Sabay kami pumasok ni Yohan ngayon, wala lang trip lang namin mag sabay at nag skating ako samantalang sya ay nag long board papuntang School. Oo, trip lang din namin mag ganito. Para ngang baliw si Yohan eh nag seselfie eh Di naman nakatingin sa camera,
"Oi bunso, selfie tayo" sabi nya at hinarap kaagad samin ang cellphone nya kaya ayun nag selfie kami.
"Wacky naman" sabi nya at nag wacky kaya nag wacky na rin ako.
Tuwang tuwa pa talaga sya ng may picture kami na magkasama parang baliw lang.Pagdating sa School ay hinatid pa nya talaga ako sa Classroom namin at talagang pumasok pa talaga sya sa loob. Lahat tuloy ng kaklase ko nag tinginan sakin eh paano ba naman? Ehhh si Yohan nag dala ng bag ko, pumasok pa talaga sya sa loob. Nagpapaka gentleman sya eh!
"Lumabas kana nga Yohan!" Singhal ko sakanya, natawa naman sya at umalis na rin. Buti nga lumabas na sya,
"Huy.. Boyfriend mo yun?" Tanung bigla ng katabi ko sa kaliwa.
"Kapatid ko yun," sagot ko sakanya at humarap na sa black board. Dumating na ang teacher namin at kasabay nya si Rhyle.
Naalala ko na naman yung nangyare kahapon! Kaasar lang, nakakahiya kaya lalo na magkatabi kami noh tapos Di kami Bati! Mahirap man aminin to para sakin pero kasi, na guguilty talaga ako at gusto Kong mag sorry sakanya.
Buti at science na ang subject namin ngayon, nakakabanas ang Math. Habang nag didiscuss si ma'am ay nakatingin lang ako sakanya, pero palihim rin akung sumusulyap Kay Rhyle dito sa tabi ko, Di ko kasi maiwasang mapakali dahil sa ginawa ko kahapon, I really felt guilty about what I did.
Di pa ako sanay na ganito kami palagi nya naman kasi akung inaasar Simula pa nung kaka transfer nya lang dito. Pero ngayon naninibago ako, wala ehh tahimik lang kasi sya sa tabi ko. Di nya ako kinukulit at mas lalong naguguilty ako,
Malapit ng mag dismissal pero Ito subrang tahimik parin, Di ko alam kung anung gagawin ko eh.
"Class dismissed everyone," sambit ni ma'am, napatingin ako Kay Rhyle na ngayon ay wala paring ginawa kundi ang Umiwas ng tingin.
Nag silabasan na ang mga classmates namin at kami lang dalawa ang natira, tumayo sya bigla at nag umpisa ng maglakad palabas kaya agad ko syang pinigilan.
Napatingin sya sakin na walang emosyon,"Rhyle.. I'm sorry about what I did yesterday" sambit ko sakanya habang hawak hawak ko parin ang braso nya.
"Please sana mapatawag mo ako, Di ko naman kasi sinasadya yun... Saka— saka nainis lang naman ako nun kasi palagi mo akung naasar" dagdag ko pa pero Di sya nagsalita.
Napayuko nalang ako, nakakahiya tong ginawa ko. Sana Di ko nalang to ginawa,"sorry na please" sabi ko ulit. Nabitiwan ko ang pagkaka hawak ko sa braso nya ng umalis na sya.
Naiwan tuloy akung parang tanga, naiiyak tuloy ako dito dahil lang sa Di nya ako pinapatawad! Kaasar lang talaga. Bakit ba kasi ako naiiyak ng dahil lang sakanya? Nakakainis talaga.
Kinuha ko nalang ang bag ko at umalis na rin sa Classroom, pumunta nalang ako sa likuran ng library building. Dito nalang muna ako kesa naman sa pumarada pa ako sa harap ng maraming Tao.
Naupo lang ako mag isa at iniisip ang puwede kung gawin para mag kabati na kami ni Rhyle. Eh kasi naman eh! Umalis sya kaagad kanina, galit nga talaga sya. Magpatuloy kaya ako Kay Yohan? Pero panigurado naman na aasarin lang ako nun.
Kanina pa akung tahimik dito at pinapanood nalang ang magandang view dito. Garden kasi to noon pero Di na pinupuntahan ng mga estudyante dahil masyado na daw tahimik at nakakatakot. May multo pa nga daw dito pero Di ako naniniwala,Di ko pa nakita eh.