Crush?

12 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa naramdaman kung may kung anung Bagay na ang likot sa tabi ko. Dahan dahan akung napatingin sa tabi ko ng makita ko si Yohan na relax na relax sa tabi ko habang pangisi ngisi na nakatingin sa Cellphone nya. Kahapon pa syang ganyan ah! Anu ba kasing meron sa Cellphone nya at kung maka ngisi sya ay parang naka kita lang ng chix? Saka bat ba sya andito??

Napa bangon ako at tinignan sya, hinampas ko sya ng unan dahil subrang likot nya! "Anu bang pumasok sa isip mo Yohan at andito ka ha?! Ang likot likot mo pa! Jusko, you disturb me!" Singhal ko sakanya at hinampas hampas sya ng unan. Kaso tumawa lang sya! Walangya talagang lalake.

"Relax bunso, parang Hindi mo ako Kuya ah? Saka English? marunong ka pala nun?" Sambit nya at bigla nya akung hinila palapit at pahiga sa tabi nya.

"Parang kung kelan lang ang liit mo pa tapos ngayon ang laki mo na, pfttt panigurado may nag kakagusto na sayo" dagdag pa nya at ginulo ang buhok ko.

"Yohan naman! Maliligo na ako Ehhh! May pasok p—" Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil sumabat sya.

"Walang pasok ngayon noh, pftt!" Natatawa nyang sabi sakin at talagang tinulak tulak pa ako.

"Aray anu bayan! Umalis kana nga dito!" Singhal ko sakanya at binato bato sya ng unan.

Bumangon naman sya at tumayo"oo na aalis na ako,"nakangisi nyang sabi at kinuha ang cellphone nya saka Ito tinignan, balang araw talaga.. Malalaman ko rin kung anu yung tinitignan nya sa Cellphone nya.

Pagka alis palang nya ay tumayo na ako at bumaba, mamaya pa ako maliligo total walang pasok ngayon. Pagka baba ko ay deretso kusina na ako, tinignan ko ang laman ng ref at dun na umusok ang ilong ko sa inis dahil wala dito ang favorite chocolate cake ko, dali dali akung pumunta sa sala at dun ko nakita Si Yohan galit akung lumapit sakanya at sinapak sya.

"What the!? Para San yun?" Galit nyang tanung sakin.

"That's for eating my cake! Ughh! Nakakainis ka!" Sigaw ko sakanya at dali daling kumuha ng wallet at naglakad palabas.

"San ka pupunta?" Tanung nya.

"Bibili ng cake!" Sigaw ko sakanya.

"Ng naka pajam—" Di ko na sya pinatapos at naglakad na paalis.

Ngayon andito na ako sa labas, at naglalakad mag isa. Lahat nakatingin Sakin kaya tinignan ko rin sila. Di ako mag papatalo lalo na at Bad trip ako ngayon,  naka salubong ko yung ka seat mate ko na Rhyle ba yun?  Ah basta! Ngumisi sya sakin at bumati na rin.

"Hi sayo Miss, oh? Naka pajama kalang pinag titinginan ka tuloy ng mga Tao" nakangisi nyang sabi at huminto pa talaga sa harapan ko.

Napatingin ako sa suot ko at nanlaki ang mga Mata ko ng naka pajama nga lang pala ako, aishh.. Ang tanga tanga ko pa kasi! Sinamaan ko sya ng tingin at naglakad palayo sakanya. Kaso nahawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako pabalik ulit sa harap nya.

"San ka pupunta Miss?" Tanung nya sakin, tinanggal ko ang kamay nya na kanina pa naka hawak sa kamay ko.

"Excuse me lang ha? Di kita kilala kaya Lumayo ka sakin," sabi ko sakanya at tinulak sya palayo.

"Oi teka lang, San kaba kasi pupunta at naka pajama kalang?" Tanung nya ulit sakin. Bat ba ang kulit kulit nya?! Kahapon pa sya ah!

"Bibili ako ng cake! Teka nga.. Bat ko ba  sinasabi sayo toh? Eh Di nga pala tayo magkaibigan!" Singhal ko sakanya at umalis na ng tuluyan.

Bahala sya dun! Tsss, ang kulit kulit nya buwisit sya. Binabad trip nya lang ako lalo, naglakad na ako papunta sa bilihan ng cake. Di ko alam ang pangalan dahil Di ako interesado, pero Ramdam kung may naka sunod sakin. Pero Di ko pinansin.

THE BAD BOY AND MEWhere stories live. Discover now