Chapter 8

47 3 0
                                    

Chapter 8: Double date?

Papasok na kami sa isang restaurant, infairness ha, maganda ang taste ni Kiel. Ang ganda kasi dito. Perfect nga para sa mga couples.

Romantic yung place, siguro dahil na din Valentine's ngayon. May fountain sa gitna bago ka makapasok sa loob. Ang yung mga puno may mga christmas lights pero steady lang yung ilaw kaya ang comfortable sa mata. Tapos andito na kami loob. Wow! As in wow! May mga couples na dito as usual naman, tapos yung ilaw ang soft sa mata hindi masyadong maliwanag hinditm din madilim, sakto lang. Idagdag mo pa yung mga candles sa bawat table, at ang tugtog ng violin. Ang relax naman sa feeling nung place na'to. Dahil nga Valentine's Day, syempre hindi mawawala si Kupido na nakasabit sa kung san san at mga pusi na nagkalat. PERFECT PLACE.Yan lang masasabi kp sa lugar na 'to ngayon.

Pagkatapos ko mamangha sa place, pinaghila na ako ni Kiel ng upuanat umupo naman ako. Bakit parang ang laki naman ng table namin para saming dalawa?

"Bakit? Ah-eh, b-bakit... moko.. ina-ya? Bakit moko inaya mag date? Oo yon nga." Pautal utal kong tanog, sh*t bat koba natanong yong walang kwentang tanong. Ugh!

Tahimik lang syang nakatingin sa labas, parang may hinihintay ampeg? Ganern.

"Hi Zia! Hi Kiel!" Sigaw ni Caryl at wait... kasama nya si Erol? Wait, magdate din sila dito?

"Hello Caryl, hello erol, san kayo galing?" Tanong ko sakanila ng may pagtataka sa likod kasi sila nanggaling.

"Don sa likod may maliit kasing bridge don, ang tagal nyo kasi dumating kaya tiningnan namin yung view don ni Erol" Sabay turo don sa pinanggalingan nila at nakita ko ngang may mga tao din don.

"Okay Zia, me and erol prepare a date for you and Kiel, since wala naman syang ka-date at wala ka din naman. Alam na ni Kiel 'to." Sabi ni Caryl tapos umupo na sya katabi si Erol. Nung sinani Caryl yon hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, so nakaplano pala 'to. Meaning, parang napilitan lang din si Kiel kasi wala syang ka-date? Para hindi kami lonely ngayonh Valentine's? Tsk.

"And guys, double date 'to ha. Diba masaya!" Tuwang-tuwa na sabi ni Erol samin. At kami naman ni Kiel, naka poker face lang. Hmf.

"Ah, okay." tipid kong sagot.

Lumipas yung oras na parang hangin lang kami dito ni Kiel, ang sweet kasi ni Caryl at Erol, samantala kami Kiel, eto nagpapakiramdaman, tahimik habang nakikinig sa couple dito sa tabi namin. At kumakain syempre.

Tiningnan ko lang yung oras, mag 9pm na pala uwi nako, inaantok nadin ako e, wala lang nangyari. Nakatanga lang nakakabagot dito. Kahit andito yung crush ko. Tsk.

Tumayo nako at napatingin sila sakin "alis nako, inaantok nako e" paalam ko sakanila at tumalikod na. "Wait, hahatid na kita." Sabi naman ni Kiel na nakatayi na. "Thanks, pinsan sa treat mong date. Una na kami." paalam ni Kiel sakanila.

Pumasok nako sa loob ng kotse ni Kiel, at pumasok nadin sya. Tahimk. Tahimik lang buong byahe. Tss. Nakakahiya naman kung magsasalita ako.

Nung malapit na samin, inayos ko na yung sarili ko. "Thankyou kiel." Sabi ko at bumaba na. Bumukas naman yung window ng kotse nya. Kaya napaharap ako.

"Welcome Kassey. Thanks sa date." Sabi nya sakin at ngumiti ng may halong lungkot sa mukha.

"Thanks din Kiel. Wag ka malungkot mahal ka naman non e." Sabi ko nalang sakanya at nag babye nako at umalis na sya.




Kung Ako Ba Siya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon