katapusan ang pagluha ko, nakakaramdam na aq ng pagod masyado pang nakikiayon ang paligid ko ngayon para bang inaanyayahan akong ilabas lahat ng pait ng dibdib ko na matagal ko ng pilit na tinatago, mga hinanakit na kahit kailan at kahit gusto na sumabog pilit kong pinipigilang kumawala.

Sa mga ganitong panahon ang tanging karamay ko lang ay katahimikan at payapang paligid. It never fails to comfort my crying soul. Sana dumating yung araw na may isang balikat akong masasandalan while I cry my heart out.

"Dareka ga watashi o tasukete..."
        (somebody help me)

mahinang bulong ko habang marahang ipinipikit ang aking mga mata.

Ngunit bago ko tuluyang maipikit ang aking mga mata ay naaninagan ko ang isang babaing sa palagay ko'y natutulog din ngayon sa ibabaw ng sanga ng parehong punong kinasisilungan ko. Napangiti ako at kahit papaanoy naramdaman kong hindi pala ako nag-iisa maaring hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit siya nandyan ngayon pero sapat na para sa akin na kahit nagkataon lang, na hindi pala ako mag-isa sa mga oras na ito.

Alam kong payapa akong tatakas ngayon sa realidad sa magulong mundo ng katotohanan at may ngiting papasok sa panibagong mundo ng aking pagidlip ngayon.

Follow, vote and comment please
Thank you readers.    :)

She's An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon