Chapter 10: Walk Out
Ezekiel's Point Of View
Nakakahiya naman kay Kassey kakaibigan pa lang namin muntik na siya mapahamak dahil sakin.
Andito na kami sa room, magbobotohan kasi ng Class Organization kaya medyo maaga kami pinapasok.
"Okay class, alam niyo naman na siguro ang gagawin natin diba? Ang kailangan ko lamang ay ang kooperasyon niyo, wag niyo sana ito gawing biro dahil ito ang magdadala sa inyong klase, para naman din ito sa ikabubuti ng lahat kaya't sana ay inyo itong pagbotohang mabuti. Okay let's start." Sabi ni ma'am Dana, mabait si ma'am kagalang-galang. Halata naman sa pagsasalita pa lang.
"Okay, ms. Velmonte ikaw muna ang tatayo dito sa harap bilang secretary." Sabi ni maam dana at tumayo naman agad si Ms. Velmonte. Dito sa Green Dale University yung mga Last name ang tawag kaya ganyan sila.
"Okay, taas ang kamay ng may gustong mag halal ng presidente." Tanong ni maam Dana.
Nagtaas naman si Ms. Fortaleza bilang pagtugon. "Maam si E. Martin po." Sabi ni Ms. Fortaleza na ikinagulat ko.
Hindi na ako makapalag dahil baka sabihin nila ang kill joy ko.
"Okay may iba paba?" tanong ni maam Dana.
Wala namang nagtaas ng kamay kaya, ako na yung President ng classroom.
Medyo mabilis naman ang naging botohan dahil naki-cooperate naman ang mga kaklase namin. Yung Vice-President ay si Erol, secretary si Caryl, at yung iba hindi na mahalaga kasi medyo madami din. Dumako naman kami sa muse. Napatingin ako ka'y Kassey, sa aming apat siya nalang ang walang posisyon. Kaya nagtaas ako ng kamay dahil walang nagtataas nung magtanong si maam Dana para sa muse.
"Maam si Ms. Briones po." Sabi ko kay maam dana at ikinagulat naman ni Kassey. Napatingin siya sakin.
"Okay tutal naman wala ng nagtataas ng kamay kaya si Ms. Briones na ang ating muse, at siya ang ipanglalaban sa mga pageant ng GDU. Okay Ms. Brough dahil ikaw ang sikretarya isulat mo na sa iyong notebook ang mga kasama sa Class Organization. Okay class dismiss." Sabi ni maam dana at umalis na sa loob ng room.
Matapos sa muse ay sa escort naman, ang nahalal bilang escort ay si Jericho Garcia na may gusto kay Pike, pero hindi alam ni pike.
Nakita kong palapit si Kassey, alam kona ang gagawin nito. Hahahaha
"Bwisit ka sakang! Ano'ng ginawa mo!" Sabi niya sakin sabay hampas sa balikat ko. Ang cute lang niya pagnaiinis haha.
"Teka! Aray naman!" Sabi ko.
"Huhu, sakang hindi na tayo mananalo sa mga pageant kainis ka!" Sabay hampas ulit sa balikat ko.
"Ano ba pike! Masakit na ha! Maganda ka naman kaya wag ka ng maarte jan!" Sabi ko sabay tawa.
"Bahala ka nga jan, ikae lalaban don ha!" Sabi niya sakin sabay walk-out. Wait! Ako? No way! Hindi ako bakla no!
***
"Oy! Pinsan! Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Kassey ha." Sabi sakin ni erol. Hindi namin kasama si Kassey at Caryl dahil may gagawin pa daw sila.
"Oo, magkaibigan na nga kami." Sabi ko naman sakanya.
"Diba alam mong may gusto sa si Kassey? Buti hindi ka naiilang?" Tanong ni erol.
"Oo alam ko, pero masaya siya kasama kaya hindi ako naiilang." Sabi ko naman. Bakit namaako maiilang? Tss.
"Ah, e bakit parang malungkot ka?" Tanong niya ulit.
"Ako malungkot? G*ago! Hindi no *sabay ngisi* ayan oh nakangiti ako." Sabi ko.
Pero bakit nga ba malungkot ako? Nahalata pala nung mokong na'to. Ewan ko ba kung bakit ako malungkot. Hays. -.-
***
Kassey's Point Of View
"Oy!" Sigaw sakin ni Caryl.
"Ay, palakang butiki! Ano 'ba bakit kaba nanggugulat?!" Sabi ko sakanya.
"Hello? Kanina kapa nakatulala jan! Tss." sabi ni caryl. Totoo ba? Lumilipad nanaman yung utak ko! Letsheng Sakang naman kasi na yon! ako pa yung Ginawang muse! Pike ako kaya hindi ako marunong rumampa! Tssk.
"Ah, wala! Sige na tara na kila Sakang." Sabi ko sabay hila sakanya lumabas na kami ng library.
"Wait!" Sigaw ni Caryl.
"Ano nanaman ba Caryl?" Sabi ko.
"Sino si Sakang?" Sabi niya sabay taas ng kilay. Hindi pa nga pala nila alam na yun yung tawag ko kay Kiel.
"Si Kiel yon! Piki naman tawag nya sakin. Okay kana? Tara na nga!" sabi ko sabay hila pero huminto ulit siya.
"Piki? Sakang? Wow perfect match ha. PIKANG LOVERS bwahahahahaha." Sabi nya sabay tumawa ng parang wala ng bukas.
"Tssk. Tara na!" Sabi ko tapos hinila ko na siya.
Papunta kami ng cafeteria nandun kasi sila Kiel. Tutal magkakaibigan naman na kami kaya okay lang naman siguro kung sasama kami sakanila diba?
Pagkapasok namin ng Cafeteria nakita ko na agad sila Ero at Kiel. Kaya lumapit na kami ni Caryl.
"Hey!" Sabi ko sabay upo. Mukhang nagulat yung dalawa. Haha
"Oh tapos na kayo sa ginawa niyo?" Tanong ni erol samin.
"Oo namin na kami babe." Sabi naman ni Caryl.
"Oy! Sakang bakit ang tahimik mo jan?" Sabi ko kay Kiel, at medyo lumapit sakanya. Haha. Parang pume-first move ako. Pangit.
"Wala naman may iniisip lang." Sabi niya.
"Wait Sakang?!" Sabi ni Erol. Well hindi pa nga pala niya alam.
"Oo sakang, tawag ko sakanya, piki naman tawag niya sakin." Sabi ko.
"Sakang? Piki? Equals Pikang? Hahahaha Pikang Lovers nalang para sweet." Sabi ni erol tapos tumawa siya ng tumawa. Bagay nga sila ni Caryl.
"Alam mo erol, magkaibigan kami netong si Sakang kaya wag kang epal jan! Bagay nga kayo ni Caryl, CORNY! sabi ko tapos diniin ko yung pagkakasabi ng 'CORNY' hahaha.
Nagku-kwentuhan lang kaming apat si Kiel naman nakikipag-usa na din, ang moody talaga nung lalaki na'to.
Nahinto kami sa pagtatawanan nung may lumapit na isang estudyanteng may dala na bouque ng red roses.
"Ms. Briones, may nagpapabigay po sa'yo." Sabi nung babae na parang kaidad lang namin. Sabay abot sakin nung bulaklak. Tinanggap ko naman iyon ng may pagaalinlangan.
"Ahm. Thankyou, kanino galing?" Sabi ko.
"May note po." Sabi nya at umalis. Tiningnan ko naman yung bulaklak may note nga. Kinuha ko yung note at binuksan.
Hi my princess, i hope yuo like it.
Love
Jericho GarciaNapatingin naman ako sakanila, parang nagtatanong din sila kung sino nagbigay.
"Kay Jericho Garcia, siya nagpabigay. Siya diba yung escort natin?" Sabi ko sakanila.
"Oo siya nga! Ayieee. May pa bulaklak pa siya sayo, how sweet!" Sabi ni Caryl.
"Cr lang ako." Sabi naman ni Kiel. Na ikinagulat namin.
"Wait sama nako pinsan." Sabi naman ni Erol. At umalis na sila.
"Anyare don?" tanong ni Caryl.
"Abay malay ko?" sabi ko nalang. Bakit nga ba nag walk-out si Kiel.?