Prologue

5.5K 95 5
                                    

'Di ko inakalang mangyayari 'to.

Natatakot akong magmahal dahil takot rin akong masaktan. Duwag ako, inaamin ko. Pero nang makilala at makasanayan ko ang ugali niya, naging matatag ako.

Inaamin kong naging malupit ako sa kanya, 'yung tipong kahit isang ngiti lang 'di ko pa maibigay. Halos pabulyaw akong sumagot sa kanya at mistula ko siyang alalay.

Pero lahat ng 'yon kinaya niya, tiniis niya para lang makasama ako.

Ganito pala magmahal, maliit na bagay lang nasasaktan ka. 'Di ko lubos maisip kung paano niya nakaya ang tulad ko.

Natatakot akong umamin, natatakot akong masaktan, natatakot ako na baka sa huli ako na lang ang maiiwan.

My Childish Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon