Chapter 7- DATE
"Baby girl? Anong isusuot mo?" Tanong sakin ni Mama. Alam kasi nya na may date ako.
"Ma? Eto nalang sigurong long sleeves at shirt, saka flats nalang, masyadong halatang pinaghandaan pag susyal pa" sabay pakita ko ng damit na sinabi ko. Hindi naman kasi ako nakapagready edi sana nakabili ako ng bagong damit, hahaha. Syempre crush ko yung ka-date ko. Hello?*Ding dong* *Ding dong*
"Oh andyan na ata yung crush mo baby girl, baba nako ha, bilisan mo jan." Sabay kiss ni mama sakin sa pisngi, ang sweet talaga ng mama ko.
Pagkaalis ni mama, nagbihis nako. Naglagay lang ako ng foundation saka blush-on para hindi pale tingnan yung mukha ko, saka lip shiner lang, tapos nag curl lang ako saglit yung dulo lang naman kaya mabilis lang.
Bago ako bumama, nagdasal muna ko.
"Lord, goodluck nalang po sakin" sabi ko sabay hinga ng malalim at lumabas na.
Nakita kona si Kiel sa baba nakaupo siya sa sofa, ang gwapo nya! Naka ling sleeves sya at naka black pants. Kahit ang simple lang ng suot niya, sh*t ang lakas ng dating ng lalaking 'to.
"Good evening, Kassey" bati sakin ni Kiel nang makababa nako at tumayo siya.
"Good evening din." Sabi ko at ngumiti sakanya, at ngumiti din siya. Kyahhhh!
"Let's go?" Yaya niya sakin. Tumingin muna ako kay mama, at ngumiti naman sya at nag thumbs up pa.
"Ah sige, ma! Alis napo kami." Paalam ko kay mama.
"Alis napo kami tita Cindy, hahatud ko nalang po sya dito." Pagpapaalam din ni Kiel kay mama.
"Ingat and Enjoy!" Sigaw ni mama.Pagkalabas namin ng gate, pinagbuksan ako ni Kiel ng kotse sa tabi ng driver's seat. Ngumiti naman ako, para pagpapasalamat. Umikot na suya at sumakay na, pinaandar na yung makina at umalis na kami.
"You look georgous, kassey." Sabi nya at ngumiti.
"Ah, thankyou Kiel, you too. Ah-eh, i mean you look handsome with your outfit." Sabay ngiti nya at tumigin na ulit sa daan.
Tahimik lang buong byahe, Bakit nya ko inaya mag-date? Ano kaya nakain niya?
Nung huminto na yung kotse bubuksan ko mna sana yung door, pero naunahan niya ako kaya bumaba nako at napangiti.
Sobrang gentleman talaga ni Kiel, kaya possesive ako dito. Mabait na, gwapo pa.
Minsan nga nag-aassume ako na crush niya din ako, dahil sa pagtrato nya sakin. Kaso alam ko namang imposible, pero iniisip ko pa din.
Awts no? :(