Ezekiel's POV
Sa tuwing may training ako ng Arnis nakikita ko palagi si Caryl at Kassey, ang tiyaga lang nilang dalawa. Sino kaya yung pinupuntahan nila? Baka naman si Erol lang kasi ang alam ko Girlfriend ni pinsan si Caryl e. Oo, baka nga supportive masyado si Caryl sa Boyfriend nya kaya pati sa training lang nandun siya. Ang swerte ni Erol.
Andito ako ngayon park, isa ako sa mga istalker ni Mishan, oo 'Mga' kasi madami kaming nagkakagusto sakanya, maganda siya, maputi, matangkad, maldita man pero ewan ko kung bakit ako nagkagusto at nagkandarapa kay Mishan, minsan nga napapa-away ako dahil nahuhuli ako ng Boyfriend nya na sinusundan si Mishan.
Kasama ko si Erol ngayon, pinsan ko siya at Arnis Player din, sobrang close kami, classmate lang kami.
"Pinsan? Diba kayo ni Caryl?" Tanong ko.
"Oo pinsan bakit? May problema ba?" Aniya.
"Ah wala naman, ang swerte mo sakanya pinsan napaka supportive nyang girlfriend." Sabi ko ng may lungkot sa mukha.
"Oo nga pinsan, kaya nga mahal na mahal ko yon e, pero teka ang alam ko may gusto sayo si Kassey kaya nandun din si Kassey palagi" sagot ni pinsan, nagulat naman ako sa sinabi nya. Sakin? May magkakagusto? Isa lang akong normal na tayo, alam ko kasi mga gwapo lang nagugustuhan ng babae.
"Imposible naman Pinsan na magkagusto sakin si Kassey" sabi ko.
"Bakit naman pinsan? Gwapo ka naman mabait, kaya hindi imposible kasi posibleng may gusto nga siya sayo, saka si Caryl na din nagsabi sakin non." Pagpapaliwanang ni Pinsan.
"Kung totoo man o hindi pinsan, pero si Mishan yung gusto ko." Sabi ko pero napa isip ako sa mga sinabi ni Erol.Kung totoo man o hindi sana nga sakanya nalang ako nagkagusto, kasi mabait naman si Kassey at maganda, sana siya nalang talaga para hindi nako nasasaktan sa twing pagtatabuyan ako ni Mishan, sa twing irereject nya yung mga letters ko binibigay, sana talaga si Kassey nalang.
