Andito ako ngayon sa classroom namin, ang tagal naman ni Kiel! Naiinis nako!
"Oy! Abay hindi pupunta dito yung Ultimate Crush mo dahil may training yon! Asa kapa" sabay tapok sakin ni Caryl. "Nakakainis lang kasi, hindi ako makakauwi hangga't diko sya nakikita" Sagot ko. "Busy yon! ikaw! Tigilan mo na nga yang pagpapantasya sa Crush mo, alam mo namang may gusto yon kay Mishan, madami pa jan oh!" Sabay pingot sa tenga ko!
Pag ako nainis dito sa kaibigan kona to baka makita nya yung pagiging sadista ko. Diwari maging supportive nalang! Minsan may pagka hogeng din tong babae nato e, minsa pinagsisiksikan ako kay Kiel, minsan naman kulang nalang ipagtabuyan niya ko! Hay buhay!
"Oo na! Sige na! Eto na nga e, titigil nako, pero crush ko pa din sya, babawasa ko lang yung pagiging stalker ko!" Sagot ko naman.
"Okay class dismiss!" Sabi ng matandang last period namin.
Pauwi na kami, hindi ko talaga maiwasan na hindi makita si Kiel, kaya naman aayain ko si Caryl sa gym.
"Ganda! Ang ganda ko, ay mo pala!" pang uuto ko. "Oh bakit? alam ko namang maganda ko don't state the obvious! May kailangan kalang kata ka ganyan e!" Kapal naman din minsan ng mukha netong kaibigan ko hahaha. "Samahan moko sa gym naiwan ko yung long pad ko kanina" pagkukunwari ko. "Nako! Sisilay kalang e! Pasalamat ka sinabihan moko ng maganda kung hindi, hindi kita sasamahan!" Pabebe din to minsan e hahahaha.
Papunta na kami ngayon sa gym, pero bakit parang wala ng tao? Umuwi na kaya si Kiel my loves?! Nakakainis ha! Nang-uto pako para makita siya tapos nakauwi na!? Nakakainis!
"Kassey? Nakikita moba yung nakikita ko?" Para siyang nakakita ng multo. "Wala naman? Ano ba yon?" Nagtataka kong tanong. "Humarap ka bilis! Humarap ka!" Namumula nyang sabi at harap naman ako.
"Ah e-hh hehe? Hi? Sige alis na kami" gulat ko sabi at nahihiya ako syems! Aalis na sana kami ni Caryl pero hinawakan nya ko sa braso. "Wait? Bakit kayo nandito? Magdidilim na Kassey at Caryl?" Nagtataka nyang tanong. Hala! Hindi ko alam yung isasagot, natahimik kami. "Ah eh-ehh. May nakita kasi kaming pusang pumasok dito kaya sinundan namin, diba? Diba Kassey?" Napatingin naman ako kay Caryl tapos siniko nya ko para um-oo nalang, "Ah oo! Mahilig kasi si Caryl sa pusa kaya sumunod ako" Pagpapaliwanag namin. Sana bumenta ka! Cross finger..... "Ah okay, sige una nako sainyo." Pagpapaalam nya. Na may halong lungkot sa mukha.
Nang makaalis na si Kiel, natahimik kami ni Caryl, pero nawala yung katahimikan nung may janitor na pumunta sa gym para i-lock yung gate.
"Muntik na tayo don Caryl! Thankyou kanina wala talaga kong maisip na palusot." sabi ko habang palabas kami ng Campus. "Hay, sa susunod kasi mag-ingat ka! Saka iwasan mona! Alam mo naman na may gusto sya kay Mishan?" Sabi nya sakin. "Oo nga, pero hindi naman siya gusto ni Mishan may boyfriend na yon." Sabi ko naman sakanya na parang bigla akong nalungkot na ewan. "May boyfriend nga si Mishan pero hindi ibig sabihin non may Pag-asa kana? Hindi tayo yung nanliligaw tandaan mo yan!" Pagpipilit sakin ni Caryl na umiwas na sa kaka i-stalk kay Kiel. Hindi nalang ako sumagot baka kung san pa mapunta yung pinag uusapan namin.
"Sige mauna nako ha! Ingat ka" sabi ko ng andyan na yung service ko. "Sige! Ikaw din! See you tomorrow!" Pagpapaalam na din nya.
Nung nasa service nako, umandar na, ako nalang pala yung hinihintay.
Kaya ko bang iwasan yung pag istalk kay Kiel?
Pangit bako? Para hindi magustuhan ni Kiel?
Wala bang pag-asa na magkagusto siya sakin?
Pero nasasaktan siya kasi may ibang mahal yung mahal nya.