Introduction
Ever felt like when you're in a different place you're a different person? Yun ang nararamdaman ko kapag nasa bar ako, Lagi naman akong nadito e kapag hindi ko feel umuwi ng bahay dahil nakakainis mga magulang ko. Lagi na lang trabaho iniisip nila, HELLO! anak nila ako, I need care and love and whatever they need to provide as parents. Pero okay lang naman sa akin kasi mas nakakapag-isip ako kapag mag-isa ako and just...drinking. Hindi ito yung bar na party-paty ha? parang simpleng bar lang for drinks. Nafeel kong makipag flirt kahit konti kaya tinry ko sa bartender na nasa harap ko, hindi siya yung type ko pero cute naman siya kaya go lang.
"Isa pa ngang tequila" sabi ko with the batting of eyelashes effect.
Nagsmile naman daw siya, nakikiride din to ha. It means, nagwowork na ang aking charm. Lubus-lubusin mo na boy dahil ngayong gabi ka lang makakakita ng babaeng tulad ko ang makikipagflirt sa 'yo.
"Right away, miss" At binigyan na niya ako ng isang shot.
"Bago lang po ba kayo dito miss? ngayon lang kita nakita"
"Uhh...nagbabar hopping kasi ako e, so ngayon ko lang nga nakita to kaya bago nga ako dito, pero di ako bago sa ganito"
"Sorry, hindi ako nakapag-introduce ng sarili ko. I'm Sean."
Strike one, the name asking. Yan ang unang sign na he's picking up your waves. haha, pinag-iisipan ko kung ibibigay ko nga ba ang real name ko sa guy na to. Baka naman kasi stalker type to at maiinis lang ako kapag di na ko interesado sa kanya.
"I'm-I'm Faun (with the big grin) eighteen and you-are-a-lucky-guy-tonight"
(laughs) "Hi miss Faun, alam kong bawal akong kumuha ng any contact sa customer. Pero ok lang ba sa inyo kung hihingin ko ang number mo?"
Strike two. damn I'm so good. number asking. Well, pano ba naman iyan ibibigay ko na nga ung number ko, tas kapag interesado ako sa kanya saka na lang ako magpapakilala ng tunay kong pagkatao.
"eto, I have a feeling na we're gonna be good text mates :) "
Matapos ng mahaba-habang usapan, humingi na naman ako ng isang shot dahil kaya ko pa naman. Marami akong nalaman about sa kanya though hindi naman interesting. Like working student siya, he studies in UP so matalino siya. May kaya naman sila kaso ayaw niyang maging pasakit sa magulang niya etc.
"So, next week may gagawin ka ba? you wanna hang out?"
Strike three, hay. Eto na talaga e, hindi ko naman akalain na aabot sa ganito pero wala akong choice, ako naman kasi yung nagbigay ng motivation sa kanya e. Wala naman masama kung papayag ako kasi mukha naman siyang mabait. Matangkad, singkit, brown hair.
"Y-"
I was about to say yes nang may nakakuha ng pansin ko. Mas hot na guy, oh my god kailangan kong makagawa ng excuse para makaalis dito. Stop pretending na and this is the real thing.
"Would you mind kung magCR ako?"
"Uhh..no, sure"
Okay sa wakas nakaalis na din doon. I admit, bitch ako pagdating sa blowing off guys pero this is my motto kasi "You only live once" kaya bakit ka dapat magpakaloyal sa isang lalaki? Andami naman pwede?
Kapag ako na ang may gusto sa lalaki, wala ng mala-MAria Clara girl, Hindi ako maghihintay pa na ang lalaki ang unang lalapit dahil ako ang lalapit sa 'yo.
"Hi, I'm Jesse and you are?"
Halata sa guy na nabigla siya sa ginawa ko pero he just shrug it off and nakiride naman sa akin. Mas gwapo pa pala siya sa malapitan, And medyo tipsy nako kaya sana naman tulungan niya akong makauwi sa bahay namin.
"Remy (smirks) mag-isa ka lang ba dito?"
"Yess...at mukhang ikaw rin naman. so, regular ka ba dito?"
Medyo nagsslur na yung pagsasalita ko pero alam ko pa naman ang nangyayari kaya carry lang. Hindi ako uuwi hangga't di ko nakukuha si Remy.
