Alex's POV
Everything was back to normal 2 weeks later. Nakakapagtaka nga kasi di lang basta maaga na sya umuuwi ngayon, di ko na rin siya nakikita nag bababad sa computer niya at nag babasa ng kung ano ano tungkol sa kinababaliwan niyang time travel. Hmmm baka sumuko na siya kaka kontra ko hahaha!Pero baka iba na inaatupag ng mokong na yun at may kinakalantare na. Pati yung apple watch ko wala pa rin, dalawang linggo na nakalipas. Naisahan yata ako. Hindi siya uubra sakin, mag iimbestiga ako sa mga gamit niya. Naku naku. Pag nalaman ko lang niloloko niya ako papatayin ko talaga siya.
...
OMG!
OOOMMMGGGG!!
May box sa bag niya. Applllleeee watch ko na yata to. Sabi na eh. Ang pogi pogi talaga ng asawa ko. He is so sweet and I cant ask for more. Im so lucky to have him. Isusurprise niya siguro ako hihi. Kalimutan nyo na kung ano pa inisip ko sa kanya kanina eh siya na yata pinaka mabait na asawa. Ayyyiee! Kunwari di ko pa nakita para di masira surprise niya. Perooo... Isusukat ko muna, sandali lang naman. Promise. *evil smile*
__________________________________________________________________________________________________
Matt's POV
Pano na to? Patay na naman ako sa misis kong materialistic. I know I promised her na bibilhin ko yung gusto niyang apple watch. Pero kasi...
Ipinambili ko ng time travel watch yung pera na dapat para sa apple watch. Sobrang convincing kasi ni manong eh. Paano kung totoo naman kasi sinasabi niya. Paano kung authentic nga yon? Bakit ba kasi magkatabi yung apple store at antique shop. Natempt tuloy ako. Ang rupok rupok ko pero papatayin niya ako pag nalaman niya. Tsk. Naiimagine ko na sasabihin niya
"Nagpagoyo ka na naman. Sinabi ng hindi totoo ang time travel na yan, ikaw na lang naniniwala dyan kaya ikaw na lang din natitira sa mundong ito naloloko ng mga nag titinda. Hindi na ako magtataka kung pati tindahan ng agimat ikaw ang suki. Nag sasayang ka ng oras at pera."
Tumawag na kaya ako sa nanay ko? Mukha mapapalayas ako kaya papasundo na ako. Tama, unahan ko na siya mag gagalit galitan ako at ililihis ko para ma delay at makapag ipon pa ako para sa apple watch niya saka ako uuwi sa kanya. Para mapag aralan ko rin yung binili kong time travel watch bago ko ipakita sa kanya, at patutunayan ko sa kanyang totoo yun at hihingi sya ng tawad sakin nang nakaluhod sa lahat ng panglalait niya sa gusto kong gawin. Bwahaha!
Teka, nasan ba yung cellphone ko?
"HOOOY! WAG MO HAWAKAN YAAAAAN!"
To be continued....
BINABASA MO ANG
Time's Up! (An Unexpected Journey)
RomanceThe obsessed husband. The materialistic wife. What happens when you throw them together in an unexpected journey through a time travel watch.? ©FairyGRAY. All rights reserved.