"Where have you been Princess?. It's already late, what took you so long?"
"Pwede ba Dylen tigilan mo muna ako pagod ako, Okay. Don't act like a mother nagging to her daughter, hindi bagay."
Malamig kong tugon sabay akyat papunta sa kwarto para hindi ko na marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin. Ugh kaya gusto ko mag isa lang dito para walang mangingi alam sakin. Pagod talaga ako sobra, inenjoy ko talaga ang theme park kanina hindi man usual ang reaksyon ko kanina nagenjoy talaga ako.
Dylen's POV:
"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan princess?"
Yan ang tanong na namutawi sa aking mga labi habang kasalukuyang minamasdan ang papaakyat na si Czyrhyn. Alam kong napakasakit ng mga pinagdaanan niya mula pa pagkabata, kaya ganyan ang naging epekto nito sa kung sino at ano ang ipinapakita niya ngayon.
Mula ng mamatay ang kanyang mga magulang hindi na siya makaramdam ng kahit anung emosyon maliban sa galit. Sabi ng mama ko sa akin na matagal ng katiwala ng pamilyang Alonzo ay sekreto daw ang pagiging mag-asawa ng daddy at mommy ni princess. Ang kanyang mama ay isang ulila halos pareho ang sinapit nila ni princess ito ang naging dahilan kaya nainvolve ang kanyang mama sa assassination world. At ang daddy naman niya ang may ari at nagooperate sa business na ito kung saan hinahire ang pinaka magaling na detective at assassins at gumagawa ng contract sa gobyerno para sa mga misyon para na ring black ops ang dating ang kaibahan lang hindi sa kanila galing yung dinedeploy. Karaniwan mga kilala at mga bigating personalidad ang nagiging customer nito. Dito nagkakilala ang mom and dad ni princess hindi kalaunan pinasok na rin ni Sir Xandrex ang pagiging assassin at spy dahil sa matinding pagmamahal niya sa asawa strictly confidencial ang mga pagkatao nila dito maiituturing mo rin siguro itong Ghost at underground organization piling tao lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Mahirap makapasok sa organisasyon at hindi madaling lumabas mahabang proseso ito kung nagkataon.
Ngunit dumating yung araw na muling nakaramdam at nagpakita ng ibang emosyon si princess maliban sa galit natutunan niyang ngumiti at naging masaya at natuto din siyang umibig. Sa pagkakatanda ko 15 years old kami nung panahon na yon. Alam kong napakalaking pilat ang iniwan nun kay princess.
Yun yung mga panahong masaya si princess masakit mang aminin pero hindi ako ang dahilan. Ng mamatay ang dad ni princess nagtayo ang lolo ni princess ng isang espesyal na paaralan na magsisilbing training ground ng mga next generation assassin. Kalimitan sa mga nagkaroon ng pagkakataong makapaaok dito ay mga anak din ng mga agent dito at ilang mga apo ng mga piling kaibigan ni master ang lolo ni princess. At isa nga sa mga ito ang apo ng pinakamatalik na kaibigan ni master na si Mr. Tanaka. Naging kasintahan ni princess ang apo niya na si Shiro na naging matalik na kaibigan ko naman. Pumasok ito sa Academy at naging maganda ang samahan naming tatlo. Isa siya sa mga pinakakamagagaling katulad ni princess. Isang araw nalaman namin na may kakambal pala siya at ito ang naging kauna unahang misyon namin as a team. Nag aral kami sa eskwelahan na pinapasukan ng kakambal ni Shiro, nagkaroon ng report na mararaming patayan ang nagaganap sa lugar na iyon at kahit isa sa mga pagpatay ay walang record parang may isang taong nagtatakip sa mga krimeng nangyayari sa lugar na iyon.
Hindi sinasadyang mainvolve ang kakambal ni Shiro. Napag alaman naming mafia pala ang nasa likod ng mga pagpatay at si Kuro ang susunod na target base sa mga death threat na natatanggap niya kaya ng malaman ito nila Mr. Tanaka agad kaming dineploy sa misyong iyon dahil sa sobrang Cassanova ng kakambal ni Shiro hindi niya alam na miyembro pala ng mafia ang babaeng pinaglaruan niya. Hindi namin inaasahan na mauuwi pala ang misyon namin sa madugong labanan lumala ang sitwasyon at dumating sa puntong dinukot nila si Kuro at wala kaming choice kundi ang labanan sila sa paraang gusto nila.
Nang mga panahong yon bago sa amin ang pakikipaglaban. Masyadong nagpadala si Shiro sa emosyon niya at sinalo niya ang balang tatama sana kay Kuro at binaril ang pinanggalingan nito bago siya nawalan ng buhay. Timaan siya sa may parteng puso na ikinamatay niya agad at kasabay ng pagtumba rin ni Kuro na may tama din sa dibdib. Meron palang sniper. Nagulat din si Princess ng mga panahong yun kitang kita niya kung paano nawalan ng buhay yung taong naging dahilan kung bakit siya naging normal na tao ulit. Nung mga panahong yun siya ang cover ni Shiro pero naalarma siya dahil alam niyang may sniper din sa lugar na iyon dinig na dinig ko mula sa earpiece ang mga nangyayari ng panahong iyon at kitang kita ko mula sa kamera na nakakabit sa kanila ang mga nagaganap ng mga oras na iyon. Kasalukuyang inaalam ni princess ang posisyon ng sniper ng kalaban kaya nawala ang atensyon niya sa pagcover kay Shiro ng malaman na niya ang eksaktong lokasyon nito nahuli na siya natamaan na si Shiro at dahil narin siguro sa pagkagulat sa nangyari kay Shiro nawala din siya sa pandama niya at hindi niya namalayang nagpaputok na ang sniper at tinamaan si Kuro. At saka lamang siya nagbalik sa realidad.
Nang mga panahong yun walang sinayang na oras si princess napatay niya ang sniper. Ngunit dama ko ang panlalambot at hinanakit niya sa kanyang bawat paghinga na naririnig ko sa earpiece ko. Hindi ko siya masisi kung bakit ganyan siya ngayon ngunit hinihiling ko balang araw na bumalik ang dating Czyrhyn 3 years ago.
Masyado akong napagod kaka reminisce ng nakaraan. Oras na para matulog. May panibagong impormasyon akong natanggap mula sa headquarters na makakatulong sa misyon namin ni princess. Bukas ko na lang sasabihin tutal tulog na siya baka mapatay niya ako kung maistorbo ko ang kanyang pagtulog.
follow, Vote and Comment
Thank you readers
BINABASA MO ANG
She's An Assassin
AçãoCzyrhyn Azer Alonzo. Mayaman, maganda matalino. And yes she's an Assassin. Paano nya kaya mahahanap ang kanyang Mr. Right sa kabila ng kanyang very wrong life.