"Once a week lang ako, para magrelax lang ganun."
"Oh, ako bago lang ako dito, malayo kasi ito sa school ko kaya di ko agad nadiscover. Ako din, I come here to relax. Gosh, we have so much in common"
Kahit isa lang naman, haha. What? I'm flirting kaya dapat show signs that you're interested. Andami naming napag-usapan na hindi boring tulad ng bartender guy na nakalimutan ko na ang name, Seth? Sean? I don't care. Basta ang iisipin ko lang si Remy, sinulat ko sa kamay niya ang totoong number ko dahil naiwan niya daw ung phone niya. Bigla kong napansin na angganda pala ng eyes niya kaya yun lang tinitigan ko at medyo parang vague lang naririnig ko. Alam niyo yun? yung feeling na lumalabas lahat sa tenga mo ung sinasabe nila dahil may iniisip ka?
"Eath to miss Jesse?" kinawayan niya ko sa harap ng mukha ko para mawala ako sa pagkatulala, Gosh nakakahiya naman. Kailangan kong magpalusot.
"Uhm..narealize ko lang angganda pala ng mata mo?"
"(embarrassed) Not really"
"No, really maganda"
Then I touched his cheek and next thing we knew we were kissing. I could taste the beer from his mouth. Then became dark. Nagising ako sa taxi at buti na lang katabi ko si Remy, naging successful ako sa mission ko.
Wait! di naman niya alam kung saan ako nakatira kaya saan niya ako dadalhin niyan?
"Mmm.."
"Jesse, uwi muna kita sa condo ko. madaling-araw na kasi. don't worry wala akong gagawin"
At natulog na lang ako ulit sa sobrang pagod ko. Kagising ko ng kinaumagahan nasa kama nako. Wait, top-check, shorts-check. no weird feeling-check. Okay confirmed na walang nangyari kagabi kaya kampanti ako, pero nawawla si Remy sa kwarto at tinatamad akong tumayo dahil alam kong masakit niyan ang ulo ko. Tumingala na lang ako sa ceiling at nag-isip na kung anu-ano, Nang may mukhang biglang bumungad sa taas.
"asljdjsdlksadlk"
"Sorry, gising ka na pala. O eto, ginger ale para sa hang over mo."
"Thanks. So what time is it?"
"Quarter to twelve"
"What the?!"
Tumayo ako agad at muntik ko pang matapon ang ininom ko sa kama, ambilis ng oras. Alam kong mapapagalitan ako dahil di ako umuwi pero twelve pa kinabukasan ako umuwi? grabi baka hindi na ako palabasin ng bahay. Kahit ganito ako, I know my limitations naman.
"Wait, hatid na kita"
"hindi na kailangan, magpapasundo na lang ako. so...where am I?"
"Global towers, floor five"
Tinext ko si Marco na kabarkada ko at malapit dito para sunduin ako. Kahit gusto ko naman ihatid ako ni Remy pero sa ganitong sitwasyon na nanganganib ako, ayoko namang madamay siya sa magulang ko. maybe next time na lang. Okay nandito na siya.
"Nandito na sundo ko, bye. And call me"
At lumabas na ko ng suite niya, pero bumalik ako. Hindi dahil may nakalimutan ako pero binalikan ko siya, para ikiss si Remy.
Sa car ni Marco...
"Baka gusto mong magpaliwanag kung bakit ka nandito at wala sa bahay niyo?"
"Long story baka mabore ka lang"
"Alam mo naman pag sa iyo Jesse hindi ako mabobore e"
Alam ko naman na sarcasm yon kaya sinuntok ko siya sa braso. With Marco he's like my big bro. Maasahan ko siya kahit saan, kahit kelan. Para nga kaming magkapatid e, sabi ko nga minsan sa parents ko nung galit na galit ako sa kanila gusto kong magpaampon kina Marco e, at siya laging takbuhan ko pag may problem ako.
"So, saan niyan tayo? tumawag sakin si tito. Advise ko sa yo. Wag ka munang umuwi"
"Patay. Sa inyo na lang muna"
YOU ARE READING
We found love in a hopeless place
Fiksi RemajaFind out what true love really is. Despite the allegations, issues and a mysterious stalker Remy and Jesse fought for their love even if it seemed hopeless.