II.

30 1 0
                                    

Third person's POV

"Bakit mo na naman ginagalaw ang gamit ko? Akala ko ba may usapan na tayo?"

"Ha? Hindi ba para sakin to?" Kumunot ang noo ni Alex. Naramdaman niyang may hindi tama. Palipat lipat ang tingin nya sa hawak na smart watch at sa asawa niyang nagpapanic.

"Basta! Bitawan mo yan! Akin na yan!"

"Akin naman to ah! Nangako ka sakin honey. Ok lang na wala confetti o kahit ano gimik para masurprise mo ako. Ang saya saya ko na kaya."

"Hindi mo naiintindihan. Hindi nga sayo yan at hindi apple watch yan!"

Nang biglang may sumabog na nakasisilaw na liwanag at napadapa sila sa gulat.

"Teka Matt ano to?  Asan tayo?"

Pinagmasdan nila ang paligid.

Magulo.

Maingay.

Giyera.

Hindi makapaniwala si Alex sa nakikita nila. 2 minutes ago,  nasa kwarto pa sya at hinahalungkat ang gamit ng asawa. Ngayon, tumatakbo na ang asawa patungo sa likod ng isang malaking puno.

"Hoy san ka pupunta? Wag mo ako iwan dito hayop ka talaga.“

"Dalian mo Alex, gumapang ka papunta dito, baka matamaan ka ng bala dyan o makita ka ng sundalo. Dalian mo."

"Sandali! Eh kung di ka nag pa action star dyan at inalalayan mo ako sana safe na ako diba diba mag hintay ka!"

"Ikaw, kahit saang lugar at sitwasyon, andami mo pa ring sinasabi babae ka. Susunod ka rin naman!"

"Ano ba kasing nangyayari? Pano tayo napunta dito? At nasaan ba tayo Matt?! Giyera ba to?  Naku pag namatay talaga ko patay ka sakin. Dapat talaga nakinig  ako sa nanay ko maghanap na lang ng iba. Ipapahamak mo talaga ko. "

"Hubarin mo nga muna yan. Nangingielam ka kasi ng gamit ng may gamit kaya tayo napapahamak." Sapilitang kinuha nya ang relo kay Alex habang naglilitanya.

Samantalang nag aapoy na sa galit si Alex.

"Ano ba kasi talaga yan? At anong nangyayari?"

"Time-travel watch kasi to.  Pag aaralan ko muna sana kaso masyado kang pakielamera. Ano ba kasing pinindot mo?"

"Anong pinindot ko? Bigla kang sumulpot at nakipag agawan.! Ikaw ang pumindot! Yan na nga ba sinasabi ko sayo eh. Yang time travel na yan ang magpapahamak satin eh.! Iuwi mo na ko sa bahay ngayon din at magbalot ka na pag uwi natin. Umuwi ka na sa nanay mo."

"Talaga! Uuwi na ako sa nanay ko! Wala ka lasa mag luto. Yung sinigang mo lasang nilaga. Perooo.. yun lang di ko alam paano gamitin to relo. Baka kung saan tayo mapunta pa."

"Anong kung saan pa mapunta? May mas sasama pa ba higit sa gyera? Samahan mo pa ng mga tanke at mga sundalo hapon. Pwede ba pumindot ka na ng kahit ano jan at sinigang ng mayayaman yun wala ka kasi alam kundi pang karinderya."

"Teka nga wag ka nga maingay naririndi ako sayo. Eto na nga tinitignan ko na." Sinubukang pag aralan ni Matt ang relo nang may marinig syang sumusutsot. "Shhh. Narinig mo ba yon?"

"Ano na naman yon? "

"May tao! Ayun oh!" Dun lang nila napansin na kanina pa pala may babaeng nanonood sa pagtatalo nila.

"Narinig nya ata tayo. Nakakahiya ka talaga Matt. Tsk. "

"Ikaw yung bungangera, ako yung nakakahiya?" Pinagmasdan nila ang babae. Mukhang isa itong haponesa base na rin sa hugis ng mata at damit niya. At tinatawag sila nito. "Pinapalapit ka ata nya, puntahan mo na."

"Ayoko nga. Mamaya trap lang yan, may baril pala sya. Tsaka ikaw yung lalaki. Imbis na ipagtanggol mo ko,  itutulak mo pa ko. Hayop ka talaga eh!"

"Eh babae naman yan. Pano kung pagsamantalahan ako niyan? Pogi ko pa naman."

"Lakas mo eh no? Halika na nga, dalawa na lang tayo."

"Isoide kakureru! Hayaku!"

"Matt ano daw?"

"Malay ko. Sandali madali lang yan."

Linapitan nila ang babae at sinubukang makipag usap ni Matt gamit ang hand gestures ngunit tinitigan lamang sila ng babae.

"Mukha ka talagang tanga kahit kailan! Di ka niya naiintindihan oh. Baka isipin niya nasisiraan ka ng ulo."

"Mukhang tanga ka dyan. Edi sige, ikaw na makipag usap."

"Tabi ka nga dyan!" Itinulak nya ang asawa ng bahagya at nagsimulang yumuko. "Hai!  Hai! ... Awkwaaaard! Tingnan mo,  nahawa na ko sa katangahan mo!"

Bagaman hindi sila naintindihan,  muling nagsalita ang haponesa. "Nakanihairu."

"Pinapapasok niya ata tayo sa taguan niya eh. Umuusog sya eh."

"Hai! Hai! " Patuloy pa rin sa pagyuko si Alex,  na sinabayan ng kausap nila. Hindi tuloy napigilan ni Matt na matawa.

"Para kayong tanga eh. Pumasok na nga tayo!!", tsaka niya hinila ang asawa papasok sa tila kweba na taguan ng babae. Nang nakapasok na sila ay biglang nagtitili si Alex.

"AAAAAAHHHHHHH!!!!"

"Oh bakit ka sumisigaw? Anong problema? "

"Gago ka talaga! Tingnan mo nga nakapantulog pa ko!"

"Ngayon mo pa talaga inaalala yan? Ako nga naka boxer lang."

"Okay lang yan, wala namang babakat sayo. "

Umiwas ang babae sa asawa dahil tinangka na naman syang kagatin ito ngunit dahil dito ay di sinasadyang napadikit sya sa katawan ng babaeng tumutulong sa kanila.

Malamig.

Dun lamang nila napansing ang duguang damit at walang kulay na mukha ng babae.

"AAAAAHHHHHHHHHHH! "

To be continued...

Time's Up! (An Unexpected Journey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon