VII.

21 0 0
                                    

Kanina pa paikot ikot si Alex sa kaniyang silid. Malapit na ang oras ng pagkikita nila ng asawa at nagdarasal siyang walang makakakita dito.

Hindi rin siya mapakali dahil pakiramdam niya ay galit sa kaniya ang lalaki.

Paano ba namang hindi magagalit ito, wala siyang ginawa kundi asarin ito nitong nakaraang 3 araw.

---

"Baby... "

Narinig ni Alex ang pagtawag sa kaniya ng asawa ngunit sinadya niyang wag itong pansinin. Gusto niyang matutunan ng lalaki ang halaga niya bilang asawa.

Sa totoo lang ay di niya maiwasang di maawa sa lalaki. Suot pa rin nito ang damit galing circus at di pa nagagawang maligo. Alam niya rin na hindi ito pinakakain ng maayos ng tulad niya pero nagdesisyon siyang wag itong tulungan.

"Oh by the way Greg, i thought you were going to teach me ride a horse? " aniya sa kasama.

Oo, sinasadya niyang papagselosin ito para naman matutunan ng asawa ang halaga niya.

Haba ng hair niya di ba? Hahaha!

Si Greg ang umakay sa kaniya pasakay sa kabayo at syempre, siniguro niyang makikita iyon ni Matt. Gusto niyang matawa ng malakas nung oras na yun dahil mukhang handa itong pumatay kahit anong minuto.

---

Napapangiti pa rin nga siya pag naaalala ang mukha nito sa pinaggagawa niya.

---

Oras ng tanghalian noon at kumakain siya kasama si Greg. Nagkataong naroon si Matt para hintayin silang matapos dahil may pag uusapan sila ng haciendero.

Anong ginawa niya?

Sinadya niyang inggitin ang asawa sa mga kinakain niya. Titingnan niya ito ng pasimple tsaka isusubo at ngunguyain ang pagkain ng dahan dahan.

Nakita niya kung pano nito sinundan ng tingin ang pagkain niya sabay ikukuyom ang palad nito.

Ang cute talaga ng asawa niya.

---

Kaya ngayon ay naghanda siya ng pagkain para rito pampalubag loob. Yun ay kung pupunta nga ang lalaki.

Paano kung naisip nitong ang childish niya at bumalik na sa panahon nila?

Sa totoo lang ay di niya alam ang gagawin kung sakali.

She depends on him and she can't survive a day without seeing the guy she loves.

Tok tok.

Bigla siyang kinabahan. Pano kung si Greg ang nasa kabila ng pinto? Ilang beses na kasi nitong pinagtangkaan na may mangyari sa kanila, mabuti na lamang at lagi siyang nakakalusot.

Dahan dahan niyang binuksan ng pinto at nakahinga lamang siya ng maluwag nang makitang si Matt ang kumatok.

Nagulat pa nga siya nang bigla siya nitong hilahin papasok sa kwarto at isandal sa pintuan.

Galit ata talaga sa kaniya ang asawa.

"Look. I'm really sorry for the things I've done and I know it was prett--" natigil ang pagpapaliwanag niya ng walang sabi sabing halikan siya nito.

Oh gods. How she missed this guy.

Inilayo niya ang mukha ng lalaki sa kaniya at tinitigan ito sa mata.

He will always be the man that is meant to complete her.

The one she swore to spend the rest of her life with, for better or for worse.

The only person who holds the key to her heart.

"I miss you... "

This time, siya na mismo ang humalik sa asawa. She kissed his nose, his eyes, his lips. Ngayon niya naramdaman ang guilt sa mga kalokohan niya.

Cause she finally figured out that she will still love him no matter what.

"Oh ano? Baliw na baliw ka na naman sakin? "

Natigil ang pagmomoment niya ng magsalita ito. Ngayon ay parang gusto niya nang bawiin ang lahat ng sinabi niya.

Kung di niya lang talaga mahal ang taong to, naku..

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time's Up! (An Unexpected Journey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon