Malapit nako sa room, nasa hallway nako. May mga babaeng tumatakbo, may mga couples, may mga mukha namang bitter, at syempre meron ding mga alone like me.
Andito nako ngayon sa room, nagtitinginan sila nung pumasok ako, hindi naman sana ko late, baka may dumi sa mukha ko, o kaya naman e... basta. Wala akong pake sakanila.
Yung mga Girls Generation sa room namin ang sama ng tingin sakin, pumunta nalang ako sa upuan ko, pagka upo ko sakto naman dumating na yung subject teacher namin.
Mabilis naman natapos yung klase, sobrang bagot na bagot nako, napakatamlay pa naman magsalita nung ibang teacher.
Papunta akong Cafeteria ngayon, gusto ko bumili ng dessert.
Nung paglabas ko sa room namin, tingin ng tingin sakin yung ibang estudyante, ano bang problema nila?
Pababa nako ng hagdan, pero nakita ko si Caryl palapit sakin at may dalang isang pulang rosas.
"Besh, eto rose may nagpapabigay" nakangiti nyang binigay sakin at tinaggap ko naman ng may halong pagtataka.
"Eh, thankyou. Sino nagpapabigay?" May pag aalinlangan kong tanong. Pero ngumiti lang sya sakin bilang sagot. Bigla nya ko hinili pababa ng hagdan.
"Oy! Teka! pupunta ko ng cafeteria! Nagugutom ako!" Sigaw ko sakanya, pero may lumapit ulit na estudyante sakin at may hawak na isa pang rosas, at ibinigay sakin.
"For you miss Kassey." Naka ngiti nyang sinabi.
At lumakad ulit kami may nag-abot ulit sakin ng rosas, mga siyam na tong hawak kong rosas, teka may ano ba? Mabuti pa tanungin ko tong babae nato.
"Hoy! Ano 'tong pakana mo? Para hindi ako mag mukhang alone no?" Sabi ko sakanya at sakto nakababa na kami ng hagdan.
"Wait kalang jan" nakangiti nyang sambit.
Bakit andaming tao? May mga estudyanteng naka palibot? Sakan may mga nagkukumpulan? May ano ba?
May tumugtog na kanta.
My Valentine....
At unti-unting humarap yung mga estudyante na kaninang nagkukumpulan, nagulat ako sa mga hawak nilang letters.
"BE MY DATE KASSEY"
At may lalaking palapit at napatingin naman ako kung sino! Huh?! Bakit? Anong bang pumasok sa isip nya?! Totoo ba 'to?! O nananaginip lang ako?!
Kiel?
Nung nakalapit na sya, hindi ako makagalaw, bakit? Ang bilis ng tibok ng puso ko! Sobrang bilis...
"Kassey? Be my date for tonight? Please?" Sabi nya sakin.
"Huh? Ako? Ah-ehh, sige." Nakangiti kong sabi at niyakap nya ko?! Niyakap! Oo totoo, nagba-blush nako neto panigurado!
Yung crush ko! Inaaya ako ng date! Totoo ba 'to? Ahhhhhh! Kiel. I love you na!
"Sunduin kita mamaya sa inyo, 6:00pm" sabi nya sakin.
"Ah okay, wait alam moba yung bahay namin?" Tanong ko at nahihiya padin ako hayssss.
"Madali lang magtanong kay Caryl, see you later." At iniwan nako, wait. Iniwan nya ko? Wow ha. Pero bayamuna! yes! Yes! May date nako! Hahahahahaha kailangan paghandaan.
EXCITED MUCH!
———————————-————
A/N:
HI GUYS! SORRY KUNG MASYADONG LATE YUNG PAG UPDATE KO.
KEPP READING! I LOVE YOU ALL :*
GODBLESS US!
