Nag umpisa na ang klase namin kaya naman ay Ito na ako at nakaupo sa upuan ko, maaga akung pumasok kaya naman ay... Wala lang, sinasabi ko lang.
Whole day kami ngayong may pasok, Ewan ko ba Kay Ma'am kung bakit naisipan nya pang iwhole day kami. Pumasok na si ma'am at deretso front sya,
"Good morning class.. May gagawin tayong activity kaya mag hanap kayo ng partner nyo okay?" Sambit ni ma'am.Lahat na yata sila may mga kapartner na, ehh kamusta naman ako? Wala naman akung kakilala dito maliban Kay Rhyle. May kumalabit sa likuran ko kaya naman ay napatingin ako.
"Oh bakit Rhyle?" Tanung ko sakanya,
"Wala ka pang partner?" Tanung nya syempre tumango ako, wala naman talaga akung partner.
"Gusto mo partner nalang tayo?" Tanung nya, napaisip muna ako. Wala syang partner, wala rin naman akung partner.. Sige na nga lang.
"Sige.. Partner na tayo" sabi ko, natuwa naman sya dahil sa sagot ko sa tanung nya.
Kaya ayun partner nga kami,"sa every activity na gagawin natin class ay ang kapartner nyo lang ang puwede nyong maging kapartner ha?" Paalala ni ma'am.
"Okay, ngayon.. Gusto ko na gumawa kayo ng music video, at ipapasa nyo yan before the exam okay?" Paliwanag ni ma'am.
"Oh sa ngayon, dahil may meeting kami.. Pag usapan nyo muna dito ang gagawin nyo okay? I'll be back in a minutes.." Dagdag pa ni ma'am at lumabas na ng Classroom.
Hinarap ko kaagad si Rhyle na ngayon ay nakangisi,"oh? Anu nang gagawin natin.." Tanung ko sakanya.
"Gagawa tayo ng music video" sagot nya sakin.
"I mean, anu ang ilalagay natin sa video?" Tanung ko, iba kasi ang meaning nya sa sinabi ko kaya nilinaw ko.
"Pictures.. Tapos lalagyan natin ng music, oh diba? Easy lang" pa cool nyang sabi at talagang sumandal sa upuan nya.
"Anu namang picture yan?" Tanung ko ulit.
"Tingin ko mas maganda pag pictures natin.." Nakangisi nyang sabi.
"Anu?! Wala nabang iba? Bat picture pa talaga natin?" Gulat kung tanung.
"Wala lang, saka mas maganda nga yun eh.. Saka dalawa lang ang pipilian mo. Ang pictures natin oh Di kaya ang Di tayo maka pasa" paliwanag naman nya at ngumisi ng nakakaloko.
"Oo na! Pictures na natin, tsss" napilitan na ako. Di ko man gusto na picture namin ang ilagay sa music video na gagawin namin. Wala na akung magagawa pa, yun na yun ehh.
Habang pinag uusapan namin ni Rhyle ang tungkol sa gagawin namin ay biglang pumasok si ma'am sa Room. "Attention class! May magaganap na Adventure bukas, so everyone please be ready at 6:35 am in the morning okay? Magkasama kayo ng partner nyo," biglang sabi ni ma'am. Kaya naman ay lahat kami nagulat.
"Saan po kami mag kikita lahat ma'am?" Tanung nung isa kung classmate.
"Good question Ms, dito lang tayo sa School mag kikita. Sasakay tayo ng School bus dito. Kaya don't be late okay? Please bring things na importante dahil maari natin yung gamitin, 2days lang tayo dun dahil pumunta lang tayo dun para alamin at libutin ang lugar" paliwanag ni ma'am.
"Okay class, you may take your snacks and be here at 9:30 okay?" Sabi ni ma'am kaya lumabas na kami.
Sabay na kaming nag snack ni Rhyle dahil pag uusapan pa raw namin ang about sa partner thingy pero alam ko naman na gusto nya talaga akung makasabay kumain. Halata naman, =____=
"Venice susunduin kita bukas ng umaga ha? Mag handa ka dapat maaga kang gumising" paalala ni Rhyle sakin. Tumango tango nalang din ako,
Andito na kami sa loob ng Canteen at kumakain na rin kami,"basta ha? Susunduin kita" ulit nya.
"Oo na, susunduin mo na ako. Talagang siguraduhin mong masusundo mo ako, masakit umasa kaya wag kang paasa" sabi ko sakanya.
"Sus! Ako? Papaasahin ka? Hindi mang yayare yun,ikaw nga ang paasa Ehhh..." Sabi naman nya kaso Mahina nyang sinabi yung sa huli kaya Di ko masyadong narinig.
Di ko nalang sya pinansin at kumain nalang, lumapit samin si Ms Rosales ang new classmate namin na tanga.. Tumabi sya samin at ngumiti"patabi sainyo ha?" Sabi nya. Tumango tango nalang ako at ngumiti ng pilit.
Susubo na sana ako ng pagkain ng rinig na rinig ko kung paano nya nginuya ang pagkain nya. Ang ingay naman nya kumain, "uh excuse me Ms Rosales pero Di ako nakakapag concentrate sa pagkain ko dahil ang ingay mo" reklamo ko sakanya. Napahinto sya sa pagkaka Kain nya at humarap sakin.
"Sorry po.." Sambit nya at dahan dahan ng kumain. Buti naman at tahimik na rin,
Nagpatuloy ako sa pagkain ko, pagkatapos kung kumain ay bumalik na kami ni Rhyle sa Classroom. Pag dating namin, may sinabi si ma'am samin na Di na raw kami mag dadala ng tent dahil sila na daw ang bahala dun. Pagkatapos ay pinauwi na kami ni ma'am.
Habang naglalakad sa Hallway palabas ng campus ay biglang lumapit sakin si Rhyle at inakbayan ako"oi sabay na tayo " sabi nya.
Mag sasalita na sana ako ng sumulpot si Rhainne sa harapan namin,"woahh! Kayo naba?!" Gulat nyang tanung kaya naman ay nanlaki ang mga Mata ko sa bigla.
"H-hindi!" Depensa ko kaagad.
"Oh? Akala ko kasi kayo na, sayang.. Ay nga pala sabay ako sainyo umuwi" wika nya.
"Hindi ka puwede sumama Rhainne," Singit naman ni Rhyle.
"At bakit? Tutal ihahatid mo sya sa Bahay nila, gusto ko sumama!" Pag pupumilit ni Rhainne.
"Payagan mo nalang Rhyle.." Sabi ko kaya ayun, nag sabay kaming tatlo. Hinatid pa nila ako sa Bahay, pero subrang daldal ni Rhainne, binunyag nya talaga ang mga secrets ni Rhyle. Subra ko ngang tawa kanina dahil sa mga nalalaman ko,
Any way, andito na ako sa kuwarto ko at nag hahanda na ako para sa camp bukas. 2days lang kami dun, kaya naman ay 4clothes and dinala ko, complete na lahat kaya naman ay nag pahinga na ako.
Excited tuloy ako kung saan kami mag cacamp, Ehhh kasi naman. First time ko pa sumali sa mga gantong camping camping ehh.
Malapit na rin mag Gabi kaya naman ay nag bihis na ako ng pantulog. Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text.
From: Rhylebabe
Bukas ha? Wag mo kalimutan.
Sira talaga, na save ko pala ang number nya pshhh. Napapangiti nalang ako ng Di oras dahil sa mga naiisip ko.
To: Rhylebabe
Oo na! Sira, alam ko naman yun.
Wala pangang ilang minuto pero nag reply na agad sya,
From:Rhylebabe
Sige, good night nahh..
Kaasar ngumiti nanaman ako, nagulat ako ng may sumundot sa tagiliran ko kaya naman ay napa talon ako sa subrang gulat.
"Yohan naman!" Sigaw ko.
"Yiiiehhhh, ngiti ngiti ka jan habang ka text si Rhyle.. Gusto mo na sya anu?" Pang aasar nya sakin.
"Anu kaba naman! Kaasar. Nang gugulat ka Yohan" reklamo ko.
"Sus, kinikilig ka lang Ehhh" pang aasar nanaman nya kaya naman ay sinamaan ko sya ng tingin.
"Bat kaba andito? Umalis kana nga" pag tataboy ko sakanya.
"Sige.. Sabi mo ehhh" wika nya at lumabas na ng kuwarto.
Kahit kelan talaga yung Yohan na yun parang bulate na bigla nalang Sumusulpot kung saan, nang gulat pa talaga sya.
Maka tulog na nga lang, maaga pa ko bukas Ehhh :3
______________________________