Chapter 5

54 4 0
                                    




Kassey's POV

Naka online ako ngayon sa facebook. Nakita kong online din si Kiel dahil may naka Active now.

Gusto ko siyang i-message ng 'Hi' kaso baka i-seen nya lang ako.

Nagpunta nalang ako sa newsfeed at nakita ko ang status ni Kiel.

Ezekiel Martin

Hi guys, Chat nyo ko, need ko ng kausap. :(

•68 likes •8 comments

Nung nakita ko yung status nya agad kong tiningnan kung online pa sya, at confirm online pa nga.

Ime-message ko ba? O hindi?

Huminga muna ako ng malalim.

At....

Send!

Sabi ko lang ay... Hi Kiel. :)

May nag pop-up sa notification ko.

Ezekiel sent a message of you.

OMG! Nagreply syaaaaaaa!! Ang saya saya ko! Gusto kong tumili pero baka magalit si Mama!!!!!!

Babasahin kona yung message..

Hi din, Kassey. :)

Shemsss! Anong irereply ko? Nakakainis.

Sasabihin ko sanang, 'Kamusta' kaso biglang na-cut yung unli ng pocket wi-fi. Ughh! Wrong timing naman! Kaya nag offline nako. Tskk. -.-

Makatulog na nga lang para bukas makasilay pako kay Kiel my Loves! Omg! Excited nako dahil 'VALENTINES DAY' na bukas. Wala man akong ka-date sa Valentine's excited padin ako hindi naman ako 'Bitter' katulad ng iba jan. Hahahahaha.

-----

'Anak! Gumising ka na! Tanghali na! Baka malate ka!" Gising sakin ni mama.

"Mama naman nananaginip pako e" pagmamaktol ko. "Ano bang nananaginip yang sinasabi mo?! Ikaw bata ka! Kakaisip mo sa crush mo napupuyat ka! Snong oras na oh! Alas siete na ng umaga! Tumayo kana nga jan!" Sabay batok sakin ni mama. Napaka sweet talaga ng mama ko. Hanep. "Opo eto nga po oh sabi nga po maliligo nako" sabay tayo ko sa kama.

Nakakainis naman si mama, ang ganda pa naman ng panginip ko! Binigyan daw ako ni Kiel ng Bulaklak at Chocolate. Tapos aabutin kona kaso ginising nako ni mama! Kasi naman e!

Nakaligo nako at nakapagbihis na, dahil may program sa school pwede naman mag sibilyan, kaya ang suot ko nga yon ay Crop top na black and red tapos shorts na high waist color black saka naka Flats lang ako, hindi kasi ako sanay na mag heels, ewan ko ba nahihilo ako pag mataas yung suot kong sandals. Tapos nag curl lang ako ng buhok yung ibaba lang naman, tapos naglagay lang ako ng light make-up, lipstick, blush on, Foundation, at maskara lang, para hindi mukhang pale yung mukha. Ganito naman lagi yung ayos ko tuwing papasok, hindi naman sa pumoporma ako, nagdadalaga na kasi ako kaya kailangan maayos ako. Yung iba kasi masyadong judgemental.

Bumaba nako at kumain ng cereals, pagkatapos kong kumain, umalis nako sa bahay kasi andun na yung service ko sa labas namin.

Andito na kami sa school, ayos yung set-up may mga booth na nagkalat, syempre dahil Valentine's hindi mawawala ang mga Couple na nagkalat kung san san.

Naglakad nako papunta sa room, wala naman din kasi kaming gagawin kaya sa room nalang siguro ako, kahit saan ako tumingin may mg couple na magka-holding hands.


------------------------------------------------
A/N

Hi guys! Advance Happy Valentine's Day! Wag na tayo maging bitter! Hindi lang naman para sa mga Couple ang Valentines andyan naman yung mga FRIENDS AND FAMILY natin para i-celebrate ang Valentine's.

Please vote and Godbless us.

Thankyou all....

Fr: Glamjewelxx

Kung Ako Ba Siya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon