Kumain muna kami saka na sinabi ni ma'am kung ano ang susunod na activity namin. "Our next activity is hiking, wag kayong lalayo sa mga ka partners nyo ah? Sila parin ang kasama nyo. Sa bundok na yan kayo pupunta okay?" Wika ni ma'am sabay turo sa isang bundok na malapit lang samin.Nag Simula na kaming mag lakad papunta sa bundok na sinasabi ni ma'am na malapit lang kung tignan mo pero subrang layo kung lakarin mo.
"Tingin mo Rhyle malapit na tayo?" Tanung ko Kay Rhyle. Napatingin naman sya sakin at hinawakan ang kamay ko saka kami dumaan sa may lawa.
"Tingin ko malayo pa tayo, bakit? Pagod kana ba?" Wika nya. Umiling ako sa tanung nya.
"Curious lang ako kung malapit na ba tayo," sambit ko, napatawa naman sya kaya napangiti nalang ako ng palihim, lintek naman kasi Ehhh.. Ang gwapo nya pala lalo pag tumatawa >.<
Wag kayo... Ngayon ko lang napansin yon!
Nag patuloy lang kami sa pag akyat sa bundok, aaminin ko na napagod ako pero kahit papano na enjoy ko ang hiking namin ni Rhyle dahil sakanya.
"Malapit na tayo" nakangiti nyang sabi kaya naman ay naka hinga ako ng maluwag, hayyyy salamat naman at malapit na kami. Kanina ko pa gustong mag pahinga noh!
Pagkadating sa toktok ng bundok ay nakita ko na si ma'am na feel na feel ang pagiging doña, sina Sir at yung isa ko pa talagang kaklase ang nag pay pay sakanya. Naupo muna kami ni Rhyle sa ground at nag pahinga muna. Ang layo kaya ng nilakad namin!
Binigyan ako ng tubig ni Rhyle kaya kinuha ko na, "sa mga nauna dito hintayin muna natin ang iba ha? Saka ko na sasabihin ang next nanaman na activity natin.." Wika ni ma'am.
"Napagod ka yata ng subra, ubos isang mineral water ng ininom mo eh" natatawang sabi ni Rhyle. Ngumiti nalang ako kaso bigla nyang pinisil ang pisngi ko.
"Ang cute cute cute mo talaga Venice.." Nakangisi nyang sabi.
"Mas lalo pa akung na iinlove sayo" may sinabi pa sya kaso Di ko masyadong narinig. Dahil Mahina ang pag Kakasabi nya,Nang kompleto na kami lahat ay saka na sinabi ni ma'am ang susunod na activity namin. "Ang susunod naman na gagawin nyo ay ang hanapin ang ganitong insecto, kaylangan nyo libutin ang buong lugar dito para mahanap lang toh, Ito ang last activity na gagawin na tin ngayong araw.." Wika ni ma'am, may pinakita syang picture ng insecto na may pakpak na mukhang Ewan Di ko gets ang hitsura ng insect na toh.
Nag Simula na kaming umalis ni Rhyle. Hanap lang kami ng hanap, pero Di ko talaga ma gets ang hitsura ng insecto na yun, mukhang skeleton na may pakpak na mala butter fly ang hitsura.
"San ba kasi mahahanap yun?" Tanung ko, kanina pa ako naiinip dito. Wala naman kaming makitang ganun, Di kaya pinag loloko kami ni ma'am? Wala naman kasing ganun na insecto =____=
"Relax kalang jan," sambit naman ni Rhyle.
"Paano ako mag rerelax? Kung Di ko man lang kayang mag relax? Saka baka naman pinag loloko lang tayo ni ma'am? May insecto ba na ganun? Skeleton?!" Naiinis kung sabi, aba! Wala naman sigurong ganun na insecto noh.
"Pfttt... Nakakatawa ang mukha mo pag naiinis, ang cute lalo.." Sambit nya saka ako inakbayan.
"Anu bayan! Umalis na nga tayo dito, nakakaasar na.." Wika ko at naglakad na paalis ng Di ko na matandaan kung saan ang daan.
"Waaaaahhhhh! Pano ako makakalabas dito?!!" Nakakainis na toh,
"Teka nga.. Masyado kang nag mamadali, subukan kaya natin dumaan dito?" Sabi ni Rhyle saka dumaan sa isang maliit na daan kaya sumunod nalang din ako.